Balita - Ako Ay Filipino

Tatanggap ng allowance ang maysakit na nasa ospital, nagpapagaling at nanganak. Naka-insured naman ang mga employers sakaling maaksidente ang kaniyang worker.

Roma – Binuksan noong ika-1 ng Hulyo ang Supplementary Medical Insurance Fund (Cassa di Assistenza sanitaria integrative). Ang mga colf (household service workers), badanti (caregiver) at baby sitter ay tatanggap ng karagdagang proteksyon sapagkat ang gobyerno ay pumayag na buksan na rin isang programang pakikinabangan ng mga ito sa oras na magkasakit, manganak o maaksidente.

Titiyakin ng Cas.sa.colf na ang mga manggagawa ay tatanggap ng daily allowance sakaling ito ay maospital, nagpapagaling at nanganak. Maibabalik rin ang pinagbayaran sa “ ticket” para sa ilang serbisyong pangkalusugan na isinagawa sa National Health Service (Servizio Sanitario Nazionale). Samantala ang mga employers naman ay nakaseguro sakaling ang kaniyang trabahador ay naaksidente at  may kasama pa “in itinere” kung tawagin sa wikang italyano na ang ibig sabihin ay nakaseguro ang worker mula sa pag-alis sa bahay papunta sa trabaho.  

Ang enrollment sa insurance ay authomatic, ang Cas.sa.colf ay kasama na sa ibinabayad ng employer sa trimester contribution sa Inps tulad ng nakasaad sa national collective agreement for domestic work (contratto collettivo nazionale del lavoro domestico). Ayon kay paliwanang ni Rosetta Raso – National secretary of Fisascat Cisl – isang Labor Union (Sindacato), ang salaping ito at makakatulong upang bigyan ng dagdag na proteksyon ang mga manggagawa at pamilya.

Mapupunta sa supplementary fund ang 0,03 euro bawat oras ng trabaho. Kung susuriin ito ay napakaliit subalit sa pagbabayad halimbawa ng allowance na 20 euro araw-araw sa panahon na maospital, idagdag ang pagkakasakit na binayaran ng employer, ang pamilya ay covered ng insurance hanggang 50,000 euro.

Ang “allowance at riembursement” – dagdag pa ni Raso – maaaring makakuha ng form kahit sa tulong ng mga patronati. Ang layunin ng Cas.sa.colf ay napakahalaga lalo na para sa mga kababaihang colf at badanti, mga taong karaniwang mahihina, ngunit mahina rin ang mga pamilya na nagsusustento sa lahat ng mga gastusin ng kanilang mahal sa buhay. (ABM)

Download

Il regolamento di Cas.sa.colf

Il fac-simile dei moduli per le domande

 

Pachetto Sicurezza:  magpapahigpit sa paninirahan ng mga dayuhang legal at illegal. Ang mga may kapangyarihan ay magiging mas lalong mahigpit at sila’y handang magkontrol upang hanapin ang mga illegal na dayuhan.

 

Krimen ang pagiging clandistine, bawal na pagpapakasal kung walang permesso di soggiorno at matagal na paninirahan sa mga Deportation Centers, mas mahal na permit to stay at Italian citizenship. Ito ang mga pagbabago sa batas migrasyon. Mga alituntunin na nakasaad sa pacchetto securezza na inaprubahan at magpapahirap sa buhay ng mga dayuhan legal man o illegal.

 

Isa sa pinangangambahan ng maraming dayuhan ay ang pagpapatupad sa kabayarang halaga ng renewal at unang issuance ng permesso di soggiorno (permit to stay). Magiging 80 euro hanggang 200 euro diumano ang babayaran ng isang dayuhan kung nais niyang magrenew o mag-aplay ng unang permesso di soggiorno at paglagda sa  “accordo di integrazione” o integration agreement. Isang kasunduan upang tiyakin ang pagsunod ng isang dayuhan sa Italian Constitution, ang pakikilahok sa buhay pang-ekonomiya, pang-sosyal at sa kultura ng bansang Italya.

 

Ang permesso di soggiorno ay ihahalintulad sa isang driver’s license. May puntos na dapat pangalagaan at sa bawat maling pagkilos, babawasan ito ng puntos at kung maubos ang nasabing puntos ay babawiin ang permesso di soggiorno.

 

Mas mahabang panahon ang kailangan sa pagkakaroon ng italian citizenship kung nagpakasal sa isang italian citizen. Ang dayuhang nagpakasal sa isang italyano ay maaaring mag-aplay ng Italian citizenship matapos ang dalawang taong pagsasama.

 

Sa mga ginawang pagbabago ang mainit na pinagdebatihan ay ang pagpapakilala ng bawal na pagpasok at ang illegal na paninirahan sa Italya. Paparusahan ang sinumang mahuling walang soggiorno na nagkakahalaga ng limang libo at 10 libong euro. Magkakaroon ng mahigpit na control upang hanapin ang mga dayuhang walang permit. Mas mabilis na pagpapauwi sa bansang pinanggalingan ang isasagawa sa sandaling mapatunayan ang illegal na paninirahan sa bansa sapagkat sila’y agad na ihahatid sa airport kahit wala pang hatol ang hukuman.

 

Tinanggal naman ang atas magreport ang mga doktor kung may illegal alien na magpapagamot at ang mga punong guro ay walang karapatang magsuplong sa may kapangyarian kung ang mga magulang ng estudyante ay walang permesso di soggiorno.

 

Ang mga pagbabagong ito ay hindi pa ipinatutupad sapagkat hanggang sa kasalukuyan ang decree at hindi pa ipinapahayag sa Gazzetta Ufficiale o Official Gazzette. (Liza Bueno Magsino)

 

Ang motorsiklo, internet, mga gamit sa bahay ay mura na sa ngayon. Hindi kailangang magmadali, magtanong lamang sa mga negosyo.

 

Roma – Gusto n’yo ba ng bagong motorsiklo, pagandahin ang inyong kusina o magpalit ng gamit sa bahay? Kailangan mo ba ng mabilis na internet? Naghahanap ka ba ng bahay na makakatipid sa kuryente? Ito ang tamang panahon upang mamili ng mga ito.  

 

Upang makatipid, ang gobyerno ay naglaan ng 300 libong euro upang gamitin sa pagbibigay ng discount sa mga produktong inyong makikita sa ibaba. Sa oras na maabos ang 300 libong ito, matatapos rin ang discount, kaya’t kumilos na kayo ay samantalahin ang pagkakataong ito.

 

Sa pagbili ng mga kagamitan, tulad nang pagbili ng isang produkto, pwedeng ipagpalit ang luma sa bagong nais ninyong bilhin (rottamazione ang tawag dito), ang pamamaraan ay hindi magbabago. Magtanong lamang sa negosyante kung mayroon silang available na gamit, maaari itong alamin sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono o sa website kung ang pondong inilaan ng gobyerno ay hindi pa nauubos.

 

Para sa iba pang kaalaman, maaaring tumawag sa toll free number na 800.123.450 mula sa landline o sa cell phone ngunit may bayad sa numerong 199.123.450. Alalahaning italyano lamang ang sumasagot dito. (Liza Bueno Magsino)

Ang software diumano ng Comuni at Patronati ay hindi nagpa-function.

Roma – July 15, 2010 - Kung kayo ay magri-renew ng permit to stay (permesso di soggiorno), at hindi pa naman ito expired, huwag na kayong magmadaling pumunta sa inyong Comuni at patronati na kasama ng Post Office sapagkat ang kanilang software ay hindi nagpa-function ng maayos.  

 “Aming ipinababatid sa mga tauhan ng municipal offices na nagsasagawa ng electronic application sa paghiling o magrenew ng permit to stay na sa araw na ito, ika-15 ng Hulyo 2010, ang software EL12 ay may problema sa sistema. Responsabilidad namin ang ipaalam sa inyo ang problemang ito”, ayon sa pahayag ng Ancitel na siyang nakikipag-ugnayan sa mga tanggapan ng mga munisipyo. Ang komunkasyong ito ay kumalat kahapon.

Kinumpirma kahapon ni Daniela Morlacchi ng patronato Inca Cgil na dalawang araw nang hindi gumagana ng maayos ang kanilang software at ito’y napakabagal na kung saan napipilitan ang kanilang mga tauhan na ulitin ang aplikasyon.

Ang problemang ito ay matagal ng nangyayari. Ngayong araw na ito, nagbabala na rin ang Lombardia, kahapon naman ang Alto Adige at ang Marche. Ilan pa sa mga tauhan ay napipilitang ikumpila ang application form manually na maaaring dahilan ng maling pagfill-up ng form, dagdag pa ni Morlacchi.

Ipinaalam na rin ito sa mga Post Office at ginagawan na ito ng solusyon. Matatandaan na noon una pa man, ang problemang ito ay natugunan agad sa loob lamang ng dalawang araw.

Ministero dell’Interno pumayag na magpalista sa Servizio sanitario nazionale ang mga dayuhan kahit hindi pa nakakamit ang permesso. Guaranteed assistance mula sa voluntary contribution.

Roma – Pwede ng magpalista sa Servizio sanitario nazionale ang sinumang dayuhang naghihintay ng regularization sapagkat sa ibinayad na 500 euro (F24) na ibinayad ng mga employers ay kasama  ang expenses sa health assistance.

Base sa circular na ipinalabas at inaprubahan ng minstero dell’interno, ang Regioni Emilia – Romagna at ang independyenteng probinsya ng Trento ay nagpahintulot na sa mga dayuhang colf at badanti na naghihintay ng permesso di soggiorno na magpalista sa SSN. Ayon pa sa Ministero dell’Interno, ito ay isasagawa at ang circular ay dapat sundin ng lahat na bayan sa Italya.

Ang halagang 500 euro ay pondo upang pinansyahan lalo’t higit ang Servizio Sanitario Nazionale. Sa circular na ipinalabas noong ika-23 ng Disyembre 2009 mula sa Viminale, ang mga colf at badanti na sa pamamagitan ng regularization ay ma-legalize ang paninirahan sa bansa, dapat lamang na magkaroon ng karapatan upang makapagpalista sa Servizio Sanitario Nazionale.  

Ang nasabing registration ay pansamantala lamang. Magbibigay ang SSN ng STP Code (Straniero temporaneamente presente). Matapos pumirma ang worker at employer sa contratto di soggiorno, ang worker ay bibigyan ng codice fiscale. Sa oras na matapos ang proseso hanggang sa makapag-aplay ng permesso di soggiorno ang worker, kailangan itong ipaalam sa SSN upang ang registration ay maging depenitibo tulad ng lahat na dayuhang manggagawa na may permesso di soggiorno. (Liza Bueno Magsino)

 

 

 

 

Halos 300 applications for regularization ang natuklasang peke na isinagawa ng mga inarestong italyano at intsik.

Milan – July 16, 2010 – Inaresto ng mga police investigator sa Milan ang anim na italyano at isang intsik dahil umano sa pag-oorganisa ng isang tanggapan na kung saan ay isinasagawa ang kunwaring employment at tulungan umano ang illegal immigrants sa pagkakaroon ng permesso di soggiorno.  

Ang mga dayuhang nakakuha ng pekeng permesso di soggiorno ay nagbayad sa nasabing organisasyon. Sinamantala ng grupo ang atas ng sanatoria para sa colf at badanti upang kumita ng malaking halaga at ito ang maituturing na paglabag sa batas dahil sa ang naging layunin nito ay pagsang-ayon sa illegal migration.

Nag-umpisa ang mga pulis sa pagsisiyasat noong summer 2009 at napatunayang ang grupo ay tumatanggap ng pekeng dokumento ng mga illegal migrants upang ipasok sa nakaraang regularization. Ang mga dayuhang ito ay pinagbayad ng halagang 5000 upang magkaroon ng permit to stay. Natuklasan na may halos 300 applications for regularization na pinigil naman ng Ministero upang gawing patunay sa imbestigasyon.

Ang mga identity card na ginamit sa regularization ay totoong mga dokumento na ang hinala ng mga investigators ay mga dokumentong nakuha sa mga phone shop na ginamit sa pagpapa-activate ng sim card.

Limang taon na akong naninirahan sa Italya, gusto kong mag-aplay ng carta di soggiorno. Totoo ba na kailangan ko ng sapat na income?

Roma – July 13, 2010 – Totoo ba na kung mag-aaplay ako ng carta di soggiorno (permesso di soggiorno CE per soggiornanti di lungo periodo) kailangang ko ang sapat na income na hindi bababa sa minimum income na katumbas ng social allowance (assegno sociale)?

Mas mataas ang income ng isang dayuhang mag-aaplay ng carta di soggiorno para sa miyembro ng pamilya (carico): ang taunang income ay tumaas ng kalahati bawat isang kasapi. Doble ang halagang dapat kitain ng aplikante at hindi dapat bababa assegno sociale annuo.

Upang umabot sa inaasahang sapat na income, maaaring pagsamahin ang kabuuang income ng aplikante at kapamilyang naninirahan sa iisang bahay.

Sa taong 2010 ang halaga ng assegno sociale ay isang manggagawa ay € 5.349,89 euro, kung nag-aplay ng carta di soggiorno (resident card) para sa iyo lamang, ang taunang kita ay hindi dapat bababa sa € 5.349,89, kung may carried na isang kasapi ng pamilya, ang dapat na income ay € 8.024,83, samantala kung dalawa ang carried na kapamilya (anak na may edad ay 14), ang annual income ay umaabot sa € 10.699,78 at kung tatlo naman ang carried sa soggiorno, dapat kumita ng a € 13.374,72 at kung apat na miyembro, ang halaga ng annual income ay € 16.049.

Ang halagang nabanggit ay ginagamit hindi lamang para sa permesso di soggiorno CE, ito’y halagang kailangan kung mag-aaplay ng Ricongiungimento Familiare na itinatag at ipinatupad ng  “art.9, comma 1, del Testo Unico Immigrazione, del Decreto Legislativo 286/98”.

More Articles...