P2 bilyon para sa relief operations sa Surigao - Ako Ay Filipino

19
Tue, Sep

Pilipinas

Nagpalabas ng P2 bilyon si Pangulong Duterte para sa relief operations sa Surigao City na nasa ilalim na ng state of calamity. Umabot na sa 8 katao ang mga nasawi. Apela para sa inuming tubig, patuloy. 

 

Surigao City – Nagpalabas ng P2 bilyon si Pangulong Duterte para sa relief operations at iba pang ayuda sa mga biktima ng 6.7 magnitude na lindol sa Surigao City noong Biyernes, ayon sa report ng  Philstar Ngayon. 

Personal na namahagi ng tulong ang Pangulo kung saan hinarap at nakihalubilo ito sa mga biktima at taos pusong ipinaabot sa kanila ang kaniyang kalungkutan sa sinapit na trahedya. 

Siniguro rin ng Pangulo sa talumpati nito na lahat ng mga biktima at maging ang mga kamag-anak ng mga nasawi ay bibigyan ng tulong ng pamahalaan.

Samantala, kinumpirma ng Surigao del Norte Provincial Disaster Risk Reduction Management Office na umakyat na sa 8 katao ang nasawi. Karamihan ay natabunan ng mga bumagsak na pader at debris maliban sa isang atake sa puso dahil sa pagyang. Daang katao naman ang nasugatan. 

Ayon sa pagtatantya ng provicial government umabot na sa 67. 8 milyong piso ang inisyal na pinsala ng lindol.Hindi pa kasama sa nabanggit na halaga ang pinsala sa mga imprastraktura tulad tulay, lansangan at sa Surigao airport.

Sa inisyal na ulat naman ng Department of Education (DEpEd), umabot na sa 7.6 milyon ang pinsalang sa mga paaralan. 

Idineklara na ang state of calamity sa Surigao City kasunod ng 6.7 magnitude na lindol. Napagkasunduan ng Sangguniang Panlungsod ang deklarasyon dahil ang naging pagyanig ay nagdulot ng matinding pinsala sa 54 na barangay sa nasabing syudad.

Samantala, umapela rin ng tulong ang Malacañang sa mamamayan partikular sa inuming tubig para sa mga residente ng Surigao City.

Ang mga nais magpahatid ng tulong ay maaaring makipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

DSWD Dollar Saving Account para sa Foreign Donation

Account Name: DSWD FOREIGN DONATION

Account Number: 3124-0055-81

Swift Code: TLBPPHMMXXX

Bank Address: Land Bank of the Philippines

Batasan Branch, Constitution Hills, Quezon City

 

Peso Current Account

Account Name: DSWD DONATION

Account Number: 3122-1011-84

Bank Address: Land Bank of the Philippines

Batasan Branch, Constitution Hills, Quezon City

Para sa mga donasyon, makipag-uganyan sa DSWD-Finance Management Service (FMS)/ Cash Division (CD) sa pamamagitan ng email o tawag sa telepono. Kailangang ipadala sa nabanggit na tanggapan ang deposit slip kasama ang mga basic information ng donor (name, nationality and address) sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o fax sa 931-8127.