Balita - Ako Ay Filipino

Umaabot na sa mahigit P3 bilyon ang pinagsama-samang tulong ng iba't ibang bansa at international organization para sa milyon-milyong biktima ni super typhoon Yolanda sa Pilipinas.

Sa pinakahuling tala mula sa pamahalaan, nasa P2,779,630,500 na ang halaga ng donasyon mula sa iba't ibang bansa at P1,077,800,000 naman mula sa international organizations.

Nobyembre 12, 2013 - 22 mga bansa na ang nagparating ng tulong para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.

Ang Vatican City ay nagbigay ng $150,000 emergency aid na ipamamahagi sa pamamagitan ng mga lokal na simbahan sa mga lugar na hinagupit ng bagyo. “Following the Haiyan Typhoon… the Holy Father has decided to send a first contribution of 150,000 dollars to help the population,”  ayon sa pahayag ng Vatican.

Nagpaabot  rin ng tulong ang European Union at ang Taiwan sa pamamagitan ng pagpapadala ng humanitarian assistance at disaster relief sa mga biktima.

Nag-donate din naman ang mga UNICEF doctor at Oxfam.

Samantala ang mga sumusunod na bansa ay nagparating na rin ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Australia - financial aid
Belgium - medics/search and rescue (SAR) team
Canada - financial aid
Denmark - financial aid
Finland - in kind
Germany - in kind, medics,sar teams
Hungary - medics, sar teams
Indonesia - in kind
Israel - medics, sar teams
Japan - medics, sar teams
Malaysia – medics/rapid response team (RRT), SAR team, supplies
Netherlands - financial aid
New Zealand - financial aid
Norway-financial aid
Russia - medics, sar teams
Singapore - financial aid
Spain - in kind
Sweden - financial aid
Turkey - medics, sar teams
United Arab Emirates (UAE) - financial aid
United Kingdom (UK) - financial aid
United States of America (USA) -financial aid, in kind, medics, sar teams, military & air assets

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Raul Hernandez malaking bagay ang mga ipinaabot na tulong ng mga kasaping bansa sa United Nations.
 

 

Nitong Biyernes, humagupit sa malaking bahagi ng Kabisayaan ang Bagyong Yolanda. Isa ito sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng bansa, kung di man ng buong mundo. Nagpapasalamat po tayo sa mga dalubhasa mula sa PAGASA, Mines and Geosciences Bureau, Phivolcs,at DOST, na kumalap at nagbigay ng tama at detalyadong impormasyon na naging dahilan upang makapaghanda nang maayos ang ating mga kababayan. Ito ang nagbigay-daan para sa iniuulat na mababang casualty count mula sa ilang mga probinsyang dinaanan din ng bagyo, tulad ng Oriental at Occidental Mindoro, Negros Occidental, Palawan, Aklan, at Romblon, kung saan maagang nakapaghanda ang lokal na pamahalaan.

Sa kabila po nito, personal din nating nasaksihan ang matinding pinsalang idinulot ng bagyong ito sa Leyte at Samar. Dito sa kung saan tila naembudo ang mga storm surge ni Yolanda nakita ang pinakamabigat na pinsala, at dito nakatutok ang ating pagbibigay lingap sa mga sandaling ito.

Humihingi rin po tayo ng pang-unawa sa lahat. Sa paghahagupit ni Yolanda, nawalan ng kuryente at komunikasyon sa maraming lugar. Apektado po nito, hindi lamang ang pakikipag-ugnayan ng mga nais makasigurong ligtas ang kanilang mga kaanak, kundi pati na rin ang koordinasyon ng ating relief efforts. Para mapadala ang pangangailangan, kailangan nating malaman ang kakulangan ng bawat lugar; nahirapan po tayong makuha ang mga datos na ito. May ilang lokal na pamahalaan, sa lakas ng delubyo, na bumigay din po dahil kabilang sa mga nasalanta ang kanilang mga tauhan at opisyal. Isipin po ninyo, bumalik tayo sa situwasyon kung saan pasa-pasa ang impormasyon—walang TV, cellphone, o internet; sarado ang mga tindahan; hindi naging madali ang pag-oorganisa ng relief efforts. Naging ugat po ito ng kaguluhan sa ilang mga lugar.

Magnitude 7.2 na lindol ang tumama sa Bohol at Cebu, kasinlakas ng pagsabog ng 32 Hiroshima atomic bombs at mas malakas ng bahagya kumpara sa magnitude 7.0 na tumama sa Haiti noong 2010.

Manila, Oktubre 15, 2013 - Ayon sa inihayag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum sa isang press conference ang lindol na may magnitude 7.2 na tumama sa Bohol at Cebu Martes, bandang alas 8 ng umaga ay kasinlakas ng pagsabog ng 32 Hiroshima atomic bombs. Mas malakas ng bahagya kumpara sa magnitude 7.0 na tumama sa Haiti noong 2010 kung saan namatay ang daang libo katao, dagdag pa ni Solidum.

Niragasa ni super typhoon Yolanda ang Kabisayaan hanggang Kabikulan at ito na ang sinasabing pinakamalakas na bagyo na tumama sa kalupaan sa buong mundo ngayong 2013 at maituturing ding isa sa pinakamalakas sa kasaysayan.

Biyernes, Nobyembre 8 nang tumama sa kalupaan ng bansa si Yolanda at anim na beses pang nag-landfall bago tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Sabado ng hapon.

Pinangangambahang higit na sa 10,000 ang iniwang patay ng Bagyong Yolanda sa Pilipinas, partikular sa Leyte na pinakamatinding sinalanta.

Sa panayam ng Reuters, sinabi ni Police Chief Superintendent Elmer Soria na batay ito sa tantiya ng mga opisyal ng pamahalaan ng Leyte.

Sweetie, ang pangalan ng virtual Pinay ang nagtukoy sa1,000 matatanda na handang magbayad ng pera kapalit ng sexual acts sa pamamagitan ng webcam.

Nobyembre 6, 2013 - Sa pamamagitan ng 3D digital animated ng batang babae na pinangalanang ‘Sweetie,’ isang computer-generated image ng isang 10 taong gulang na batang Pinay ang espesyal na binuo para akitin at tukuyin ang mga cyber sex customer at mga pedophile sa Internet. Mahigit 1,000 “sexual predators” mula sa buong mundo ang natukoy ng Netherland-based Terre des Hommes, isang Dutch children’s rights activist group.

Ang 1,000 matatanda ay handang magbayad ng pera kapalit ng sexual acts sa pamamagitan ng webcam.

Kasama ang Avaaz.org, isinagawa ng Terre des Hommes ang “online sting” mula sa isang tagong warehouse office sa isang industrial park sa Amsterdam para suriin ang lawak ng mabilis na lumalaking Internet phenomenon na tinatawag nilang sex tourism.

"Visiting Senate, Congress and President Benigno Aquino III today has been a wonderful experience, something I never expected to happen. It is the greatest honor any Filipino citizen could receive."

Manila, Oktubre 14, 2013 - Ito ang binitawang salita ni Miss World 2013 Megan Young matapos ang ginawang courtesy call kay Pangulong Noynoy Aquino sa reception hall ng Malakanyang.

Lubos ang ginawang pagtanggap at pagbati ni PNoy sa kauna-unahang Miss World ng Pilipinas. Matapos ay nakipag-usap din ito pati kay Miss World Organization chairperson Julia Morley.

More Articles...