Pinay nabagsakan ng pader, patay - Ako Ay Filipino

22
Fri, Sep

Komunidad

Isang Pilipina ang binawian ng buhay matapos mabagsakan ng pader ng warehouse kung saan nagta-trabaho.

 

Mayo 8, 2017 - Isang Pilipina ang binawian ng buhay matapos mabagsakan ng pader ng warehouse kung saan nagta-trabaho, ayon sa ulat ng Reppublica.

Si Engracia Yuncion, 51 anyos, kasama umano ang asawa ay kasalukuyang isinasaayos ang paglalagyan ng mga bigas sa warehouse. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumigay ang bahagi ng pader nito at bumagsak rin ang ilang daang kaban ng bigas na dumagan sa pilipina.

Ang aksidente ay naganap kamakailan sa isang warehouse cascina Colombina sa San Marco, sa bukirin ng Villarboit sa Vercelli.

Bagaman mabilis na sumaklolo ang mga duktor ng 118 ay binawian ng buhay ang Pinay.

Paalam kabayan!