Balita - Ako Ay Filipino

23
Thu, Feb

Rome, Septiyembre 30, 2014 - Nanganganib na hindi makaboto ang mga ofws sa nalalapit na 2016 Elections.

Ito ay matapos aminin ni Comelec Chairman Sixto Brillantes sa isang panayam na tinanggal ng Department of Budget and Management sa panukalang 2015 National Budget ang inilaan nilang pondo para sa pagpapatala ng mga bagong overseas absentee voters sa ibang bansa.

Tinatayang aabot sa P89 milyon ang kinakailangang pondo upang makapagparehistro at makaboto ang mga OFW sa ilalim ng Overseas Absentee Voting Act of 2003.

Ayon sa Comelec, kasama sa budget ang OAV at online registration sa orihinal nilang panukala na isinumite sa DBM ngunit tinanggal ito ng nasabing ahensya sa 2015 National Expenditure Program – ang panukalang batas tungkol sa taunang budget ng gobyerno sa susunod na taon.

Mahigit sa 3,732 OFWs ang nakakulong sa 53 bansa sa kasalukuyan. Samantala, higit naman sa 108 overseas Filipino workers (OFWs) ang kasalukuyang nasa death row sa anim na bansa.

Manila – Setyembre 10, 2013 - Ito ang mga bilang na nabunyag sa budget hearing ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Senado kamakailan.

Tinatayang mahigit 3,732 ang mga nakakulong na OFWs sa 53 bansa sa kasalukuyan, kung saan 2,236 dito ang nakapiit sa Malaysia. Sumunod ang China (kasama ang Hong Kong at Macau) na may 345 Pinoy na nakakulong, ang Saudi Arabia (277), USA (208), Italy (97), United Arab Emirates (75), Kuwait (72), Japan (59), Peru (37) at Qatar (34).

Isang Pinay caregiver ang nagwagi sa unang season ng  X Factor Israel.

Enero 15, 2014 - Si Rose "Osang" Fostanes,  47-anyos ang top prize ng singing competition kung saan inawit ng caregiver ang "My Way" ni Frank Sinatra.

Maraming beses ding nakatanggap si Osang ng standing ovation at magandang papuri mula sa mga hurado ng show sa mga pag-awit nito sa mga pop songs nina Lady Gaga at Christina Aguilera.

Manila – Hunyo 20, 2013 - Makalipas ang napabalitang alegasyon ng prostitusyon sa Gitnang Silangang ay pinapauwi na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga pinuno ng 12 Embahada ng Pilipinas at isang consul general.

Unang napabalita na ang mga ambassador lamang sa bansang Jordan at Kuwait ang pinauuwi kasama ang Charge d' Affaires ng Syria ngunit ipinag-utos ngayong Huwebes ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang mabilisang pagbalik sa Pilipinas ng lahat ng pinuno ng embahada ng Pilipinas sa Middle East dahil na rin sa isinasagawang imbestigasyon ng kagawaran.

More Articles...