5.349,89 euro para makapagrenew ng Permit of Stay

2010, ang Social Allowance (assegno sociale) sa taong ito ay nagkakahalaga ng  €411,53 kada buwan  o  5.349,89 euro sa loob ng isang taon (kasama na ang 13th month pay) upang makapagrenew ng Permesso di Soggiorno

Mula sa sunod-sunod na pagbabago sa batas partikular ang batas migrasyon, muli na namang magkakaroon ng pagbabago sa procedure kung paano ang renewal ng premesso di soggiorno. Isa sa babaguhin ay ang bagong halaga na itinakda ng batas at ang taunang Assegno Sociale. Sinasabing hindi dapat bababa sa nasabing halaga na 5.349,89 kada taon ang kabuuang kita o sweldo ng isang may planong magrenew ng kanyang permesso. Ito rin ang halagang dapat kitain ng isang indibidwal na manggagawa na nagnanais na mag-apply para sa family reunification o pagpetition sa isang miyembro ng pamilya. Sakaling nais magparating ng higit sa isang miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng ricongiungimento familiare, ang nasabing assegno soicale ay magiging 8.024,83 (multiplied by one and a half of assegno sociale).

/* ]]> */