Rizal day, gugunitain sa Roma! - Ako Ay Filipino

29
Sat, Apr

Komunidad

Ika-120 taon ng pagiging martir ni Rizal, gugunitain sa Roma. 

 

Roma, Disyembre 27, 2016 - Sa pangunguna ng Philippine Democratic Guardians International Inc o PDGII, pakikipagtulungan ng Philippine Embassy to the Holy See at ng Order of the Knights of Rizal, ay inaanyayahan ang lahat na makiisa sa paggunita ng ika-120 taon ng pagiging martir ni Rizal sa Roma.

Sa January 8, ganap na alas 10 ng umaga ay magkakaroon ng wreath laying at flag raising ceremony bilang pagbibigay pugay sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa pagunita sa araw ng pag-aalay ng kanyang buhay para sa ating inang bayan. 

Malugod po naming kayong inaanyayahan na saksihan at makiisa sa pagdiriwang ng ito bilang pagkilala sa ating pinakamamahal na pambansang bayani”, anyaya ni Norberto Scorpion, PDGII founding father at organizer.