Balita - Ako Ay Filipino

19
Tue, Sep

Manila - Libu – libong mga Pilipino ang nag sama sama sa isang matagumpay at matahimik na protesta laban sa pork barrel  issue  sa bansa. Ang rally ang naganap noong lunes ika 26 ng Agosto . Ayon kay PNP spokesperson, Reuben Sindac, ay may mga 70,000 ang dumalo sa nasabing protesta.  Batay naman kay Peachy Bretana, isa sa mga organizers , ay umabot daw sa mga 400,000 ang dumalo buhat sa ibat ibang panig ng lipunan,  civic organizations, students groups catholic ang other religious groups, showbiz personalities at mas maraming normal na mga Pilipino dumalo upang makiisa sa galit  sa corruption . Ito ang pinakamalaking protesta  simula noong mahalal si Pres Benigno Aquino III na noon ay nangakong susugpuin niya ang talamak na kurapsyon sa gobyerno.Ang usapin ay lalong napansin ng mga Pilipino buhat nang matuklasan ang maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o Pork Barrel ng ilang mga nahalal na mambabatas at ng kasabwat ng mga ito na si Jeanne Napoles.

Ang nasabing rally aynaiiba dahil ngakaroon ng ibat ibang mga pagtitipon sa loob ng Rizal Park. Pag katapos ng parade ay nagtipon tipon sa Grand stand upang pakinggan ang mga pangunahin at kilalang mga leaders ng lipunan. Si Kard. Luis Antonio Tagle, Archbishop of Manila ay nagsabing “mahalin ang naapi at mahirap bilang tunay na kapatid, pakinggan ang tibok ng puso ng bayan at making sa asalita ng Diyos”. Ang actress na si Mae Paner o Juana Change na nakasuot ng maskarang baboy ay nagsabing naroon siya upang “ makiisa sa lahat ng pilipinong nais sugpuin ang pork barrel sysrem sa bansa”.

Sa ibang panig naman ng parko ay nagkaroon ng “free concerts” ang mga showbiz stars na nakiisa kasama ang mga church choirs ng mga religious groups sa kanilang itinatag na prayer rally.Ang mga taga business sector kasama ng ilang NGO leaders ay nag organisa naman ng discussion groups upang higit pang maintindihan ng iba ang tunay na nangyayari sap era ng gobyernong galling ding sa buwis.

Ang million March Protest ay isinagawa din ng mga Pilipino naninirahan sa ibang bansa kung saan sa Roma ay nagkaroon ng signature campaign para sugbuin ng pork barrel  at corruption sa Pilipinas.

 

Maynila, Agosto 2, 1023 - Pormal na nag-reklamo ang China laban sa US matapos ang isang resolusyong naghahayag ng panig ng US ukol sa hakbang ng China sa pinag-aagawang East at South China Sea o West Philippine Sea na ipinasa ng US Senate.

Mababasa sa resolusyong inilabas ng US Senate  ang mga nakakabahalang hakbang ng China kabilang ang pagbalangkas nito ng opisyal na mapa kung saan nakapaloob sa teritoryo nito ang pinag-aagawang South China Sea at pagpasok ng Chinese surveillance ships sa East China na pinagtatalunan nito sa Japan.

Kaugnay dito, ayon sa pahayag ng Foreign Ministry ng China – “ The above resolution proposed by a minority of senators took heed of neither history nor facts, unjustifiably blaming China and sending the wrong message.

President Benigno S. Aquino III delivered his fourth State of the Nation Address (SONA) at the Session Hall of the House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon City, on July 22, 2013.
 
At 55 pages, the SONA 2013 lasted for 1 hour and 40 minutes, and was considered his longest address since he was elected to post in 2010.   
 
Here are a few important points that the president stressed out in his speech:

Hulyo 3, 2013 - Batay sa isang kautusan ng Tokyo ang nagluwag sa visa rules para sa ibang mga bansa sa Asya. Ito ay nagsasaad na maaari nang mag-apply ng multiple-entry visas ang mga Pilipinong gustong bumista sa Japan ng ilang araw simula sa Hulyo 1.

Bahagi ito ng pagdiriwang ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Japan Friendship and Cooperation, ayon sa isang pahayag ng Japan Ministry of Foreign Affairs (MOFA) kamakailan.

"The Government of Japan has decided to begin issuance from July 1, of multiple-entry visas for short-term stay to nationals of the Republic of the Philippines (ordinary passport holders) who reside in their home country," ayon sa pahayag.

Maynila, Hulyo 22, 2013 - Ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia ay tumaas ang trust rating ng Pangulong Noynoy Aquino na lubos na ikinatuwa naman ng Malakanyang.

Ito ay patunay, ayon pa sa Malakanyang, na epektibo ang mga isinusulong na reporma at programa ng pamahalaang Aquino at dahil dito ay patuloy din ang suporta ng buong sambayanang Pilipino sa kanyang administrasyon.

Ayon sa pinakahuling Pulse Asia survey ay 77% o halos walo sa bawat 10 Pinoy ang nagtitiwala kay Pangulong Aquino. Nagpapakita ang ulat na mas mataas ng limang porsyento kumpara sa 72% trust rating noong nakaraang Marso.

Samantala, limang porsyento naman ang hindi nagtitiwala sa Pangulo at 17-porsyento ang hindi makapagdesisyon.

Pinakamataas ang trust rating ng Pangulo sa Visayas at Mindanao kumpara sa Metro Manila at Luzon.

Isinagawa ang nasabing survey mula Hunyo 20 hanggang Hulyo 4 kung saan 1,2000 respondents ang kinapanayam.

"Filipinas" para sa Komisyon sa Wikang Filipino (WKF). Isang petisyon naman mula Pambansang Samahan sa Lingwistika at Literaturang Filipino upang tutulan ito. 

Hulyo 4, 2013 - Sa isang resolusyon noong Abril 12, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay isinusulong na ibalik ang paggamit ng ‘Filipinas’ habang pinipigilan naman ang paggamit ng ‘Pilipinas’.

Ito diumano ay “bilang promosyon sa opisyal at modernong pangalan na naglalarawan ng kasaysayan at pag-unlad ng nasyon”, tulad ng nasasaad sa dokumento na kasalukuyang mainit na isyu sa social media bago pa man sumapit ang Buwan ng Wika sa susunod na buwan.

Ang resolusyon ay nagsasaad din ng paggamit unti-unti ng “Filipinas” sa mga seals, letterheads, notes at iba pang opisyal na dokumento ng bansa.  Ito diumano ang magtutulak sa mga institusyon upang gamitin ang “Filipinas” sa halip na “Pilipinas”.

Inihayag sa Liwasang Bonifacio, Maynila, noong ika-12 ng Hunyo 2013

Magandang umaga po. Maraming salamat. Maupo ho tayo.

Secretary Albert del Rosario; excellencies of the Diplomatic Corps; Secretary Voltaire Gazmin; Secretary Mar Roxas; Secretary Joel Villanueva; Chairman Francis Tolentino; Chairperson Maris Diokno; Mayor Alfredo Lim; Mr. Cesar Sariño; Postmaster General Josefina Josie dela Cruz; members of the House of Representatives and local chiefs present; the Chief of Staff, General Manny Bautista; Police Director General Alan Purisima; our service commanders, Lt. Gen. Larry dela Cruz; Vice Admiral Alano; Lt. Gen. Noel Coballes; Rear Admiral Rodolfo Isorena of the Philippine Coast Guard; our Medal of Valor awardees present: Col. Custodio Falcon and Col. Bartolome Bacaro; fellow workers in government; honored guests; mga minamahal ko pong kababayan:

Talagang isang malaya at magandang umaga po sa inyong lahat.

Ngayong umaga, sama-sama nating tinunghayan ang pagtataas ng bandila dito sa Liwasang Bonifacio, para sa isandaan at labinlimang anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan, sa harap ng rebulto ng Supremo ng Katipunan. Maliwanag po ang pahiwatig ng kanyang tindig: Karangalan ang magtaya ng buhay para sa bayan; taas-noo nating maipagmamalaki ang mga naiambag natin para sa kalayaan. Kasabay nito, tila mapanghamon din ang titig ni Bonifacio. Tila ang sinasabi: Ikaw, Pilipino, ano na ang nagawa mo para sa bandila at kapwa mo?

Lumipas na ang panahon ng pag-aaklas laban sa paniniil ng mga mananakop: ginawa na ito nila Rizal at Bonifacio, ng mga Katipunero at iba pang bayaning Pilipino. Ginawa nila ito dahil mulat silang walang ibang magtatanggol sa ating karapatan; walang ibang magsusulong para sa kinabukasan ng ating bayan; walang ibang magtutulak para sa ating ganap na kalayaan, kundi tayo ring mga Pilipino. Wala nang iba. Salamat sa kanila, isandaan at labinlimang taon na nating ipinapahayag sa mundo na tayo’y isang bansang malaya.

Habang nagbabalik-tanaw at binibigyang halaga natin ang ating kasarinlan, mulat ang pamahalaan sa tungkulin nitong pangalagaan ang kalayaang ito. Kaya naman naninindigan tayo para sa ating mga karapatan bilang bansang may sariling soberanya, bilang bayang nagbuwis na ng buhay para sa kalayaan, bilang Pilipinas na may sariling bandila na kapantay ng lahat.

Malinaw po: habang may responsibilidad ang estado na ipagtanggol ang bayan, tungkulin din nating tutukan ang mga pangunahing pangangailangan ng taumbayan.

Ang kailangan natin: masusing pagpaplano, sa halip na padalus-dalos na desisyon. Ang bunga nito: makabuluhang solusyon na tumutugon sa mismong problema. Kaya nga nakapagpatayo na tayo ng 21,800 na tahanan para sa para sa ating mga sundalo at pulis. Halos 14,000 na po ang natatapos na bahay para sa Phase 2, na aabot sa 31,200 pagdating ng Hulyo. Pitumpu’t limang bilyong pisong pondo rin ang mailalaan natin sa Tanggulang Pambansa sa susunod na limang taon dahil sa pagsasabatas ng New AFP Modernization Act. Sa katunayan, bago pa man maipasa ito, sa loob lamang ng isang taon at pitong buwan, halos pantayan ng mahigit dalawampu’t walong bilyong piso na inilaan natin para sa AFP Modernization Program, ang tatlumpu’t tatlong bilyong pisong pondo na nailagak sa nasabing programa sa nakalipas na tatlong administrasyon. Ganyan ang tutok natin: hindi lamang para sa modernisasyon ng ating tanggulan, kundi para rin maitaas ang dangal at moral ng ating mga kawal.

Kailangan nating timbangin ang ating mga hakbang ukol sa mga usaping ito. Habang iginigiit natin ang ating karapatan, kailangan din nating ipakita ang tunay na katangian ng mga Pilipino: Wala sa lahi natin ang pagiging agresibo, pero hindi rin tayo titiklop sa anumang hamon. At habang naninindigan tayo para sa ating mga karapatan, at nakikipag-ugnayan sa lahat ng panig upang maghari ang hinahon at pagkakaunawaan, kailangan din nating iangat ang kakayahan ng ating Sandatahang Lakas. Kasabay nito, kailangan din nating isaalang-alang ang kapakanan ng milyun-milyong Pilipinong maaaring maapektuhan ng ating mga desisyon bilang pinuno.

Wala naman tayong ibang pakay kundi ang pangalagaan ang tunay na sa atin. Hindi natin tinatapakan ang karapatan ng iba. Hindi natin inaangkin o sinasaklaw ang teritoryong malinaw namang nasa bakod ng iba. Wala tayong minamaliit, wala tayong inaapi. Wala sa kasaysayan natin ang manakit, o gumawa ng anumang hakbang para magtanim ng sama ng loob ang ibang bansa sa atin. Hindi kailanman naging polisiya ng Pilipinas ang manlamang sa ibang bansa. Kung may di-pagkakasunduan, saksi ang mundo sa kahandaan nating umupo at makipagdayalogo sa mapayapang paraan. Wala tayong ibang hinihingi kundi ang igalang ang ating teritoryo, karapatan, at pagkatao, tulad ng paggalang natin sa teritoryo, karapatan, at pagkatao ng ibang lahi. Ginagawa natin ito dahil mulat tayong ito ang susi upang mapanatili ang stabilidad, at nang sa gayon ay magpatuloy ang pagtungo sa malawakan at pangmatagalang kaunlaran, hindi lamang sa loob ng ating bansa, kundi sa ating rehiyon, at maging sa buong daigdig.

Si Andres Bonifacio na mismo ang nagsabi, “Itinuturo ng katwiran na tayo’y magkaisang-loob, magkaisang-isip at nang tayo’y magkalakas na maihanap ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan. Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon ng dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya, at may pagdadamayan.”

Malinaw ang nais ipabatid ni Gat Andres Bonifacio. Ayon sa kanya, umabot ng mahigit tatlondaang taon bago nagpasyang magkaisa at matagumpay na nag-alsa ang mga Pilipino laban sa mga Kastila. Huwag sana tayong maghintay pa ng tatlondaang taon, o ng tatlong dekada, o kahit ng tatlong taon, bago tayo magpasyang magbuklod para maging malaya tayo mula sa gutom, kahirapan, o anumang banta sa ating soberenya’t seguridad. Hindi tama na mapahaba pa ang pagtitiis ng mga Pilipino ni isang minuto. Kung pwede lang sana, kahapon pa ito nagawa. Pero dahil imposible nang mangyari ito, gawin na natin ito ngayon. Ngayon na mismo ang panahon para tayo’y magkaisang-loob, magkaisang-isip, at magkaisang-tinig. Ngayon na mismo ang panahon upang ialay ang ating oras at lakas. Ngayon na mismo ang panahon upang isang bansa tayong kumilos para sa katuparan ng mga kolektibong hangarin natin para sa Inang Bayan. Alam kong magagawa natin ito, dahil lahi tayo ng mga bayani, at oras na tanungin tayo ni Jose Rizal, o ni Bonifacio, ni Ninoy, o ni Cory, at itanong “Pilipino, ano ang nagawa mo para sa bandila at kapwa mo,” maaari natin silang titigan, mata sa mata, at sabihing “Narito ang mga inambag ko sa aking bayan, at ibinuhos ko ang aking buong puso’t kaluluwa upang mapabuti ang kanyang kalagayan.”

Muli, maraming salamat po. Isang makabuluhang Araw ng Kalayaan sa atin pong lahat.

More Articles...