Balita - Ako Ay Filipino

20
Wed, Sep

altRome, Abril 30, 2012 - Natuklasan ng Thailand authorities ang mga pornographic films na ginagawa diumano ng mag-asawang Italyano at asawa nitong Pinay.

Ayon sa ulat ng Asia News Network, inaresto si Marco Lazzarini, 58 sa Bang Kho Laem district ng Bangkok dahil sa mga ginawang imbestigasyon ng Thailand Immigration Police.

Bagaman itinaggi ng suspek ang mga paratang na pagpapatakbo ng perverx.com, isang porn website sa kanilang tahanan sa Soi Sathupradit 20, ay natagpuan at kinumpiska ng awtoridad ang mga film-making tool, sex props at computer.

Apat na beses ng binisita ni Lazzarini ang Thialand bilang isang turista, at dito ay napangasawa ang isang Pinay.

 

altRome, Abril 27, 2012 - Nanawagan ang grupong US Pinoys for Good Governance sa pamumuno ni Loida Nicolas Lewis noong nakaraang Huwebes sa planong worldwide protest sa mga tanggapan ng Chinese Embassy at consulates ng mga Filipino sa bawat sulok ng mundo na gaganapin sa May 11.

Ito ay dahil sa hindi makatarungang ikinikilos ng China na may kinalaman sa Scarborough Shoal ng Pilipinas.

Mabilis naman ang naging tugon ng mga bansang Hong Kong, Singapore, Canada at Australia. Inaasahan din ang pakikiisa ng mga Pinoy buhat sa bansang Washington DC, New York, Chicago, San Francisco, Los Angeles, Houston, Vancouver, Sydney at Rome.

Panawagan din ng USP4GG sa Global Filipino Diaspora Council (GFDC) na kumakatawan sa 12 milyong Filipinos sa 220 bansa sa mundo na suportahan ang Pilipinas dahil ang Scarborough Shoal ay matatagpuan sa mapa ng Pilipinas buhat pa noong 1743.

 

Sipag, determinasyon at lakas ng loob, mga katangiang naging daan upang makamit ang pangarap.

altMANILA, Philippines –,Isang OFW sa UK na si Reymund Enteria ang magbibigay muli ng karangalan sa Pilipinas matapos mapili bilang isa sa mga tourchbearers sa Summer Olympics 2012 sa London.

Marso 6, 2012 - Ang halos 65,000 mga Pinay na domestic helpers sa Singapore ay obligado nang magkakaroon ng day-off kada linggo simula sa Enero 2013.

altIto ay ayon sa Singapore Ministry of Manpower, at sinabing ang weekly rest day requirement ay para sa mga foreign domestic workers na may mga work permit na inisyu o ni-renew ng January 1, 2013.

Batay sa bagong kautusan, kailangang diumanong magkaroon ng "mutual agreement" ang amo at domestic helper kung gusto nitong pagtrabahuhin ang maid sa kaniyang day-off na dapat tapatan ng bayad.

Matagal nang isinusulong ng mga non-governmental organizations at mga gobyerno ng mga bansang pinanggagalingan ng mga DH ang pagkakaroon ng day-off  ng mga house helpers katulad ng ipinapatupad sa Hong Kong.

Ikinatuwa naman ni Philippine Embassy to Singapore charge d'affaires Neal Imperial ang bagong kautusan ng Singapore government.

Ayon sa website ng Commission on Filipino Overseas, ang unang sampung bansa kung saan matatagpuan ang mga Overseas Filipinos Emigrants ay ang mga sumusunod:

1.       USA – 1,165,352

2.       CANADA – 284,663

3.       JAPAN – 116,748

4.       AUSTRALIA – 109,668

5.       ITALY – 17,085

6.       NEW ZEALAND – 13,333

7.       GERMANY – 12,585

8.       UNITED KINGDOM – 10,241

9.       SPAIN – 8,755

10.   SOUTH KOREA – 7,773

alt

Roma, Marso 21, 2012 - Ayon sa Philippine Embassy sa Damascus, nagpalabas ng decision order ang Syrian Ministry of Interior noong nakaraang Marso 4 na nag-tatanggal sa mga Filipinos sa listahan ng mga dayuhang pinapayagang pumasok at magtrabaho sa nasabing bansa.

altMANILA, Philippines – Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) sampung embahada at konsulado ang  isasara ngayong taong ito. Napipilitan diumano ang pamahalaan sa desisyon ng pagsasara ng mga ito dahil sa kasalukuyang maliit na badget.

More Articles...