Pinoy gang, timbog ng pulisya sa Roma - Ako Ay Filipino

Italya

Natimbog ng pulisya kamakailan ang 4 na Pinoy snatchers sa kilalang Terrazza del Pincio sa Roma. 

 

Ayon sa ulat ng Roma Today, apat na Pinoy snatchers ang natimbog ng Carabinieri del Nucleo Operativo Roma Trionfale kamakailan. Ang pinoy gang, may mga police record na, ay binubuo ng dalawang menor de edad: 16 at 17 anyos at 18 at 19 anyos, mga kilalang dalubhasa at matulin sa pang-hahablot ng bag ng mga estudyanteng paboritong biktima ng grupo. 

Ayon sa salaysay ng pinakahuling biktima, isang 19 anyos na estudyante, ay hinablot umano ang kanyang bag habang nakaupo at kasama ang kaibigan nito isang gabi sa Terrazza del Pincio sa Roma. 

Ayon pa sa report, ang dalawang menor de edad at ang 18 anyos ay lumapit umano sa dalawang dalaga upang libangin ang mga ito habang ang 20 anyos naman mula sa likod ay ang mabilis na humablot ng bag ng biktima at nagtatakbo sa direksyon ng Villa Borghese. 

Mabilis namang naireport ang mga pangyayari sa 112 at detalyadong ibinigay ang hitsura ng apat. Matapos ang maikling habulan ay natimbog ang grupo.