Komunidad - Ako Ay Filipino

"No to Violence Against Woman", mensahe ni Monique Wilson sa mga migratnte.

Roma, Hulyo 31, 2015 - Isang forum ang inorganisa ng FW Watch Rome, Federation of Women in Italy, International Coalition on Human Rights in Philippines Rome o ICHRP at UMANGAT Migrante noong July 26 sa V. Giolitti 231 Roma.

Mahigit na 100 mga kababayan ang nakiisa sa nasabing forum, mula indibidwal hanggang sa ibat ibang organisasyon.

Dalawang mahahalagang tema ang tinalakay sa nasabing forum: ang ikaanim na SONA o State Of the Nation Address ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas at ang OBR o One Billion Raising. Ito ay isang organisasyong internasyunal na layuning labanan ang sekswal na karahasan sa mga kababaihan.

Pangunahing tagapagsalita sa forum at panauhing pandangal si Ms. Monique Wilson, ang Direktor ng One Billion Raising Dance at una ng nakilala bilang Miss Saigon kasabay ni Leah Salonga.   

Ang aktres ay tumulak pa mula Torino upang ibahagi ang  kanyang karanasan.

At bilang kasalukuyang Global Director ng OBR, lalong napapalamin ni Monique ang kanyang pakikiisa sa iba’t-ibang grupo ng mga kababaihan sa maraming bansa upang sila ay maimulat at sa pamamagitan ng pagasasayaw ng OBR ay manawagan ng “No to Violence Agaist Women”.

Bagaman hinid naging madali ay ipinakilala rin ni Monique ang “V” Day o  “Vigina” from “Vigina Monologue”

Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat. Jose P. Rizal at Charter day of Knights of Rizal, tatlong okasyong ipinagdiwang ng The Order of the Knights of Rizal.

Florence, Hulyo 2, 2015 - Ang Order of the Knights of Rizal sa Italya ay naging aktibo sa pagdiriwang ng tatlong mahahalagang okasyon o ang trium-occasion nitong Hunyo. Ito ay ang ika-117 taong Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, ang ika-154 taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat. Jose P. Rizal at ang ika-64 Charter day of Knights of Rizal.

On this trium-occasion of June, 2015 let us ‘Rizalize' ourselves, no more, no less. Let us live by the example of uniting and unifying our filipino differences towards perfect harmony and synergy of purposes”.

Bagama't tayo ay malayo sa ating bansang Pilipinas ay ipinakikita natin ang pagbibigay galang at rispeto sa ating kasaysayan. Ang Order of the Knights of Rizal ay nagbibigay pugay sa lahat ng ating mga Bayani na nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay para lamang makamit ang ating matagal na minithing kalayaan.

Non Omnis Moriar!

KALAYAAN 2015: “Tagumpay sa Pagbabagong Nasimulan, Abot-Kamay na ng Bayan”

Rome, Italy - June 14, 2015 - Dinaluhan ng Order of the Knights of Rizal Italy ang ginanap na pinakamalaking selebrasyon ng Araw ng Kalayaan na inorganisa ng PIDA sa Rome, Italy. Sa pagbubukas ng seremonya ni PIDA President Augusto Cruz para sa ginawangpag-aalay ng korona sa Monumento ni Gat Dr. Jose Rizal at Pambansang Awit ng Pilipinas sa Piazzale Manila sa pangunguna ni Philippine Ambassador to Italy H.E. Domingo Nolasco at Ambassador to the Holy See H.E. Mercedes Tuazon, mga miyembro ng Knights of Rizal at ilang mga panauhin.

Kabilang sa nagbigay ng mensahe ang Order of the Knights of Rizal Area Commander for Italy Carlos Simbillo para patuloy na pagkilala sa ating mga bayani na sina Gat Jose Rizal at Gat Andres Bonifacio na nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay para sa ating Kalayaan, “Mabuhay tayo na may dakilang layunin, pangarap at pag-asa bilang pagtugon sa panawagan ng ating Pangulo para sa pagpapatuloy ng matuwid na landas”.

Nag-alay din ng bulaklak at pag-galang ang Knights of Rizal Frosinone Chapter sa pangunguna ng kanilang Chapter Adviser Salvatore Olivari de La Moneda kasama ang ilang mga opisyal. Sa isang munting pasasalamat ay nag-alay din ang Knights of Rizal para sa ating mga mahal na Ambassador Nolasco at Ambassador Tuason ng Order of the Knights of Rizal Commemorative Coin na iniabot ng Firenze Chapter Commander Dennis Reyes at dating Frosinone Chapter Commander Salvatore de La Moneda. Ang selebrasyon na sinaksihan ng ating mga kagalang-galang na kinatawan ng Philippine Embassy Rome, PIDA Rome, mga miyembro ng Knights of Rizal Rome, Firenze at Frosinone Chapter kasama ang Ladies for Rizal, GEMPA, mga makabayang Guardians na patuloy sa taunang pagbibigay galang sa monumento ng ating Pambansang Bayani.

Muling ipinagpatuloy ang selebrasyon sa Piazzale Ankara na dinaluhan ng napakaraming mga Pilipino para sa taunang parada at Cultural presentation ng ating mga kababayan na lumahok.

Firenze at Empoli, Italy - June 21, 2015 - Muling pinatunayan ng Knights of Rizal, Firenze Chapter at Ladies for Rizal ang pagmamahal sa ating Araw ng Kalayaan at sa ika-154 taong anibersaryo ng Kaarawan ng ating Pambansang Bayani sa pamamagitan ng pagdalo sa Independence day celebration sa Firenze at sa ginanap sa Empoli na taimtim na nagbigay pugay sa ating bayani na si Gat Jose Rizal sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak at isang Banal na Misa ng Pasasalamat na pinangunahan ni Rev. Fr. Cris Crisostomo, Jr. at ng Sentro Katoliko Pipino ng Empoli sa pakikipagtulungan ni Chapter Commander Dennis Reyes ng Firenze Chapter at Firenze Deputy Chapter Commander Percival Capsa. Naging unang panauhin ang ating Philippine Honoray Consul General at Knights of Rizal Firenze Chapter Adviser Dr. Fabio Fanfani, Avv. Jacopo Mazzantini, Assesore mula sa Comune ng Empoli, Sir Ofring Sale, KCR, Knights of Rizal Deputy Area Commander for Germany at iba pang mga pinagpipitaganang Lider ng mga organisasyon sa Firenze at Empoli.

 

Sundang ang buong ulat sa www.migreat.it/tl

 

 

Kinumpirma ng Guinness Book of World Records Judge Lorenzo Veltri na nilagpasan ng Italya ang bansang Spain sa pinakamahabang pizza sa buong mundo.

 

 


Milan, Hunyo 23, 2015 - Sa Milan ginanap ang Guinness Book of World Records 2015 ng pinakamahabang pizza sa buong mundo kung saan may sukat na 1,596.45 metro. Nilagpasan ng Italya ang bansang Spain na may habang 1,141.5 metrong haba ng pizza noong May 31, 2011. Ito ang kinumpirma ng Guiness Book of World Records Judge Lorenzo Veltri.

Ang "pizza Margherita" na gawa sa 2.5 toneladang arina, 1.5 toneladang tomato sauce at 1.7 toneladang mozzarella, 150 litrong of olive oil, sa pamamagitan ng mahigit 800 steel plates gamit ang limang special ovens ay na baked ang pizza. Ito ay ipinamigay sa mga bisita sa World Exposition 2015 pagkatapos itong sukatin at kinumpirma ng book of world records judge.

Hindi nagpahuli ang Pilipinas at aktibo ang naging partesipasyon sa tatlong araw na aktibidad ng Expo d’Oriente nitong Hunyo.

Roma, Hunyo 12, 2015 - Sa pangunguna ng Ompseco o Organizazzione Mondiale per la Promozione Scientifica Educativa della Cultura Orientale - sa pakikipagtulungan ng mga asosasyon, pederasyon at mga boluntaryo, sa kolaborasyon ng mga Embahada at pamahalaang lokal - ay ginanap ang Expo d’Oriente nitong nakaraang June 5, 6 at 7 sa Laghetto dell’Eur Roma kung saan sa unang pagkakataon ay itinanghal ang International Fair of Oriental Culture.

Itinampok sa tatlong araw na ‘fiera’ ang iba't ibang kultura ng mga bansang lumahok tulad ng India, Vietnam, Thailand, Japan, Nepal, China at Philippines. Mula sa mga cultural shows at exhibitions, mayroon ding mga bazaars, food at trade booths, natural medicines, traditional massages, natural theraphies at yoga. Nakaagaw-pansin rin ang martial arts exhibitions. Ang lahat ng ito ay natunghayan sa kabuuang 112,510 square meters na kinasasakupan ng Laghetto.

Kasabay ng pagdiriwang ng Family Day ay matagumpay na ginanap ang Global Walk 2015 ng CFC.

 

 

 


Milan, Hunyo 29, 2015 - Sa ikalawang pagkakataon ay ginanap sa Milan Italy ang Global Walk sa pangunguna ng Answering the Cry of the Poor Foundation o ANCOP na bahagi ng evangelization ng Couples for Christ (CFC). Layunin ng pundasyon na tumulong sa may mga problemang pang pinansyal partikular sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas.

Kasabay nito ang pagdiriwang ng taunang “Family Day” ng Couples for Christ.

Ang ANCOP foundation ay itinatag hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa iba't ibang bahagi ng Europa, Canada at Estados Unidos.

"Ang global walk ay ginaganap tuwing August 16, pero dito ginanap na namin sa Milan,  kaya nauna na kami" ayon kay Ernesto Bella, ANCOP coordinator ng Milan.

Ang bawat nalikom na halaga ay nanggagaling sa mga nagparehistro para lumahok sa Global Walk. Ito ay i-aambag na tulong para sa mga kabataan na mapapabilang sa scholarship program ng naturang foundation.

Ang ANCOP, ayon kay Teresita Bella, CFC ANCOP coordinator, ay nasa ikatlong taon na, at ang malilikom na halaga ay mapupunta sa tatlong batang pinag-aaral ng Milan chapter.
Bago nagsimula ang Global Walk ay nag-warm up muna ang mga manlalahok sa pamamagitan ng pagsasayaw ng Zumba.

Nagkaroon din ng isang maikling pambungad na panalangin at pagkatapos ay ang ribbon cutting sa pamamagitan ni Eng. Domingo Borja.

Ang mga participants ay nagsimula sa entrada ng malaking park sa Bosco in città at natapos ito sa pinaka centro ng parko na sa kanilang paglalakad ay umabot ng mahigit na 30 minuto.

Pagkatapos ng kanilang paglalakad at habang nagpapahinga ang lahat ay sinabayan din ni Ernesto Bella CFC ANCOP coodinator ang pagpapaliwanag sa layunin ng ANCOP sa mga bagong graduate ng CFC.

Sa bahagi ng pagpapaliwanag ni Bella, ay sinabing ang ANCOP ay mayroong ipinapatupad na programa, tulad ng education program sa ilalim ng Child Sponsorship Program o CSP kung saan sila ay naghahanap ng mga sponsors na maaring makapag-ambag ng tulong pinansiyal sa mga batang hindi kayang tustusang pag-aralin ng kanilang mga magulang dahil sa kahirapan sa buhay. Bukod dito, ang community development program ay isa sa mga pangunahing proyekto ng naturang foundation. Ito ay ang pabahay para sa mga mahihirap, maging ang pagbibigay ng livelihood o pang kabuhayan para sa mga pamilya na nasa pinakamababang antas ng pamumuhay.

Palaro, salu-salo at kasiyahan ang nangibabaw sa nasabing pagtitipon, hanggang sa dumating si Rev. Fr. Emil Santos na galing pa sa isang misa sa Basilica di San Lorenazo.

Binasbasan niya ang mga naroroon  maging ang mga batang nabiyayaan ng mga scholarship program ng CFC-ANCOP hindi lamang dito sa Milan, kundi sa iba’t ibang bahagi ng mundo kung saan matatagpuan ang nasabing grupo at foundation.

Inaasahan ng buong grupo maging ang ANCOP foundation ang walang patid na tulong mula sa mga mamamayan sa buong mundo upang tulungan ang mga kapatid natin malagpasan ang kahirapan sa buhay.

 

Chet de Castro Valencia
larawan ni Jesca Bautista

"Tagumpay sa Pagbabagong Nasimulan, Abot-Kamay na ng Bayan”

Roma, Hunyo 16, 2014 – Ito ang tema para sa ika-117th Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na ginunita ng bawat Pilipino sa bawat sulok ng mundo nitong Hunyo.

At bilang paggunita sa mga dakilang Pilipinong nagbuwis ng kanilang buhay upang makamit ang ating kalayaan ay binuksan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Roma sa pamamagitan ng pag-aalay ng korona sa monumento ni Dr. Jose Rizal sa Piazza Manila sa pangunguna ni H.E. Ambassador to Italy Domingo Noalsco at H.E. Ambassador to the Holy See Mercedes Tuazon, mga miyembro ng Knights of Rizal at ilang mga panauhin.

Sa kabila ng pabagu-bagong panahon ay hindi inalintana ng halos limang libong mga Pilipino at mga panauhin ang makiisa sa makulay at masayang pagdiriwang sa Piazza Ankara kung saan walong taon nang ginaganap ang naturang selebrasyon.

 

Sa pangunguna ng Filipino Catholic Community in Milan o FCCM ay muling ipinagdiwang, sa ika-siyam na taon, ang Flores de Mayo at Sta. Cruzan.

 

 


Milan, Hunyo 9, 2015 - Muling ginunita sa ika-9 taon ang pagdiriwang ng Flores de Mayo at Sta Cruzan sa Milan, Italy na inorganisa ng Filipino Catholic Community in Milan o FCCM sa pamamagitan ng overall coordinator na si Efren Montillana sampu ng mga bumubuo ng FCCM.

Ang tema, “Maria, tulong ng mga pamilyang nagkakahiwalay dahil sa pangingibang bansa”. Ayon kay Montillana, ang imahe na “Mary help of Christians” ay binase sa kasalukuyan tema. “Yearly kumukuha kami ng iba’t ibang image ni Sta Maria at iniisip namin kung pa¬ano ibabatay ito para sa Flores de Mayo at Sta Cruzan”, dagdag pa nito.

Ang prosesyon ay nagmula sa Chiesa di Santa Maria della Passione sa Via Conservatorio hanggang sa Basilica di Santo Stefano Maggiore. Mahigit 30 hanggang 40 minutong ang paglalakad ng mahigit dalawampung Sagala, dalawamput limang reyna at maging ang mga deboto ni Santa Maria, habang nagdadasal ng rosaryo ang mga ito sa kanilang pagbaybay sa mga pangunahing kalye ng Milan patungo sa Basilica.

Sa pagtitipon-tipon ng mga filipino religious sectors sa Milan upang gunitain ang nasabing okasyon ay damang-dama ni Consul General Marichu Mauro ng PCG Milan ang pagkakaisa ng filipino community kung kayat pinasalamatan ni ConGen ang kintawan ng FCCM at ang buong komunidad.

More Articles...