Philippine flag, nakatatak sa motor ni Rossi - Ako Ay Filipino

19
Tue, Sep

Pilipinas

“This year, I will race with the Philippine flag on my bike”.

Ito ang pangakong binitawan, tinupad at pinatunayan ni Valentino Rossi noong nakaraang linggo sa Argentine motorcycle Grand Prix, ayon sa topgear.com.

Sakay ng YZR-M1 ang siyam na beses na Grand Prix World Champion ay makikitang nakatatak sa kanang bahagi ng windscreen ang bandila ng Pilipinas.

Matatandaang sa ikalawang pagbisita ni Rossi sa Pilipinas ay lubos na naantig ang kanyang damdamin sa mainit na pagtanggap at suporta sa Movistar Yamaha team ng mga Pilipino.

At sa kanyang pagdalo, kasama ang teammate na si Maverick Vinales sa opening ng Yamaha One Make Race sa Novaliches, Quezon City nitong nakaraang Enero ay nagbitiw ng isang pangako: “This year, I will race with the Philippine flag on my bike”.

 

PGA