Modus ‘smartphone’, sangkot isang 17 anyos na Pinoy - Ako Ay Filipino

17
Tue, Oct

Komunidad

Bigo ang modus ‘smartphone’ ng dalawang binatilyo: isang Pinoy sangkot at arestado naman ang isang Romanian, ayon sa ulat ng Newsgo. 

 

Roma, Hunyo 21, 2017 - Isang 17 anyos na Pinoy ang sangkot samantala arestado naman ang kasama nitong 18 anyos na Romanian matapos i-report sa mga carabinieri ng Nucleo Operativo Roma Trionfale ang modus ‘smartphone’ ng mga ito. 

Ayon sa ulat ng Newsgo, isa umanong 47 anyos na Italyana ang nagmamaneho sa via Nebbia sa kahabaan ng Pineta Sacchetti nang pahintuin ng dalawang binata. Inakusahan ng dalawa ang biktima na nadagil umano ng side mirror ng sasakyan nito ang siko ng isang binata, dahilan ng pagbagsak at pagkabasag ng smartphone nito. 

Bilang danyos, humingi ng 50 euros ang mga binata sa pagpapa-repair umano ng telepono nito. Ang binibiktima naman ay nagpanggap na tumawag sa anak upang magpadala ng pera. Sa halip ay 112 ang tinawagan nito at mabilis namang rumisponde at kinilala ang dalawa.