Pagkawala ng mga dokumento, maaaring gawin ang report sa Comune - Ako Ay Filipino

Italya

"Maaaring direktang gawin ang report ng pagkawala ng carta d’identità o anumang uri ng dokumento sa Comune". 

 

Ito ang inihayag ni Yoram Gutgeld, ang extraordinary commissioner for spending revision on pubic administration, sa isang parliamentary hearing.

Taun-taon, higit sa 2.5 milyon ang report ng mga nawawalang dokumento na nangangailangan ng daan-daang tauhan ng pulisya tulad ng carabinieri, polizia di stato na napipilitang gawin ang trabaho ng public administration na hindi angkop sa kanila”. 

Dagdag pa ng commissioner, ang ideya ay makarating sa mekanismong “kung mawawalan ng carta d’identità ay maaaring direktang magtungo sa Comune para gawin ang report. Ito ay magtatanggal sa daan-daang pulisya sa trabahong ito at magpapadali pa sa buhay ng mga mamamayan

Kailangang matagpuan ang angkop na panuntunan upang maisakatuparan ito”.