Balita - Ako Ay Filipino

Kabilang ang Pilipinas sa 10 bansa sa buong mundo na pinanggagaling ng mga materyales para sa cybersex at child pornography.

Maynila, Enero 17, 2014 - Ayon sa  Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group, ang Pilipinas ay isa sa 10 bansang malalà ang problema sa cybersex at child pornography.

Sinabi ni Police Senior Superintendent Gilbert Sosa, director ng PNP Anti-Cybercrime Group, ang Angeles City sa Pampanga, Cagayan de Oro, Cebu City at Metro Manila ay kabilang sa mga pangunahing pinanggagalingan ng mga materyales na kumakalat sa Internet.

Batay naman sa monitoring map ng Child Exploitation and Online Protection ng United Kingdom, halos buong Pilipinas ang pinanggagalingan ng child pornographic materials.

Maynila, Disyembre 23, 2013 - Mahigit anim na linggo matapos manalasa ang Bagyong Yolanda ay patuloy pa rin ang pagtatala ng mga nasawi.

Ayon sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon ay tumaas sa 6,109 ang bilang ng mga namatay.

Nanatili naman na sa 27,665 ang sugatan habang 1,779 pa rin ang nawawala hanggang sa ngayon.

Kabuuang P36,622,812,497.27 ang pinsalang idinulot ng bagyo kung saan parehong mahigit P18 bilyon ang nasira sa imprastraktura at agrikultura.

 

Maynila, Disyembre 23, 2013 - Ang kwento po ng Pasko ay nagsisimula sa paghahanap ng tatlong hari sa Mesiyas. Sa kabila ng kadiliman ng gabi, naging tanglaw sa kanilang paglalakbay  ang liwanag mula sa bituin ng Bethlehem. Ito ang nagsilbing gabay upang matagpuan nila  sa isang munting sabsaban ang banal na tagapagligtas.

Tuwing sasapit ang Pasko, laging inaasahan ng sambayanang Pilipino ang pagsasalo-salo ng pamilya’t mga kaibigan. Para naman sa mga kababayan natin sa ibang bansa, isa ito sa mga pinakamahirap na panahon, dahil sa kanilang pagkawalay sa mga mahal sa buhay. Sa kabila nito, iisang lahi pa rin tayong nagdiriwang tuwing Pasko; saanman tayo sa mundo,  iisang pamilya pa rin tayong mga Pilipino.

Malinaw natin itong naipamalas sa mga nagdaang trahedya’t pagsubok sa bansa. Kamakailan, naglibot po tayo sa mga komunidad na naging biktima ng lindol sa Bohol, at binisita ang mga kababayang sinalanta ng Bagyong Yolanda. Katulad po ng bituin ng Bethlehem na nagsilbing liwanag at inspirasyon sa tatlong hari, napuno rin tayo ng sigla at pag-asa sa katatagan ng ating mga kababayan, sa kabila ng trahedyang kanilang naranasan. Sa Bohol, dapang-dapang na sila sa sakuna, pero ako po mismo ang nakakita: Tunay pong bumabangon at lumalaban sila.

5,560 na ang bilang ng mga nasawi at 1,757 pa rin ang kasalukuyang nawawala.

Manila, Nobyembre 28,2013 - Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) tatlong linggo makalipas ang pananalanta ng Bagyong Yolanda, umabot na sa 5,560 ang bilang ng mga nasawi.

Tumaas naman sa 26,136 ang bilang ng mga sugatan habang 1,757  ang nananatiling nawawala.

Higit sa 3.5 milyon pa rin ang mga nasalantang nanunuluyan sa mga evacuation center .

Samantala, umabot na sa halagang P24,539,251,407.26 ang tinatayang halaga ng pinsala, kung saan mahigit P13 bilyon ang nasira sa imprastraktura at P11 bilyon naman ang sa agrikultura.

 

Manila, dec 23, 2013 - Dumating si United Nations Secretary General Ban Ki-Moon noong nakaraang Sabado ng hapon sa Tacloban City upang personal na makita ang pinsalang naiwan ng super typhoon "Yolanda" noong Nobyembre 8.

Sinalubong ang UN chief ng ilang lokal na opisyal gaya nina Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, Leyte Governor Leopoldo Dominic Petilla at Congressman FM Romualdez.

Ninais ni Ban na bisitahin ang Tacloban, matapos ang kanyang pagpupulong kasama ni Pangulong Benigno Aquino III sa Malacañang. Ito ay upang personal na suriin ang pinsalang nadulot ng bagyong Yolanda.

Ayon sa report ng UN Philippine, sinabing inawitan ng "Jinggle Bells" ng mga bata si Ban bilang pagsalubong sa kanyang pagdating.

Dumiresto ang UN chief sa isang paaralan at namigay ng regalo sa halos 200 kabataan. Umikot din ito sa Barangay 75 sa San Jose.

Miss International, ikatlong titulo ng Pilipinas ngayong taon matapos ang korona ng Miss Supranational at Miss World.

Manila, Disyembre 17, 2013 - Bea Rose Santiago, kinoronahan bilang Miss International 2013 sa ginanap na 53rd Miss International beauty pageant sa Tokyo, Japan, Martes ng gabi.

Ang 21-anyos na Pinay ay tinalo ang 71 kandidata sa pageant.

Tinanghal namang 1st runner up si Miss Netherlands habang 2nd runner up si Miss New Zealand.

Mahigit 5,000 na ang patay sa pananalasa ni super typhoon Yolanda.

Maynila, Nobyembre 22, 2013 - Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exec. Dir. Eduardo Del Rosario, umabot na sa 5,209 ang bilang ng mga nasawi ng bagyong Yolanda at 24,716 libo naman ang sugatan. Samantala, nasa1,611 naman ang patuloy na nawawala.

Ang bilang ng mga nasawi ay nangunguna pa rin sa Tacloban kung saan aabot sa 1,725 at sinisiguradong madadagdagan pa ito habang nagpapatuloy ang clearing operation.

Nakapagtala naman ng 1,246 sa bayan ng Tanauan; 1,070 sa Palo; 37 sa Ormoc City at 2 sa Baybay City.

Ayon sa pahayag ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, sa40 bayan ng Leyte, ang ay may kabuuang 2,668.

More Articles...