26 anyos na Pinoy, nasagip sa pagpapakamatay ng awtoridad - Ako Ay Filipino

29
Sat, Apr

Komunidad

Nakausap at napigilan ng pulisya ang planong pagpapakamatay ng Pilipino.

 

Augusta - Isang 26 anyos na Pilipino, P.L. ang natagpuan ng mga pulis bandang alas onse y medya ng hatinggabi ng Jan 3, na tila wala sa sarili. 

Ayon sa report, mabilis na rumisponde ang awtoridad at nagtungo sa Saline di Augusta, probinsya ng Siracusa, matapos ang isang report mula sa mobile police at dito ay natagpuan ang Pilipino na lumulusong sa tubig papalayo at sumisigaw ng “I want to die”.

Nakausap at napigilan ng mga pulis ang planong pagpapakamatay ng Pilipino at nakilala ito bilang isang seaman sakay ng isang barko sa commercial port ng Augusta. 

Dumating din sa lugar ang 118 at ang Vigili del Fuoco na tumulong maiahon ang Pinoy mula sa tubig ang Pilipino. 

Isinugod sa Muscatello hospital ang seaman kung saan ito ay naka-confine.