Balita - Ako Ay Filipino

19
Tue, Sep

Mahigit sa 3,732 OFWs ang nakakulong sa 53 bansa sa kasalukuyan. Samantala, higit naman sa 108 overseas Filipino workers (OFWs) ang kasalukuyang nasa death row sa anim na bansa.

Manila – Setyembre 10, 2013 - Ito ang mga bilang na nabunyag sa budget hearing ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Senado kamakailan.

Tinatayang mahigit 3,732 ang mga nakakulong na OFWs sa 53 bansa sa kasalukuyan, kung saan 2,236 dito ang nakapiit sa Malaysia. Sumunod ang China (kasama ang Hong Kong at Macau) na may 345 Pinoy na nakakulong, ang Saudi Arabia (277), USA (208), Italy (97), United Arab Emirates (75), Kuwait (72), Japan (59), Peru (37) at Qatar (34).

Manila – Hunyo 20, 2013 - Makalipas ang napabalitang alegasyon ng prostitusyon sa Gitnang Silangang ay pinapauwi na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga pinuno ng 12 Embahada ng Pilipinas at isang consul general.

Unang napabalita na ang mga ambassador lamang sa bansang Jordan at Kuwait ang pinauuwi kasama ang Charge d' Affaires ng Syria ngunit ipinag-utos ngayong Huwebes ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang mabilisang pagbalik sa Pilipinas ng lahat ng pinuno ng embahada ng Pilipinas sa Middle East dahil na rin sa isinasagawang imbestigasyon ng kagawaran.

Pinarangalan ni US President Obama ang pagiging huwaran ng isang Pinay nurse sa oras ng kalamidad sa kanyang talumpati.

Pebrero 18, 2013 - Sa napakahalagang State of the Union Address ng US President Barack Obama ay isang Filipina nurse ang special mention sa talumpati nito kamakailan.

Katabi ni First Lady Michelle Obama at ni Jill Biden, asawa ni VP Joe Biden si Menchu De Luna- Sanchez, ang nurse na Pilipina na nagligtas sa 20 sanggol ng neo-natal intensive care unit (ICU) ng New York University’s Langone Medical Center habang nananalanta si Hurricane Sandy.

"Dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa Greece, ang European Union ay hindi karapat-dapat sa Nobel Peace Prize"

Athens, Disyembre 21, 2012 - Ang hindi patas na pagtingin ng mga awtoridad sa mga migrante at sa mga humihingi ng political asylum sa bansang Greece ay hadlang upang matanggap ng EU ang Nobel Peace Prize.

Ang mapait na anunsyo ay ayon sa isang kinatawan ng Amnesty International, sa isang press conference sa Athens.  Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng mga migrante sa Greece, ang European Union ay hindi karapat-dapat sa Nobel Peace Prize na nagtataglay ng mas mababa kaysa internasyonal standard ng human rights.

Ang Greece ay nangangailangan ng tulong ngunit dapat ring tanggapin ang kanyang mga pananagutan, " ayon kay John Dalhuisen, direktor ng programa ng Amnesty for Europe and Central Asia. Pagkatapos ay ipinaliwanag ni Dalhuisen nang detalyado ang kawalan ng kakayahan ng mga awtoridad sa bansang Greece, kawalan ng tamang pamamaraan sa pagbibigay ng political asylum, ang pagsasaalang-alang ng 20 kaso lamang sa loob isang linggo at kawalan ng tamang paraan ng pagharap sa mga agresyon laban sa mga imigrante

BERN, SWITZERLAND-    The newly formed European Network of Filipino Diaspora or ENFiD is all set for the Second Global Summit of Filipinos in the Diaspora on February 25-27, 2013 at the Hotel Dusit Thani in Manila.

The official ENFiD delegation of  some ten representatives will be led by its chair Gene Alcantara of the UK. The others will come from Norway, Denmark, Sweden, Germany and Italy.

On the second day of the summit, Alcantara will  report on the ENFiD’s formation  after  a Europe-wide summit held in Rome in September last year, and on ENFiD’s formal setting-up in Valletta, Malta last month.  

VALLETTA, MALTA-  A new network of  Filipinos in Europe has set up formal mechanisms in a meeting here over the weekend, less than four months after the same groups met for a diaspora conference in Rome.

Representatives from 7 European countries elected the officers of the European Network of Filipino Diaspora or ENFiD  and formed its constitution and bylaws in a meeting at the Dar L-Emigrant Office here in the Maltese capital Valletta.

 Gene Alcantara, a UK-based lawyer, was elected ENFiD chair; while Rohlee de Guzman (Netherlands) was elected vice-chair;  along with Marison Rodriguez (Czech Republic) as secretary; Renee Ikdal (Norway) as treasurer; and Diomedes Eviota (Switzerland) as communications director.  All compose the Board of Directors to include Monsignor Jerry Bitoon (Italy) and the appointed non-country representative, Ms. Marie Luarca-Reyes as the ENFiD Executive Director.

Nag-uwi ng bronze medal ang Philippine memory team sa ginanap na 2012 World Memory Championships (WMC) sa Lilian Baylis Technology School, Vauxhall London noong Disyembre 14 hanggang 16.

Pangatlo ang bansang Pilipinas sa dalampu’t apat na bansang lumahok sa torneo tulad ng USA, China, Poland, Norway, Indonesia, Singapore at Australia.

Ang PH team ay binubuo ng anim na lalaki at limang babaeng may edad 11 hanggang 39-anyos.

More Articles...