Mr. & Ms. Philippines-Italy 2015 - Ako Ay Filipino

Pagdiriwang

Layunin ng pageant ang lalong mapalawig ang personalidad, talento at pakikitungo sa kapwa ng mga kandidata.

 

Milan, Oktubre 20, 2015 - Sina Kathleen Keith Salazar at Paolo Eduardo Santos ang hinirang Mr. & Ms. Phillipines-Italy 2015 na ginanap kamakailan sa Teatro Carcano sa Milan Italy.

Tampok ang labing isang mga nag gagandahang pinay teens at sampung mga guwapong pinoy teens ang lumahok sa ika-siyam na taon ng naturang pageant na pinaghandaan ng humigit kumulang anim na buwang preparasyon sa pangunguna ng organizer ng pageant na si Miss Noemi Manalo.

Ang mga candidates ay galing pa sa Modena, Brescia, Reggio Emilia, Siena at ibang bahagi ng Italya.

Ayon kay Manalo, layunin ng naturang pageant ang lalong mapalawig ang personalidad, talento at pakikitungo sa kapwa ng mga kandidata.

We have to break the pageant into 2 parts, kasi if we do it in one day, baka kinulang tayo ng oras”, wika ni Manalo.

Sa unang bahagi ng pre-pageant ay ang tagisan ng kanya-kanyang mga talento tulad ng pagsayaw, musical interpretation, paggamit ng musical instruments, acting at iba pa.

Kasunod naman nito ay ang image interpretation kung saan ipinakita sa bawat candidate ang larawan ng isang ina karga ang isang sanggol.

At halos iisa lamang ang naging interpretasyon ng mga kandidata sa larawang ipinakita, ‘ang kahalagahan ng isang ina sa kanyang anak’. Ilan dito ang sumagot sa wikang Pilipino at ilan naman ay sa wikang Italiano.

Sa ikalawang araw ng pageant ay ang main event o ang coronation night. Rumampa ang mga candidates sa stage suot ang kanilang mga evening gowns and suits, casual wear, sports wear, swim wear, maging ang mga filipiniana na dinisenyo ito ng kani-kanilang mga fashion designers.

Ayon kay Salazar, ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral at hihintayin niya ang iba pang mga plano ng organizer para sa kanya, sagot nito sa wikang Italiano. Sinabi naman ni Santos na siya ay magbabakasyon muna sa Pilipinas.

Samantala, hindi pa umano nagtatapos dito ang pagkapanalo ng mga candidates dahil may plano ang organizers para sa kanila, ayon kay Manalo.

Hindi lang mga nanalo but all the candidates will be participating in the making of MTV’s here in Italy and promoting Italian commercials too”, ani ni Manalo. Kung kaya’t sa kanilang ika-sampung taong pageant ay sisiskapin pa nilang pagandahin ito at magkakaroon pa ng mas maraming projects para sa mga candidates.

King - Mr. Philippines Italy 2015 - Paolo Eduardo Santos

1st Runner Up - Vance Arby Razon

2nd Runner Up - Cedric Sarmiento

3rd Runner Up - Leoven Morete

4th Runner Up - Godwin Dimaandal

Queen - Miss Philippines Italy 2015 - Kathleen Keith Salazar

1st Runner Up - Kiaralaine Pangan

2nd Runner Up - Hazel Ortega - Milano

3rd Runner Up - Jasmine Repoyo

4th Runner Up - Cathleen Camille Mendoza

 

 

ulat ni Chet de Castro Valencia

larawan nina Jescia Bautista at Ronilo Quiton