Balita - Ako Ay Filipino

Pumapalo na sa 40 katao ang naitalang nasawi dulot ng matinding pagbaha sa iba’t ibang dako sa Bicol, Visayas at Mindanao.

Ayon sa bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astrono¬mical Services Administration (PAGASA), patuloy na sinusubaybayan ang banta ng flashfloods at landslides sa Bicol at Eastern Visayas.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang aabot na sa P900 milyon ang halaga ng mga nasirang ari-arian – P283,768,497.19 sa agrikultura; P593,492,271 sa imprastraktura; at P20,996,300 sa pribadong ari-arian.

Sa kabuuan, nasa bilang na 248,223 pamilya o 1,294,039 na katao ang apektado ng kalamidad. “Ang CARAGA ang pinakaapektado dahil mayroon itong 112,096 na pamilya o 601,804 na katao na sinundan ng Eastern Visayas sa bilang na 66,341 pamilya o 338,064 na katao; at Bicol na may 38,353 pamilya o 196,435 katao. Mayroon pang 4,839 na pamilya o 22,505 katao ang nasa 86 na evacuation centers,” ani NDRRMC executive officer Benito Ramos.

 

Ayon sa ‘ulat’ ng Caritas 2010, ang pangalawang komunidad na nagpapadala ng malaking ipon sa sariling bayan mula Italya ay ang mga Filipino (pangalawa sa mga Instik), sa kabila ng pagiging pang 6 lamang sa 30 komunidad ng mga dayuhan na nasa Italya. Tinatayang may 123,584, o 2.9 % ng kabuuang bilang ng mga dayuhan sa Italya.

Ang pagpadala ng pera ay madalas na nagbubunga ng kaunlaran, sa pamilya, sa ekonomiya at sa lipunan. Ang matinding dahilan ng pag-iipon ng mga Filipino sa bansa ay upang ilaan ito sa pag pupundar o pag iipon sa bayang sinilangan, sa Pilipinas. Mga bahay na mistulang palasyo na hindi natitirahan at kailanman ay hindi pauupahan, pagbili ng lupang pang agrikultura, taniman ng palay, mais at iba pa, pati na rin ang pagbili ng bangka sa pangingisda. Ilan lamang ito sa mga pinaglalaanan ng buwanang remittance ng bawat Filipino na umaabot mula 350 hanggang 400 euro, buwan buwan na maaaring madagdagan kung may emerhensiya sa pamilya.

Sinasabing mula sa lalawigan ng Batangas ang halos 70% ng kabuuang popolasyon ng mga Filipino sa Italya. Calabrazon Region, Lalawigan ng Batangas, ang lungsod ay Mabini, ang village ay Pulong Anahao. Dito matatagpuan ang isa sa pinaka mahalagang Italian Village sa Pilipinas.
Ang Italian Village, ay ang katuparan ng mga remittances ng mga migranteng Filipino sa Italya: 512,000,000 Euro noong 2006 (doble ng remittances noong 2005). Sa ulat noong Oktubre 2010, ang Italya ay pang walong bansa (pagkatapos ng Estados Unidos, Canada, Saudi Arabia, United Kingdom, Japan, Singapore, United Arab Emirates) sa ranggo ng mga bansang pinanggalingan ng remittances at para sa bansa ng Asia nagkakahalaga ito ng10.8% ng GNP (gross national product), sa taong 2010 ito ay tinatayang umabot ng 18 billion dollars (+ 5, 6% sa 2009).

Dahil dito halos lahat ng migranteng Pinoy, ay nag umpisa sa isang adhikain ng isang magandang kapalaran, pakikipagsapalaran ang tiyak na kasunod nito sa pangingibang bayan at babalik ng Pilipinas sa pagtanda. Ngunit ito ay tila nalilimutan at ang nagiging sanhi ng pagiging balik-bayan ay isang bakasyon lamang. Mga bagay na nagbibigay ng pangamba ay ang kawalan ng kasunduan ng Pilipinas sa bansang Italya ng ganap na kasunduan pagdating ng panahon ng pagreretiro, ngunit tila hindi ito hadlang sa patuloy na pagbabanat buto ng maraming Filipinong nasa Italya at sa mga Filipinong patuloy na naghahangad na makarating ng Italya sa pamamagitan ng ‘direct hiring 2011'.

Ang Emigration para sa mga bansa ng Asya ay isa sa pinaka mahalagang paraan upang mapaunlad ang ekonomiya. Kaya ang pamahalaan, sa pamamagitan ng mga embahado nito sa ibang bansa  ay aktibong gumagawa ng mga kasunduan, upang mapadali ang pagpasok ng mga Filipino lalo na ng mga skilled workers tulad ng mga doktor, inhinyero, guro, mga espesyalista sa teknolohiya  sa mga bansang Qatar, Saudi Arabia, Canada, Australia, Japan, Libya.

 

POPE BENEDICT XVI – Itigil ang galit at pag uusig sa lahat ng kristiyano sa mundo

Isang bomba ang sumabog habang ginaganap ang banal na pagdiriwang ng Misa noong Pasko sa isang kapilya sa loob ng isang kampo ng pulisya, isang pari ang sugatan gayun din ang 10 churchgoers sa Jolo Island sa Sulu.

Ang isla ay nasa ilalim ng Abu Sayyaf, ngunit hindi pa malinaw kung sila ang dapat managot ng pagsabog.

Ayon kay Edwin Lacierda, ang tagapagsalita ni President Benigno Aquino III, ang pagsabog na ito "lumalabag sa mga prinsipyo ng rispeto at kapayapaan ng lahat na pinanghahawakan ang kanilang pananampalataya." Sinabi niya maaaring walang relihiyon o pulitika ang magbibigay-katwiran sa pag-atake.

Pati ang Papa, sa Vatican  ay nagdadalamhati sa pag uusig sa lahat ng kristiyano sa buong mundo. ‘Ako ay nagluluksa sa pagsabog ng isang bomba sa simbahan sa Pilipinas habang kanilang ginugunita ang pagsilang ni Kristo sa mundo’, mga pangungusap ni Pope Benedict XVI sa angelus kahapon, Dec 26, 2010 sa pagdiriwang ng ‘Santo Stefano’. Kasabay nito ang panalangin sa mga kaugnay ng mga kaganapan sa Pakistan, sa Nigeria at sa China.

Nakararami ang mga Katoliko sa Pilipinas, ngunit minorya ang bilang ng mga Kristiyano sa Jolo at kalapit na isla, ang karamihan ay mga Muslim.

Ang pambobomba sa mga pangunahing katedral ng Jolo noong nakaraang taon ay pumatay din ng dalawang churchgoers sa pamamagitan ng mga granada. Ang Abu Sayyaf, na kinikilala sa kanilang high-profile kidnappings at di karaniwang pagpatay, ay ang pangunahing suspect sa mga pag atake.

Ang patuloy na pag-angat ni Charice Pempengco sa larangan ng musika ay hindi na kaya pang pigilan.

Na-feature sa USATODAY ang pagkahirang kay Charice bilang unang “Icon of Tomorrow” sa US Teen Magazine Awards.

Sikat na sikat sa buong mundo ang 18 year old na Charice na walang pinangarap kundi pasayahin ang kaniyang ina (Raquel) at kapatid  (Carl - 5 year old) mula sa isang karanasan na minsan niyang kinatakutan. Sa isang feature article na On the verge: Meet Charice, the little girl with the big voice, (USA TODAY) nabasa ang background ng buhay ni Charice simula noong bata pa siya at kung paano sila iniwan ng kanyang ama matapos nitong tutukan ng baril ang kanyang ina.

Lalong nagiging brighter ang kinabukasan ni Charice Pempengco bilang isang kilalang international singer at ilang beses na rin siyang naimbitahang umawit sa Rai 2 at Rai 5 (Italian TV channel) na talaga namang pinalakpakan at pinandigan ng balahibo ang mga manonood nang maka-duet niya sa awiting “Adagio” si Cristian Imparato sa Io Canto – Channel 5.

Naging award-winning TV series “Glee” na kung saan ay kasali si Charice at nahirang bilang “Iconic TV Show” at “Iconic Fan Favorite.” Ayon pa sa mga balita, ipalalabas sa Amerika ang season 2 ng Glee ngayong araw na ito, Martes.

Maraming excited na mapanood sa nasabing palabas ng Fox channel si Charice lalo na raw ang bongga ang accent niya sa nasabing palabas na sikat na sikat sa buong mundo.

 

POEA Memorandum Circular No. 09 on Compulsory Insurance Coverage for Agency-Hired Workers, the Office of the POLO Rome has yet to receive official response from either the Department of Labor and Employment Central Office or the POEA Manila Central Office regarding the exemption from this rule.

The POLO Rome sent a letter-request last November 18, 2010 to the Governing Board of the POEA which is chaired by the Sec. of Labor and Employment, to consider the peculiar characteristics of employment here in Italy where ample protection and benefits, including insurance, is granted by the government to migrant workers, including OFWs.

However, Italian laws require employers to pay pension, disability and medical contributions and foreign workers are covered by free medical assistance during their stay in Italy.  Direct hiring system which is observed here may have its flaws but by practice, Filipinos are the ones facilitating the hiring of their relatives through referral with Italians seeking Filipino workers.  Hence, it is actually the Filipinos who go through the process of direct hiring to ensure their relatives are taken in the decreto flussi as nominal hires, a process peculiar to Italy.

The only recent reply got from Manila was the Memo addressed to all POLOs or Phil. Overseas Labor Offices dated Nov,. 22, 2010 stating that the issue of exemption for workers with insurance coverage secured by their employers on-site will be taken up during the Nov. 24 2010 Congressional hearing on Migrant Workers Affairs, chaired by Congressman Walden Bello.  Pending clarification, the POEA will continue implementing the compulsory insurance requirements.

The good news is so far, no refusal of deployment of workers to Italy from POEA because of the mandatory insurance coverage rule.  They are aware of our status here and peculiar characteristics of the labor market in Italy.

POLO Rome is more concerned of the 23-year old rule where the POEA revived the guideline, with the advent of Republic Act 10022 or the New Migrant and Overseas Workers Act requiring ample protection in the deployment  of workers, disallowing deployment of workers who are  below 23 years old.  They also submitted request-exemption from this rule last Nov. 22 and have been following up with them ever since.  So far, a number of those we requested to POEA to grant special consideration (usually 21, 22 year olds) have been granted.

There is a planned POLO conference this January in Manila, and POLO Rome is sure these matters will be taken up for further discussion and policy recommendation, the RA being a Law which can not just be repealed nor modified without following proper legal procedures.  

POLO Rome promised to keep Stranieri in Italia posted on the developments of these concerns/recommendations as soon as Manila gives the official notice.



ISABELA - Nagkukumahog ang mga relief workers para maisalba sa pagkakagutom at ma­bigyan ng mga pangunahing pangangailangan ang may 20,000 katao sa tatlong malalayong coastal towns na labis na sinalanta ng super typhoon ‘Juan’.

Umaabot na sa 19 ang nasawi sa nasabing kalamidad.

Ayon kay Isabela Gov. Faustino Dy, kung saan ang kanyang lalawigan ang labis na sinalanta ng nasabing bagyo, ang mga residente sa tatlong costal towns ng Maconacon, Palanan at Divilacan ang dumanas ng labis na pagkasira sa kanilang mga tahanan at limitado na lamang ang kanilang supply ng pagkain matapos hampasin ng mala­lakas na alon ang mga daanan.

Si Dy na nagtungo sa mga grabeng sinalantang lugar sakay ng helicopter.

Sinabi ni re­gional social welfare chief A­rnel Garcia na plano ng gobyerno na magpadala ng mga pagkain at tent sa mga apektadong bayan subalit ang air at sea travels ay kapwa delikado.

 

Samantala, tinatayang aabot  sa 14 mga ba­yan ang apektado ngayon sa pagbaha , lalo na sa mga mabababang lugar sa lalawigan ng Isabela matapos magpakawala ng tubig (190.84 cubic meter per second) ang Magat irrigation at hydroelectric po­wer plant na nasa pagitan ng Isa­bela-Ifugao dahil sa pangambang umapaw ito bunsod ng patuloy na pag-uulan sa nasabing lalawigan.

 

Kaugnay nito, aabutin pa ng isang linggo o hi­git pa bago magkaroon ng kur­yente sa Isabela at Cagayan na lubhang pininsala ng super typhoon ‘Juan’.

 

 

Ipinatigil pansamantala ng POEA ang pangongolekta ng PAG-IBIG contributions mula sa mga OFWs habang hinihintay nito ang bagong guidelines na magbibigay linaw sa pamamaraan ng pagbabayad ng kontribusyon.

Matatandaan na nagging mainit ang usapin tungkol sa isang memorandum ang ipinalabas ng POEA na nasasabing ang “POEA Memorandum Circular No. 06, Series of 2010 issued last July 7, mandates all out-bound OFWs to pay 6 months worth of PAG-IBIG membership contribution. They will not be able to get their Overseas Employment Certificate (OEC) and leave the country unless they have paid the said amount”.

Mismong si Vice President Jejomar Binay ay nag-utos na ihinto ang pagsasakatuparan ng 6 na buwang paunang bayad sa housing fund mula sa mga overseas Filipino workers. 

Ang pahayag ni Binay - “What is important is that government should assist our OFWs and should not be seen as further imposing burdens on them.”

Inutusan ni Binay noong ika-12 ng Agosto ang Development Mutual Fund (PAG-IBIG) at  Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na isuspende ang pagpapatupad sa kautusang pagbabayad ng advance contribution ng papaalis na mga Pinoy ng Pilipinas upang magtrabaho sa ibang bansa.

Kaya’t habang pinag-uusapan pa kung paano ipapatupad ang nasabing memorandum, at paano magiging transparent ang guidelines, pansamantalang ipinatigil ang collection ng PAG-IBIG contributions.

Ikinatuwa naman ng Migrante International ang naging desisyon ni Binay at handa ang nasabing grupo na maki-dialogue sa bise presidente anumang oras.

“We are very pleased with the suspension of Bawal na Pag-IBIG (Illegal Pag-IBIG). This is a clear result of the vigilance and assertion of OFWs worldwide. We expect VP Binay to keep his word and conduct consultations with us," ang sinabi ni Migrante chairperson Garry Martinez sa kaniyang text message. (Liza Bueno Magsino)