Balita - Ako Ay Filipino

Rome, 29 March 2011 - Isang araw bago sumapit ang Marso 30 na siyang araw na itinakda ng Chinese government para bitayin ang 3 Pinoy na sina Sally Ordinario Villanueva, Elizabeth Batain at Ramon Credo ay tila suko na ang Malacañang sa pag-apela dahil sa desisyon pa rin ng China ang masusunod.

Kaugnay nito muling umapela ang Malacañang sa publiko ng pang-unawa sa naging hatol ng Chinese government. Ayon kay Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ricky Carandang, mayroong sinusunod na batas ang China na  nauunawaan naman ng pamahalaan at tiniyak na hindi maapektuhan ng hatol ng China ang relasyon nito sa bansa.

Yen Baet lumahok at nanalo sa National Geographic photo contest. Ang resulta ay naka-post din sa website Nat Geo.

Yen Baet, isang Filipino-American writer-photographer na nanalo ng grand prize sa National Geographic contest para sa kanyang larawan ng "Rainy Night in Hallstatt" na kanyang kinuha dalawang taon na ang nakaraan, sa village ng Hallstatt sa Austria.

Si Baet ay ipinanganak sa Pilipinas at lumaki sa US. Siya ay nanirahan sa Japan at Germany bago lumipat sa England, kung saan siya ngayon naka base. Siya lamang ang tanging Filipino na nakapasok sa finals ng National Geographic photo contest.

Walang nasugatang Pinoy ngunit kinakatakutan na maaaring umabot sa Pilipinas ang tsunami

Solomon Island - 7 Marso 2011- Walang inulat na nasugatan sa naramdamang lindol na may 6,6 magnitude sa Solomon Island kaninang umaga (Manila time).

Ayon kay  Philppine Embassy to Papua New Guinea charge d’affaires Bolivar Bao, hindi nag-iwan ng malaking pinsala ang lindol. "Malayo sa tirahan ng mga Pilipino ang nangyaring lindol, at nangyari ito sa dagat. Naramdaman nila pero di gaano kalakas," Ayon pa sa kay Bao sa isang interview.

May 300 mga Pinoy ang nagta trabaho sa Solomon Islands at karamihan sa kanila ay nasa construction at may sariling business.

Samantala, ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ay nanganagmbang umabot sa Pilipinas ang nasabing tsunami.

Apatnapung Pinoy mula Libya, tinulungan ng Italian employer na makabalik ng bansa. Sinalubong ng Embahada at ilang Pilipino sa Roma.

Roma, 03 Marso 2011 – Ang pagsiklab ng ribolusyon sa bansang Libya ay lubhang ikinabahala ng ating libo- libong mga kababayan tulad ng lahat ng OFWs sa buong mundo na naghahangad lamang ng isang magandang kinabukasan para sa pamilya, sa kabila ng matinding lungot at pangungulila sa mga mahal sa buhay. Sa halip ng isang magandang kinabukasan, ang pangunahing hangarin ngayon ng bawat Pilipino doon ay makalikas ng payapa dala ang hinagpis at dalamhati para sa isang natabunang pangarap.

Ngunit salamat pa rin sa mga employer na may mabubuting kalooban tulad ng BONATTI Company, isang italian company sa Libya, na pinaglingkuran ng marami nating mga kababayan. Kanyang ginabayan hanggang sa kahuli-hulihang sandali ang kanyang mga trabahador kabilang dito ang mga gastusin hanggang sa huling sentimo. Binigyan pa diumano ng italian employer ng tig 25 dollars ang kanyang lahat ng empleyadong inilikas mula Libya na umabot ng higit dalawang daang dayuhan.

Apatnapu  sa kanila ay ating mga kababayan na dumaong sa Catania noong nakaraang Martes ika- 1 ng Marso, sakay ng mga Italian warships mula Libya. Matapos ang 22 oras ng biyahe, sa pakikipagtulungan ng Honorary Consulate sa Reggio Calabria na si Mr. Marciano kasama ang kanyang dalawang anak, ay sinalubong at tinulungang makakuha ang mga refugees ng ‘4 day transit visa’ sa kadahilanang mga kopya lamang ng pasaporte ang kanilang hawak. Ang mga orihinal na pasaporte ay hawak diumano ng kasosyong Libyan ng BONATTI Company. Hindi ito naging hadlang sa kanilang Italian employer upang sila ay abandunahin. Sa katunayan, nakipag-ugnayan rin sa Embahada ng Pilipinas sa Roma ang nasabing employer.

Mabilis namang tumugon ang Embahada sa pamumuno ni Amb. Romeo Manalo, Consul General Danilo Ibayan, Labor Attachè Chona Montilla, OWWA officer Lynn Vibar, patungong Fiumicino International airport. Kabilang din sa sumalubong ang isa sa mga konsehal na Pilipino sa Roma Pia Gonzalez at ilang mga reporters.

Mula Roma, lulan ng Qatar Airways ang 40 Pilipino pabalik ng ating bansa bandang alas onse ng umaga kahapon ika-2 ng Marso.

Sa kasamaang palad, tatlong Pilipino ang naiwan sa Roma. Dala dala ang kanilang pasaporte ngunit walang sapat na halaga para sa airplane ticket dahil sila ay isinama lamang ng BONATTI owner para makalikas mula sa Libya. Sila ay nag trabaho para sa SIRTI Oil Company. Damit lamang ang kanilang dala, sa katunayan suot pa nila ang kanilang uniporme sa pagdating sa Roma.  Mabilis naman ang naging aksyon ng OWWA Rome at sila ay maaari na ring makauwi ng bansa ngayong araw na ito alas singko ng hapon. Salamat din sa ating mga kababayan dito sa Roma na tumulong at nag bigay ng ilang damit at pagkain.

Bandang hapon naman, limampung Pilipino ang muling dumaong sa Roma mula sa Malta na humingi sa Embaha ng pamatid gutom sa muli nilang paglipad pauwi ng bansang Pilipinas.

Dumating sa Pilipinas ang pangatlong batch ng mga Pilipino na nangangamba sa kanilang kalusugan.

MANILA - Dumating noong Linggo, Marso 6 sa NAIA ang 510 OFWs mula Madagascar na kasalukuyang sumasailalim sa mga pagsusuri. Ito ay dahil sa pangangambang mayroon silang malaria outbreak. Sa kasalukuyan, ay pinag-aaralan ng mga opisyal ng Overseas Workers and Welfare Admi­nistration (OWWA) kung isasailalim sila sa quarantine.

Ipinabot nà ng New Zealand Government ang pakikiramay sa DFA.

Malabo na ang pag-asang buhay pa ang 11 Filipino students na na-trap sa gumuhong gusali sa Christchurch City sa New Zealand, kung saan kahapon ay nagtapat na ang New Zealand authorities na “ipinapalagay na patay na” ang mga ito.

Ang foreign ministry ng New Zealand ay nagpaabot na ng pakikiramay sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa acting Secretary Albert Del Rosario, at sinabing “presumed lost” na ang mga biktima sa Canterbury TV building.

Ayon kay Civil Defense Emergency Management director John Hamilton sa mga ulat ng international news agency ay humantong na sa pagpapalagay na patay na ang mga Filipino nurses sa gusali.

Sa kabila ng lahat, ay nangangako diumano ang DFA sa pamamagitan ni DFA Spokesperson Atty. Eduardo Malaya, sa mga kaanak ng mga nawawalang Pinoy sa lindol na patuloy ang gagawin nitong pakikipag-ugnayan sa gobyerno ng New Zealand para sa pagrekober sa mga labi ng mga biktima.

Tinatayang 1,500 overseas Filipino workers (OFWs) ang ligtas na nakalabas ng Libya kahapon at naghihintay na lamang na mailipad pabalik ng bansa.

Inamin ng Department of Labor and Employment (DoLE) na mas malaki ang ginagawang efforts ng mga employers para mailikas sa Libya at sa mga bansang nahaharap ngayon sa political tensions ang kanilang mga manggagawang Filipino.

Sa harap ng maraming batikos na inaani ng gobyerno sa umano’y kabagalan ng aksyon para mailikas ang mga kababayan, sinabi ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz na mas maraming mga Pinoy ang umaasa ngayon sa kanilang mga amo para makalabas ng Libya at makauwi ng bansa. Eksaktong 1,491 OFWs mula sa Benghazi, pangalawa sa pinakamalaking siyudad sa Libya na nasa kontrol na ngayon ng anti-government forces, ang nasa ligtas na teritoryo ngayon ng mga katabing bansa. Ang 1,491 OFWs, sa tulong ng mga employers nito, ay nagkanya-kanya nang daan palabas ng Libya kung saan 14 sa mga ito ay dumiretso sa Tunisia, 60 sa Turkey, 1,154 sa Egypt at dalawa sa Madrid.

Ang 14 OFWs na dumaan sa Tunisia ay mga empleyado ng Korea Hanil Engineering & Construction at bahagi ng 50 OFWs na ligtas na nakaeskapo ng Libya. Ang unang 36 sa mga ito ay nakatakdang dumating ng bansa sa Marso 2 lulan ng Qatar Airways, galing Doha, Qatar.

Nakahanda umano ang gobyerno na tulungan ang mga kababayan na hindi kayang ilikas ng kanilang mga amo.

More Articles...