Registration, simula na para sa online enrollment - Ako Ay Filipino

29
Sat, Apr

Migrasyon

Sinimulan kahapon, Jan 9 ang registration. Mula Jan 16 naman ang online enrollment para sa School Year 2017-2018. Ang sinumang walang permit to stay ay kailangang magtungo sa secretariat upang doon ay gawin ang enrollment ng anak. 

 

Enero 10, 2016 - Para sa lahat ng mga magulang na sa School Year 2017-2018 ay may mga anak na papasok sa unang klase tulad ng (grade 1, first yr high school), sinimulan kahapon Jan 9, mula alas 9 ng umaga ang registration sa website ng Ministry of Education www.iscrizioni.istruzione.it.

Ang username at password na ibibigay sa registration ay gagamitin sa online enrollment na sisimulan naman sa Jan 16 mula alas 8 ng umaga at magtatapos sa Feb 6, sa ganap na alas 8 ng gabi. Ang sinumang nagtataglay na ng digital ID o SPID (Sistema Pubblico di Identità Digitale) ay hindi na kailangan pang mag-register at maaaring direktang mag-access sa pagsusumite online ng enrollment form gamit ang username at password. 

Ang online registration ay obligatory sa mga public school samantalang optional naman sa mga private school (o officially recognized schools). 

Pareho ang enrollment procedures para sa anak ng mga imigrante na regular na naninirahan sa Italya.

Samatala, para sa mga magulang na walang permit to stay, nananatili ang karapatan sa edukasyon ng anak ngunit mayroong ibang proseso. Maaaring gawin ang enrollment sa secretariat office ng paaralan at doon ay maaaring gawin ito ng walang dapat ipangamba