Balita - Ako Ay Filipino

20
Wed, Sep

Agosto 29, 2014 - Ika-walo ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming tumugon sa sikat na hamon na ALS ice bucket challenge.

Batay sa datos na nakalap ng Facebook, pasok ang Pilipinas sa top 10 countries na may pinakamaraming tumugon sa hamon ng ice bucket na may pangunahing layuning mangalap ng donasyon para sa mga may sakit na ALS.

Nangunguna ang Estados Unidos kung saan nagmula ang challenge na sinusundan ng Australia.Pangatlo ang New Zealand, ika-apat ang Canada at ika-lima ang Mexico. Pang-anim ang Brazil, ika-pito ang Germany at kasunod na ang Pilipinas. Ika-siyam naman ang Puerto Rico at ika-10 ang India.

Ang mga datos na ginamit ng Facebook ay mula Hunyo 1 hanggang Agosto 13. Kabilang dito ay ang mga Facebook page tungkol sa ice bucket challenge.

Sa Pilipinas, maraming mga personalidad, mga pulitiko, artista, mamamahayag, businessmen, at maging mga ordinaryong tao ang sumabak sa ice bucket challenge.

Ang ALS o Lou Gehrig's disease ay nakaaapekto sa nerve cells ng utak at spinal cord. Ang pamamanhid na nararamdaman kapag nabuhusan ng tubig na may yelo ang karaniwan umanong dinaranas ng mga may sakit na ALS.

Matapos mahamon sa ALS Ice Bucket Challenge, kailangang buhusan ng indibidwal ang sarili ng tubig na may yelo. Kapag nabigo sa loob ng 24 na oras, kailangan siyang magbigay ng donasyon sa ALS.

 

Magandang hapon po sa inyong lahat.

Ito po ang aking ikalimang SONA, isa na lamang ang natitira. May kasabihan po tayo: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Kaya marapat lang po siguro tayong magbalik-tanaw:

Noon, sa sitwasyon natin: Para bang kahibangan ang mangarap. May burukrasyang walang saysay, patong-patong ang tongpats, at bumubukol ang korupsyon sa sistema. Naturingan tayong “Sick Man of Asia.”  Ang ekonomiya natin, matamlay; ang industriya, manipis. Walang kumpiyansang mamuhunan sa atin pong bansa. Ang resulta: kakarampot ang trabahong nalilikha. Dinatnan nating tigang sa pag-asa ang mamamayang Pilipino. Marami sa atin ang sumuko at napilitang makipagsapalaran sa ibang bansa. Nakayuko na lamang nating tinanggap: Talagang wala tayong maaasahan sa ating pamahalaan at lipunan.

Nalugmok nga po ang Pilipinas dahil sa labis na pamumulitika. Naglaho ang pananalig natin sa isa’t isa, humina ang kumpiyansa sa atin ng mundo, at ang pinakamasakit: Nawalan tayo ng tiwala sa ating mga sarili.

Sa puntong ito natin sinimulan ang pagtahak sa tuwid na daan.

Bilang ama ng bayan, nakaatang sa aking balikat, hindi lang ang mga suliraning ating dinatnan at mga lumilitaw sa kasalukuyan—obligasyon ko ring paghandaan ang kinabukasan. Sa bawat sandali, kailangan kong isaalang-alang ang interes at punto-de-bista ng lahat. Isipin na lang po ninyo: Para kang nanonood ng 200 channel sa telebisyon nang sabay-sabay. Kailangan, alam mo, hindi lang ang kasalukuyang nagaganap, kundi ang pinanggalingan at paroroonan ng nilalaman ng bawat channel. Bawal malito, at kailangan, may tugon ka sa anumang tanong, suhestiyon, at kritisismo—at dapat sagutin mo ito, bago pa iharap sa iyo.Hindi po madali ang trabahong ito, at tao lang po ako, na kung minsan, nagkakaroon din ng agam-agam.

Ngunit buo ang aking loob dahil malinaw ang aking pangunahing layunin: Ang ibalik ang gobyerno sa dapat nitong tuon—ang paglingkuran ang taumbayan sa lahat ng panahon.

Tatlong Pinoy ang kabilang sa halos 300 nasawi sa pagbagsak ng eroplano ng Malaysia Airlines sa Ukraine kahapon.

Maynila, Hulyo 18, 2014 - Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Charles Jose na kabilang ang 3 Pinoy sa mga biktima ng bumagsak na flight MH17 (Boeing 777) na galing Amsterdam at pa-biyaheng Kuala Lumpur. Sila ay sina Irene Gunawan, 54 at kanyang dalawang anak na sina Sheryl Shania Gunawan, 15 at Darryl Dwight Gunawan, 20.

Ang tatlong biktimang Pinoy, bagaman hindi pinangalanan noong una, ay lumabas na rin sa inisyal na report ng Agence France-Presse kung saan inilabas ang  listahan ng mga biktimang pasahero at crew.

Inihayag ni Malaysian Airlines Vice President Huib Gorter  sa isang press conference, na 154 sakay ay Dutch, 27 ang Australian, 45 ang Malaysian, 12 ang Indonesian, 9 ang British, 4 ang German, 4 ang Belgian, 3 ang Pinoy habang 1 ang Canadian. Samantala ang nasyunalidad ng natitirang 41 pasahero, at ang eksaktong bilang ng mga Amerikano ay nananatiling hindi pa kumpirmado.

Manila, Mayo 13, 2014 - Nakatakdang humarap sa mga taga-usig si Daniele Bodio, ang Italian national, ng Ministry of Foreign Affairs Turkmenistan 1st Councilor, upang dalhin ang kanyang salaysay matapos akusahan ng child trafficking. Haharap siya bukas ng umaga, ganap na ika-sampu ng umaga sa Prosecutor's Office sa Biñan, Laguna.
 
Natanggal siya bilang Italian Ambassador sa Turkmenistan matapos akusahan ng child trafficking noong ika-anim ng Abril at nanatiling nakakulong sa Biñan City Jail ng higit na sa 38 araw. Hindi pa umano naaakusahan ng anumang krimen si Bosio, Kasama niya sa piitan na may sukat na 40 metro kuwadrado ang higit sa 80 bilanggo.
 
Ayon sa kanyang pamilya nangangamba ang mga ito sa kaligtasan at kalusugan ng Italyano dahil sa marumi at halos 'di makataong uri umano ng piitan. Bukod dito, nahihirapan na rin siyang makibagay sa iba pang mga napipiit. 
 

Isang batang babae ang ika-100 milyong Filipino.

Maynila, Hulyo 28, 2014 - Isinilang ni Dailin Cabigayan, 27, residente ng Sampaloc, Maynila, si Jennalyn (sa ibang ulat ay pinangalanang Chonalyn) bandang 12:35 ng madaling araw ng Linggo sa Jose Fabella Memorial Hospital Sta. Cruz, Maynila. Siya ang kumakatawan bilang ika-100 milyong Filipino.

Ayon sa Agence France-Presse, isa lamang si Jennalyn sa 100 bata mula sa iba't bang parte ng bansa na kinilala bilang "100,000,000th baby."

The heritage city of Vigan has been shortlisted and is the lone candidate from the Philippines vying for the spot in the New Seven Wonder Cities of the World List.

Rome, May 27, 2014 - The names of the finalists of the New7Wonders Cities campaign have been officially announced by Bernard Weber, Founder-President of New7Wonders.

There are a total of 28 cities contending for the seven slots.The New7Wonders Cities Panel of Experts selected the 28 Finalists namely (in alphabetical order) Athens, Greece; Bangkok, Thailand; Barcelona, Spain; Beirut, Lebanon; Casablanca, Morocco; Chicago, USA; Doha, Qatar; Durban, South Africa; Havana, Cuba; Ho Chi Minh City, Viet Nam; Istanbul, Turkey; Kuala Lumpur, Malaysia; Kyoto, Japan; La Paz, Bolivia; London, United Kingdom; Mendoza, Argentina; Mexico City, Mexico; Mumbai, India; Perth, Australia; Phnom Penh, Cambodia; Prague, the Czech Republic; Quito, Ecuador; Reykjavik, Iceland; St. Petersburg, Russia; Seoul, South Korea; Shenzhen, China; Vancouver, Canada, and Vigan, the Philippines.

Vigan is a United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage Site. It is one of the few Hispanic towns and is best known for its well-preserved colonial architecture.

The presentation of the shortlist marks the launch of the Finalist stage of the global election, which will now run across three elimination phases and end on 7 December 2014.

 “This outstanding shortlist of 28 cities mirrors the diversity of urban society, especially when, for the first time in history, more than half of our planet’s population lives in cities. Going forward, the New7Wonders Cities campaign will encourage debate about how cities should respond to the challenges of the present and the future. By voting in this worldwide campaign, people everywhere can decide the 7 cities that best represent the achievements and aspirations of our global urban civilization”, Bernard Weber said.

Every Filipino is encouraged to vote online and visit:  www.new7wonders.com/en/cities

Additional information regarding the mechanics for the online voting, as well as a brief profile of the countries nominated, panelist and the organization is available in the website.

In 2011, Puerto Princesa Underground River in Palawan was voted as one of the New Seven Wonders of Nature out of 28 finalists. We request your support in voting for Vigan to be one of the New Seven Wonder Cities of the world.
 

Makasaysayan ang pagdalaw ni Pangulong Barack Obama sa Pilipinas.  Ito ang kasunod na pagdalaw ng pangulo ng Amerika sa Pilipinas may 11 taon na ang nakalilipas.
 
 
Maynila, Abril 28, 2014 - Dumating na si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos sa Maynila mga ala-una y media ng hapon sakay ng kanyang Air Force One mula sa Royal Malaysian Air Force headquarters sa Kuala Lumpur at sinimulan ang kanyang dalawang araw na pagdalaw sa bansa.
 
Sinalubong siya ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa NAIA at sumakay kaagad sa kanyang Marine 1 Helicopter na nagdala sa kanya sa Malacañang.
 
Doon siya sinalubong ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Agad na sinimulan ang kanilang bilateral meeting na tumagal ng may isang oras at sabay na nagpahayag at humarap sa media at sumagot sa apat na tanong ng local at foreign press.

More Articles...