May reklamo sa NAIA? Itawag sa 24/7 hotline! - Ako Ay Filipino

20
Wed, Sep

Pilipinas

Matagal bang hindi nakauwi sa Pilipinas at ngayon ay magbabakasyon upang makapiling ang mga mahal sa buhay ngayong Pasko? 

 

 

Isang magandang balita para maiparating ang anumang hinaing, reklamo o serbisyong kinakailangan sa loob ng NAIA. 

Inilunsad nitong Agosto ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang sariling 24/7hotline. Layunin ng hotline ay ang madaliang pagpaparating ng problema sa paliparan. 

Ang 24/7 hotline ay pinamamahalaan ng Customers Relation Department. Sila ang makakatanggap ng mga reklamo at sila rin ang tutulong sa mga pasahero ng paliparan tungkol sa kanilang mga pangangailangan.

Kabilang sa maaaring i-report ay ang mga airport personnel na walang rispeto at ang over charging na mga taxi driver.

Ito ay isa sa ilang mga pagbabagong inilunsad ng MIAA para tuluyan ng mawala sa listahan ng worst airport ang Ninoy Aquino International Airport.

Itawag lamang ang mga reklamo sa 877-1111 o magpadala ng text message sa 0917-8396242.