Komunidad - Ako Ay Filipino

Si Krista Mae Kleiner ay ang napili at itinaghal na Bb. Pilipinas 2010 Miss Internarional ginanap sa Araneta Center, Manila.

Sikat na TV personality at Psychology graduate, 20 years old at may taas na five feet and ten and a half inches. Sa edad na 16 maraming nagawa si Krista hindi lamang sa pagiging blackbelt in taekwondo and mastery of nunchucks. Swimming at tennis ang isa sa kaniyang hilig, umaawit din siya, tumutugtog ng piano, sumasayaw ng Latin ballroom, jazz, ballet at hip-hop.

Taunan ang Binibining Pilipinas pageant, isang proyekto ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI), isang non-stock, non-profit organization na itinatag ni Stella Márquez Araneta. Ang primary instrument ng BPCI ay ang pageant upang maisagawa ang kaniyang misyon sa pagpapalaganap ng kapayapaan at pagmamahal. Nakikinabang sa mga proyekto ng BPCI ang orphans, , indigent families, calamity victims at iba pang mahihirap sa bansang Pilipinas.

 

Kasabihang “Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy,”  napatunayang totoo sa KASAL NG BAYAN 2010

Every bride-to-be has nurtured that dream wedding in her heart mula pa nang magka-isip siya - Church wedding na naka-traje de boda na parang prinsesa na makikipagpalit ng “I do’s” kay Prince Charming.  Totoo pa rin daw po ito.
 
Natupad ang mga pangarap ng anim na kopya na tumanggap ng sakramento ng kasal sa loob ng simbahan na naka-wedding gown sa pamamagitan ng programang KASAL NG BAYAN 2010 na ginanap sa Basilica di Santa Pudenziana sa Via Urbana sa Roma noong Hunyo 27, 2010.  Sila ay kinabibilangan nina Ms. Florida – Mr. Jovito Mejico, Ms. Eufrocina – Mr. Luis de Castro, Ms. Cynthia – Mr. Rolando Bacaricas, Ms. Nida – Mr. Antonio Arcano, Ms. Lailani – Mr. Robert Jacinto at Ms. Grace – Mr. Agapito Maiinit.

Ang kasal ay isang sakramento na nag-iiwan ng hindi mabuburang karakter sa sinomang tatanggap nito.  Kaya naman na madalas nating mabanggit na ang pinagsama ng Diyos ay hindi mapaghihiwalay ng tao.  Minsan lang tayong tatanggap ng sakramentong ito.

Minsan lang tayong ikakasal.  Minsan lang ito ngunit ito’y isang sumpaang pagsasama ng habambuhay ng dalawang nilalang – isang lalaki at isang babae, sa hirap man o ginhawa. 

Ang pagsasamang may basbas ng pari sa loob ng simbahan ay pinaniniwalaang higit na matibay ng mag-asawang Mr. & Mrs. Jovito Mejico.  Sa katunayan, hindi naging sapat sa kanila ang kanilang kasal sa huwes at pagsasama ng matiwasay sa loob ng mahigit na 30 taon. 

Ang mag-asawang Mejico ay minsan ding nangarap na magkaroon sila ng church wedding at ito ay naisakatupaan sa pamamagitan ng Kasal ng Bayan 2010.  Ganito rin halos ang motibo ng mag-asawang Mr. & Mrs. Antonio Arcano – ang makapagpalitan ng ”Opo, padre” sa tanong kung tinatanggap nila ang kanilang asawa na makasama sa habambuhay ang kanilang matagal ng pangarap. 
Kaya naman sa harap ng altar ng Basilica Santa Pudenziana sa harap ni Father Romeo Velos at mga saksi na halos kinabibilangan na ng kanilang mga naging supling, mga kaibigan at mga kamag-anak, ang nasabing kopya ay masayang nagpalitan ng ”Opo, padre!” 
Malaki ang naging ambag ng Centro Filipino Chaiplancy sa pagbuo ng mga pangarap ng mga mag-asawang Pilipino na nasa Italya na hindi pa kasal sa simbahan sa pamamagitan ng taunang programang KASAL NG BAYAN.  Sa ilalim ng programang ito maraming kopya ang makakatanggap ng sakramento ng kasal sa kadahilanang mismong ang Centro Filipino ay tumutulong sa preparasyon ng kasal.  Hindi biro ang malaking preparasyong kinakailangang gugugulin sa mga gustong makasal sa simbahan. 

Kaya naman marami pang inaasahan na matutulungan ang Centro Filipino Chaiplancy sa mga susunod pang mga taon para sa mga Pilipinong gustong tumanggap ng sakramento ng kasal sa mas maayos pero mas matipid na pamamaraan.  Ang aming pagbati sa mga bagong kasal.  ”Mabuhay ang mga bagong kasal!” (Rogel Esguerra Cabigting)

 

Ang 70 anyos  na si Mang Magdaleno Rabena, naninirahan sa Empoli, may karamdaman at walang permesso ay pinayagang manatili sa italya para magpagamot.

Si Rabena ay residente ng Empoli at may malalang karamdaman na sa ngayon ay itinuturing na clandestino pagkatapos ng maraming taong pagiging isang masunurin at onestong manggagawa  at mamamayan dito.

Humingi ang pamilya ni Mang Magdaleno ng permesso di soggiorno sa motibong  familiari subalit hindi ito pinagbigyan ng Questura di Firenze dahil sa kawalan ng nauukol na kautusan sa batas na sumusuporta sa kaniyang kaso. Ayon sa paliwanag ng   Questura, si Mang Magdaleno, dahil sa kaniyang karamdaman maaari siyang manatili sa Italya bagama’t wala siyang permit to stay at hindi din siya maaaring i-expel.
 
Wala ding makukuhang disability pension ang matanda na sinubukan nilang i-claim sa tulong ng Associazione Italo-Filippina Giustizia e Diritto sa pamamagitan ng pangulong si Dr. Vladimiro Barberio. Sinabi ni Barberio na hindi din sinang-ayunan ang  kahilingan nila. Ang sosyo ekonomikong benepisyo ay ibinibigay lamang sa isang nangangailangang mamamayan na may legal na paninirahan sa Italya.

Sinubukan din ng anak na babae ng nasabing pinoy na ipetisyon ang ama sa pamamagitan ng Ricongiungimento Familiare at palalabasing nasa Pilipinas ang ama. Hindi rin pumasa sa kinauukulan ang ganitong estratehiya dahil ang ganitong pamamaraan ay isang palsong idolohiya ng isang aktong publiko.

Ang pobreng matanda bagamat may malubhang karamdaman ay inobliga pa rin ng Questura na pumunta ng personal sa nasabing tanggapan dala-dala ng ambulansiya upang iritira ang resulta ng kaniyang kahilingang permesso bagamat hindi inaprubahan. Ang pag-imbita sa kaniya ng personal ay para sa pangangailangan ng Questura na ebidensiya na siya ay nasa ganoong malubhang kalagayan. Samantalang ang kopya ng kaparehong dokumento ay naipadala naman sa kaniyang abugado at iba pang kinauukulan.

Ang mas masakit pa, ang pangtustos sa pagpapagamot ng matanda ay manggagaling pa sa kaniyang sariling bulsa dahil hindi na siya kwalipikado sa asistensiyang sosyal pangkalusugan.
Nangako naman si Barberio na ipagpapatuloy pa rin nila ang pakikibaka kasama ng kaniyang abugado para kay Mang Magdaleno sa usaping karapatang pantao bilang ang pobreng matanda ay isang umano. (Tess Salamero)

Naging tampok ang grupong kultural  ng mga kabataang Pilipino sa Cagliari  bunga ng kanilang pagpapakikita ng kakaibang sayaw na Pilipino sa isinagawang Festa dei Popoli sa Parco ng Monte Claro.

Ang programa na isang proyekto ng Provincia di Cagliari at  ginaganap tuwing Araw ng mga Manggagawa ay nasa ikatlong edisyon na. Ngayong taon lamang na ito lumahok ang mga Pilipino.

Ang grupong kultural ng Kabataang Pinoy (na tinaguriang ‘Gintong Pamana’) ay tumanggap ng mga paghanga at papuri mula sa mga taong saksi sa nasabing programa, bunga ng mga nakakaaliw na indak  ng sayaw ng pandanggo sa ilaw at tinikling.
“Binabati ko kayo at pinasasalamatan sa inyong naging paglahok sa okasyong ito”, pahayag ni Assessore Angela Quaquero habang ipinagkakaloob ang Plaque of Appreciation para sa grupo.

“Kakaiba ang inyong presentasyon at nakakatuwa ang mga kabataang ito. Magaling. Magaling”, ang maemosyonal na sambit ni Gng.  Rosanna Montenegro, isa sa mga Cultural Mediators ng Probinsiya sa sumusuporta sa gawain ng mga Pilipino. ‘Maaari pala kayong lumahok sa iba’t-ibang programa para sa iba’t-ibang lahi sa mga susunod na okasyon. Kahanga-hanga ang inyong grupo. Dagdag pa niya.

“Proud ako habang tinitingnan ko sila. Nakakaalis ng pagod at kunsumi ang pagpapakita nila ng desiplina habang sumasayaw na. Pakiramdam ko nasuklian din ng mga batang ito ang mga kakulitang pinaggagawa nila sa mga nagdaang araw ng mga praktis’, pag-amin ni Cecelia Evangelista. ‘Sa kanila ko nagagampanan sa ngayon ang mga dating ginagawa ko  noong nagtuturo pa ako sa School sa Pilipinas. Kaya kahit pagod. Masaya ako sa ginagawa ko’, dagdag pa ng masipag na choreographer ng Gintong Pamana.

Masaya naman kaya ang mga magulang ninyo? “Opo”, ang sabay-sabay na sagot ng mga bata.

Sa kasalukuyan ang Gintong Pamana pa lamang ang grupong kultural na Pilipino dito sa Cagliari na may pagsisikap ipakilala ang kulturang Pinoy sa mga lokal na naninirahan at pamayanan dito. Naipamalas na rin minsan ng mga batang ito ang kanilang talento sa nagdaang pagbisita ng delegasyon ng Konsular sa Cagliari noong Marso.

Ang mga mananayaw ay kinabibilangan nina Maricris, Julia, Rhea, Jennyrose, Jef, Ivan, Darryl, Jerome, Stanley at Leomar. Samantalang ang mga “Ate” naman na tumutuwang para mangasiwa sa kanila ay sina Lenny, Michie, Saisan at Cecile (ang choreographer).

Para sa mga Gintong Pamana Members and Supporters, Filipinos are truly proud of You. (Elmer Orillo - Cagliari) 

Roma – Aug. 12, 2010 – Isa na namang forum ang isinagawa sa Embahada ng Pilipinas sa Roma noong ika-29 ng Hulyo, taong kasalukuyan, sa pamumuno ni Labor Attache Chona Mantilla ng  POLO-OWWA.

Layunin ng Thursday Forum na ito ang ipakilala sa mga Filipino leaders ang mga programa ni Ambassador Romeo Manalo para sa mga Pinoy sa Italya. Hangarin ng bagong Ambassador ang maiangat pang lalo ang dignidad ng mga OFWs sa Italya. Kaya naman patuloy niyang inilalahad ang kaniyang nakahandang programa para sa kapakanan ng mga nakararaming Pilipino. Kumunsulta na rin ang butihing Ambassador sa iba’t ibang grupo at asosasyon ng mga Pinoy sa Roma kasama ang mga relihiyoso upang sumangguni at alamin ang ilan pang mga pangangailangan ng mga OFWs upang maisakatuparan ang mga programang kaniyang ipatutupad sa mga darating na panahon.

Naging tampok din ang usaping migrasyon ng araw na iyon. Sa pamamagitan ni Liza Bueno Magsino, editor-in-chief ng Ako Ay Pilipino at nagtatrabaho sa CSI (Centro Serivizi Per L’Immigrazione della Provincia) bilang Consultant at Cultural Mediator, ang ilang mga usapin tungkol sa Carta di Soggiorno, tampok ang Italian language test na ipapatupad sa Disyembre 2010, at sanatoria (mga pagbabago at pamamaraan) ay nabigyang linaw. Ang mga pagbabagong nagaganap kalimitan ay may positibo at negatibong epekto sa pamumuhay ng mga OFWs sa Italya.

Kaya’t minarapat ng POLO-OWWA ang magbigay ng mga mahahalagang impormasyon upang mas maging handa ang mga Pilipino sa anumang atas na ipapatupad sa darating na panahon.

Nagbigay rin ng updates si Welfare Officer Lyn Vibar tungkol sa mga serbisyo ng OWWA.

Ang nasabing forum ay dinaluhan ng mga kinatawan ng mga Religious Filipino Catholic Community,  Pinoy Associations sa Roma, Individual leaders, Consiglieri Aggiunti sa Roma at ibang concerned citizens. (Ako Ay Pilipino) 

 

May karapatan ang isang tao at ang lumikas sa kanyang bansa

Vatican City – Aug. 11, 2010 – “Ang bawat tao ay may karapatang lumikas sa kaniyang bansa na dala-dala saan man pumunta ang kaniyang identity”. Sinabi sa Radio Vaticana ni Mons. Ciliberti ang Archbishop of Catanzaro-Squillace at Vicepresident of the Bishop’s Conference in Calabria na 
hindi natin pwedeng pigilan ang ating kapatid nang walang dahilan, saan man siya nanggaling, ano man ang kaniyang pinaggalingan, siya ay umalis sa sariling bansa marahil dahil sa hirap ng buhay.

“Tama at nararapat – ang sabi ni Ciliberti – na ang ating mga kapatid ay tanggapin ng maayos, nang may makakristiyanong espiritu, kung saan ang ating bansa ay ating mundo at bawat tao ay ating kapatid, wala sinumang may karapatang maging maligaya kung nag-iisa at ang ating kaligayahan ay ang gawing masaya ang iba”.

Sa Italian law of migration, sinabi ni Ciliberti, na ang magtatag ng isang angkop na batas ay isang tungkuling dapat isagawa ng tama, na siyang mangangalaga sa dignidad ng tao nang hindi maapektuhan ang iba pa niyang mahahalagang katangian. (Liza Bueno Magsino)

 

Nangibang-bayan upang kumita ng malaki, nagtitiis ng lungkot at isinakripisyo ang pamilya kapalit ng hangaring mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.

Ito ang dahilan ng mga Pinoy sa pagtatrabaho sa labas ng bansa ngunit sa mahahalagang okasyon, hindi nila ito pinalalampas.
 “GRADUATION”,….ito ang karaniwang dahilan ng pag-uwi sa Pilipinas ng mga OFW tuwing buwan ng Marso. Sa kabila ng nararanasang El nino ng Pilipinas , nagdagsaan sa Malpensa airport ang mga OFW upang maka-uwi at makadalo sa isang mahalagang okasyon sa buhay ng kanilang anak.

Isa si Antonio  Agcarao  mula sa Milan ang excited  na umuwi  upang dumalo sa mahalagang okasyon ng  kanyang anak. “ah uuwi ako dahil sa graduation ng anak ko dahil importante po sa akin, para naman po masusulit yun pagod dito sa Italya tapos aattend ako ng holy week sa atin dahil katoliko po tayo”.

Gayundin si Emma del Rosario, apat na taon na siyang di nakaka uwi ngunit sa araw na mahalaga para sa kanyang anak na bunso, isinakripisyo nya ang trabaho.  Sinabi ni Mrs. Del Rosario na mahalagang pahalagahan din ng mga magulang ang mga pagsasakripisyo ng mga ank tulad ng pagsisipag ng mga ito sa pag-aaral.

Bukod sa araw ng pagtatapos,  habol din ng pag-uwi ng mga Pinoy ang pag-obserba ng semana santa sa Pilipinas kung saan ito ang pagkakataon na makahalubilo ang mga kamag-anak.

Para naman sa ilang OFW,  hindi raw ideal na buwan ang Marso at Abril upang umuwi sa Pilipinas dahil sa sobrang init ng panahon na nararanasan sa mga buwan na ito.

Pinaka-magandang buwan raw ng pagbabakasyon sa Pilipinas ang  Disyembre bagama't magastos, masaya  at medyo mababa ang temperatura. (Zita Baron)

 

 

More Articles...