Unang X Factor winner sa Israel, isang Pilipina - Ako Ay Filipino

19
Tue, Sep

OFW

Isang Pinay caregiver ang nagwagi sa unang season ng  X Factor Israel.

Enero 15, 2014 - Si Rose "Osang" Fostanes,  47-anyos ang top prize ng singing competition kung saan inawit ng caregiver ang "My Way" ni Frank Sinatra.

Maraming beses ding nakatanggap si Osang ng standing ovation at magandang papuri mula sa mga hurado ng show sa mga pag-awit nito sa mga pop songs nina Lady Gaga at Christina Aguilera.

Matatandaang Susan Boyle ang ibinansag sa Pilipina dahil sa hindi naging hadlang ang edad sa pag-abot ng mga pangarap.


Apat na taon na sa Israel si Fostanes habang dalawang dekada rin siyang nagtrabaho sa Middle East para sa pamilya sa bansa.