Komunidad - Ako Ay Filipino

19
Tue, Sep

Roma – May 7, 2010 – Inilunsad kahapon ang “40 hours’ prayer o “Quarant’Ore” sa Santa Pudenziana, Sentro Pilipino Chaplaincy in Rome. Ito ayon kay Fr. Jose V.C. Quilongquilong, S.J. ng CBCP News ay inorganisa ng Philippine Embassy to the Holy See in coordination with the Pontificio Collegio Filippino at ng Sentro Pilipino Chaplaincy na ang layunin ay upang ipagdasal ang matapat at matahimik na election sa Pilipinas.

Ayon pa sa balita, ang Eucharistic celebration na isinagawa sa Roma ay sinadyang isinabay sa pagdiriwang na isinagawa sa EDSA Shrine in Manila na inorganisa ng Center for Peace, Asia.

Itutuloy ng iba’t ibang Association of Filipino Priests, Religious and Seminarians sa religious congregations/communities ng kanikanilang orotories ang Quarant’Ore prayer. May ilan sa mga Filipino migrants’ communities at indibidwal ang nagsabing sasali sa panalangin na isasagawa sa kanilang simbahan. 

Hinimok naman ni Ms. Josephine Bantug, ang assistant to the Philippine Ambassador to the Holy See ang mga participants na magdasal ng Holy Rosary, ang Chaplet of Divine Mercy at ang “Prayer for Philippine Elections” mula May 6 at 6:00 p.m. hanggang May 8, 9 p.m.

Ayon pa sa balita, ang Quarant’Ore devotion ay nagsimula sa Milan at kumalat sa ibang bahagi ng Italya noong kalaghatian ng 16th century. Noon daw panahong iyon, ang nasabing debosyon ang siyang naging panlaban sa mga pananakot sa simbahan kaya’t iminungkahi ni Pope Clement VIII ang magsagawa ng walang humpay na panalangin sa mga simbahan sa Roma. 

Kaya’t hinihikayat nina Mercedes A. Tuason, Philippine Ambassador to the Holy See; Fr. Romeo Velos, CS, Chaplain of Sentro Pilipino; and Bishop-elect Ruperto Santos, Rector of Collegio Filippino ang lahat ng mga Pilipino sa Roma na makikiisa sa iisang layunin ng Quarant’Ore upang masigurado na ang huwag maputol ang chain of prayer na mula sa salita ni Pope Clement VIII “the incense of prayer shall ascend without intermission before the face of the Lord".

 Lahat ng mga Pilipino sa Roma ay iniimbitahan rin ng makiisa sa Eucharistic celebration sa Basilica Santa Pudenziana na gaganapin sa ika-9 ng Mayo upang ipanalangin ang matapat, matahimik at kapanipaniwalang election sa Pilipinas sa May 10.  

 

 

International Financial Literacy Briefing on Retail Treasury Bonds for OFWs

4/05/2010 - “Basta’t BANKO, SIGURADO!” ang naging tema ng ilang serye ng training seminars na  inihatid sa mga OFWs ng Italya ng Bureau of Treasury sa pakikipagtulungan sa iba pang sangay ng pamahalaan ng Banko Sentral ng Pilipinas, Department of Finance,  Department of Affairs at apat na sponsor agencies: PNB Capital & Investment Corporation, BPI Capital Corporation, First Metro Capital Corporation at Landbank.  Ang Bureau of Treasury Roadshow ay kinabibilangan ng 8-kataong delegado na kumakatawan din ng iba’t-ibang sangay ng pananalapi at mga lokal na bangko sa Pilipinas sa pangunguna mismo ni Treasurer Roberto B. Tan ng Bureau of Treasury.  Ang iba pang parte ng delegasyon ay kinabibilangan nina  Mr. Manuel S. Banayad, President & CEO ng PNB Capital & Investment Corporation, Mr. Roberto Juanchito T. Dispo, EVP ng First Metro Investment Corporation, Ms. Janice M. Gamos, Deal Officer ng First Metro, Director Stella Laureano ng Department of Finance, Director Rosabel B. Guerrero ng Banko Sentral ng Pilipinas, Mr. Denis S. Sta. Catalina ng BPI Capital Corporation at Atty. Ramil T. Bugayong ng PJS Law.

Naunang isinagawa sa Milan ang Retail Treasury Training seminar noong ika-11 ng Abril sa Hotel dei Cavalieri na dinaluhan ng mahigit na 150 OFWs na kasalukuyang naninirahan at naghahanapbuhay sa siyudad ng Milano at sa mga karatig siyudad nito.  Nag-host ng isang business lunch meeting ang PNB Italy, SpA sa nasabing delegasyon noong nakaraang Abril 13 sa isang Chinese Restaurant sa Via Cavour sa Roma, sa pangunguna ng bagong Managing Director ng PNB, Mr. Vic E. Cobarrubias.  Isang dinner business dinner meeting naman ang inihanda ng Philippine Embassy Office noong araw ding iyon sa delegasyon na dinaluhan ng iba’t-ibang Filipino community leaders at representatives ng ibat-ibang Filipino establishments sa Roma. Ang dinner ay isinagawa sa Ristorante San Marco sa Via Sargegna sa Roma.

Para sa mga OFWs sa Roma, sa Ristorante Karisma isinagawa ang  training seminar sa Retail Treasury Bonds noong Abril 15.  Ang seminar ay umikot sa panghihikayat sa mga OFWs na mag-invest sa siguradong pamamaraan sa tulong na rin ng iba’t-ibang Philippine banks na may tanggapan sa Italya katulad ng PNB, Landbank, Metrobank, BPI, RCBC at BDO.  Kaya naman binigyang diin na rin ni Ms. Elsa Asuncion-Lim, Managing Director ng Landbank, at nagsilbing facilitator ng araw na iyon sa nasabing seminar na ”Basta’t Banko, Sigurado!”

Ang pag-iinvest sa pamamagitan ng Retail Treasury Bond ay nakakasigurado dahil bukod sa napakababang halagang hinihingi nito bilang minimum investment amount, may higit na mataas na taunang interest rate naman ang matatamo ng mga investors na nagsisimula sa 3.5% (depende sa amount).  Inii-offer din ang nasabing bonds sa dollar at euro currencies at ang interest ay tax free.  Ang retail treasury bond ay isang matalinong paraan para naman mabigyan ng halaga ang mga pinaghirapang ipon ng mga manggagawang Pilipino na nagta-trabaho sa ibang bansa.  Ang launching date ng Retail Treasury Bonds ay nitong Abril 20 hanggang Abril 27 para sa mga OFWs.  Ang itinakdang issue date para sa Multi-Currency Retail Treasury Bonds (RTBs) ay Abril 29, 2010.  Para sa mga karagdagang pang impormasyon, ang mga interesadong Pilipino ay maaaring magsadya o tumawag sa kani-kanilang mga paboritong banko na may tanggapan sa Italya katulad ng PNB, Landbank, Metrobank, BPI, RCBC at BDO dahil basta’t banko, sigurado! (Rogel Esguerra Cabigting)

Paalala mula kay Pres. Rene Berganio na ang bagong kaalaman ay gagamitin sa mabuti at maging responsible upang maiwasan ang problema sa hinaharap

4/05/2010 - Unang anibersaryo dito malimit nasusukat kung ano ang iyong nagawa, naitulong o naihandog sa iyong kapwa.  Nakabuti ba o nakatulong maiangat ang kalagayan ng isang manggagawa.  Ang pamunuan ng FCTC (Filipino Computer and Technology Center) ay nagagalak na ihayag na sila ay nakapagtapos ng 303 studyante sa Basic (7 batch) and Advance Course (2 batch).

Marami sa mga graduates ang sa ngayon ay may maganda ng kalagayan sa kanilang mga trabaho dahil sa dagdag na kaalaman.  Isa na rito sa Mr. Efren Elia ng Pisa, siya ay nabigyan ng lisensiya ng Bankitalia upang makapag negosyo ng Door to Door remittance.  Si Rolando Fernandez na konektado sa Neos Finance, nagagamit niya ang kaalaman sa advance course upang makagawa ng presentation to promote financing.  Ang iba umangat ang kalagayan sa hotel na pinapasukan. 

Ang  First Anniversary celebration at awarding ceremony ng batch 6 and 7 ng basic at batch 1 and 2 ng advance ay ginanap sa Star Hotel Michaelangelo sa Firenze noong Abril 18, 2010.  Dinaluhan ito ni Labor Attache Chona Mantilla, Fr. Sanny Senadrin ng Caritas International sa Vatican, Mr. Wong ng Computer Center sa Roma at Honorary Consul Fabio Fanfani.  Kakaiba ang awarding ceremony dahil nagpaligsahan ang mga graduates sa advance course sa kanilang mga presentation sa power point, ito ay ipinakita sa pamamagitan projector, dahil dito marami ang naengganyo upang mag aral din sa advance course. 

Pinuri ni Labor Attache Chona Mantilla sina FCTC project manager Mela Berganio at Comfit and All Leaders Pres. Rene Berganio sa kanilang walang sawang pagtulong sa kapwa Pilipino.  Ngunit pinayuhan niya na kailangan din ang konting pahinga, kung ang makina o lupa kelangan ang pahinga gayon din ang tao.  “Life is like software, where under the guidance of Divine Providence problems can be scanned, tensions can be edited, solutions can be downloaded, worries can be deleted so that our lives and those others are upgraded and saved” ayon kay Fr. Sanny Senadrin. Naghandog rin ng certificate of appreciation ang pamunuan ng FCTC kina Labatt Mantilla, Fr. Senadrin, Mr. Rudy Wong at Hon. Consul Fabio Fanfani. 

Tatlong special award ng pagkilala ang inihandog sa mga natatanging graduates sa kanilang pagtulong at pag promote ng Computer Center kina Mr. Efren Elia, Rolando Fernandez at sa inyong lingkod Argie Gabay.  Muli ang paalala mula kay Pres. Rene Berganio na ang bagong kaalaman ay gagamitin sa mabuti at maging responsible upang maiwasan ang problema sa hinaharap.  Isang masaganang hapunan at yugyugan matapos ang awarding ceremony.  (Argie Gabay)