Komunidad - Ako Ay Filipino

Panahon, nakisama…

Matapos makaranas ng halos isang linggong pag-uulan,.. gumanda ang panahon noong Sabado sa huling araw ng tatlong araw na selebrasyon ng carnevale ambrosiano, ang carnevale sa Milano.

Ikinatuwa ng mga Milanesi at mga migrante ang pakikisama ng panahon upang ma-enjoy ang carnevale ambrosiano.  Nakisaya at nakigulo din ang mga Pinoy sa festive season na isineselebra  bago magsimula ang kuaresma .

Ayon sa ilang Pinoy, ipinagdasal nila ang pagkakaroon ng magandang panahon upang maipagdiwang ang carnevale.  Ang ilan naman ay lumiban na sa kanilang mga trabaho upang madala ang kanilang mga anak sa Piazza Duomo upang ma enjoy ang carnevale.

Dumagsa sa Piazza Duomo ang napakaraming pamilya kasama ang kanilang mga anak na nakasuot ng ibat ibang kasuutan o kaya naman ay nakamaskara.

Pabonggahan din ang mga batang Pinoy sa kani-kanilang costume.

Bagamat sa ibang lugar, ang carnevale ay isineselebra sa mga araw bago sumapit ang  Ash Wednesday,  kadalasan ay nagtatapos sa araw ng Martes kung kailan isineselebra ang Mardi gras (Fat Tuesday), ang pagdiriwang ng carnevale sa Milan o ang carnevale ambrosiano ay nagtatapos sa araw ng Sabado  (Samedi gras o fat Saturday)  matapos ang ash Wednesday. Gayunman, kadalasan ang carnevale ay nagsisimula sa unang araw ng Linggo bago sumapit ang ash Wednesday.

Ayon sa mga pag aaral, ang carnevale ay nagmula sa Italian word ’carne levare’ na ang ibig sabihin  ay alisin ang karne dahil ipinagbabawal ito tuwing kuaresma sa mga katoliko.

Ayon naman sa Late Latin expression  , ang ­’carne vale’ ay farewell to meat nangangahulugang ito na ang mga huling araw na maaaring  kumain ng karne bago sumapit ang fasting season.  (Zita Baron)

Kabilang sa pangunahing layunin ng Filipino Women Migrants Association of Northern Italy (FILWOMAN) ang matulungan ang mga kababaihan dito sa Hilagang Italya partikular sa aspeto ng kalusugan.

Kaya naman, inilunsad ng FILWOMAN ang proyekto na nagbigay pagkakataon sa mga kababaihan na maipa konsulta ang kanilang kalusugan lalong lalo na ang reproductive system. Ang proyekto ay tinawag na “Preventive Medicine” the secret to successful, healthy living!

Isang Italian obstetrician/gynecologist ang sumusuporta sa grupo para maipatupad ang mga welfare projects nito. Mahigit sa dalawampung kababaihan ang nagtungo sa Centro Medico Sant’Agostino, isang pribadong klinika, upang sumailalim sa PAP TEST.

Ipinaliwanag ni Dott’sa Letizia Parolari, OB/GYNE, ang  kahalagahan ng pagpapakonsulta lalong-lalo na ng reproductive system upang maiwasan ang pagkakaroon ng cervical cancer. Marami umano sa mga kababaihan hindi lamang sa mga Pilipino, ang naisasantabi ang kalusugan dahil sa kawalan ng panahon.

Ayon naman kay Angelina Rodriguez, ang Filipina midwife na tumutulong kay Parolari,  iba’t iba ang mga problemang nararanasan ng mga kababayang nanganganak dito sa Italya.  Kabilang dito ang panganganak sa napakamurang edad tulad ng  katorse, ang iba naman umano ay na de-desperado dahil ayaw panindigan ng ama ng bata ang anak, at  meron din umano’ng mga labis na nagkakaproblema dahil may kapansanan ang sanggol.

Pinuri naman ng mga kababaihan ang proyekto ng FILWOMAN.  Ayon sa kanila ang awareness na ibinahagi ng grupo kaugnay sa kalusugan ng mga kababaihan ay napakahalaga. Sinabi ni Elsie Gubat-Manlangit,  nakatulong  umano sa kanila ang PAP Test dahil hindi na umano nila ito naiisip na gawin kahit umuuwi sila sa Pilipinas. Ang alam lamang umano nila ay ang Pap Test ay isang cleaning process ngunit di  nila alam na malaki ang kinalaman nito upang mabatid kung may diperensya ang reproductive system ng isang babae.

Sinabi pa ni Parolari  na mahalaga ang paglulunsad ng mga seminar at mga pagtitipon lallong lalo na sa mga kabataan upang makapag bigay impormasyon ukol sa kalusugan.

Bilang pasasalamat sa walang-sawang paggabay ni Parolari sa mga kababaihan, isang crystal vase ang ipinagkaloob dito ng FILWOMAN. (Zita Baron)

Umaalma ang MIGRANTE-Milan,  Samahan ng mga Kababaihan sa Milano (SAMAKAMI), UMAKBAY, LAMPADA, at KAPIT-BISIG  sa  bagong patakaran ng PAG-IBIG Fund sa ilalim ng Republic Act 9679 kung saan magiging mandatory ang membership ng OFW sa ahensya.

Isa na naman umano’ng panibagong pasanin ng mga migranteng Pinoy ang mandatory membership na katulad ng bayarin sa OWWA kung saan obligado magbayad nito.

Binigyang diin ng mga migrante na isang malaking kasinungalingan ang sinasabi ng gobyerno na makakatulong sa mga OFW ang mandatory membership sa PAG-IBIG Fund. Lalo lamang umanong  madadagdagan ang mabigat nang pasanin ng mga migranteng Pinoy.  Binira din nila ang umano’y walang-patid  na paglikha ng mga batas ng rehimeng Arroyo ukol sa mga bayarin na ipinapapasan sa mamamayan at manggagawang migrante.

Inisa-isa ng grupo ang taunang pasanin na ibinabato sa sambayan partikular sa mga OFW kabilang dito ang kontrobersyal na Memorandum Circular 04 o MC04 noong 2008 kung saan kinakailangan magharap ng  US$8,000 bond ang mga  foreign employer na handang magdirect hire ng mga  manggagawang  Pilipino. Gayunman,  ito ay sinuspinde dahil na rin sa mariing pagtutol ng mga migrante sa Italya at iba pang panig ng mundo.

Noong 2009 naman ay itinaas sa  50,00 euro ang dating 40,00 euro na bayarin sa passport.  Ang 40,00 euro na passport fee ay itinakda dahil na rin sa pagpupursige ng mga migranteng Pinoy dito sa Italya na tutulan ang 65,00 euro na passport fee.

At ngayong 2010, mariing binabatikos ng mga migranteng Pinoy ang mandatory membership sa PAG-IBIG Fund na umano’y  isang malinaw na panibagong panggagatas noong panahon ni dating Pangulong Arroyo.  

Hindi rin nakakalimutan ng mga migrante ang bilyong pondo ng OWWA,  bilyong piso na pera ng manggagawang migrante na hanggang ngayon ay nawawala. (Zita Baron)

Isa sa malaking bilang ng mga kasapi ng community ang nagdiwang ng Flores de Mayo kasabay ang panunumpa ng mga bagong halal na namumuno ng mga bagong halal na namumuno sa Filipino Community sa Napoliu at Campania

Ang Flores de Mayo ay piyestang bayan sa Napoli at ito ay taunang ginagawa ng mga Pilipino bilang debosyon sa Mahal na Ina na dala-dala kahit saan, ang pahayag ni Mons. Jerry Bitoon, spiritual director ng mga Pinoy sa Napoli.

“Masaya po kami ngayong araw na ito sapagkat nagkasamasama na naman po kaming mga Pilipino dito sa Napoli upang i celebrate po ang flores de Mayo na kagaya ng ginagawa natin sa pilipinas”, ang sabi naman ni Jing Pereyra, ang Coordinator Bicol Region.

Kasunod ng programa ay ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng samahan. Ito ay pinangunahan ni Miss Nancy Pantoja - Signing Officer and Attache of the Philippine Embassy sa Roma.

“Ako po ay nagagalak at ako po ay nandito kasama ng aking mga kababayan lalong lalo na ang mga taga-Batangas. Napakaaktibo ng inyong organisasyon at sana kayo’y maging matagumpay, sana po ay magkaisa kayong lagi lalo’t higit ang bagong sets of officers, I’m sure po na nasa likod nyo po ang embahada lalong lalo na po ako, marami pong salamat”, masayang pahayag ni Miss N. Pantoja.

Para sa mga bagong namumuno, sana naman daw ay magkabuklod kayo sa sa pagtataguyod ng pamayanang Pinoy dito sa Italya. (Diego “Odgie” Evangelista)

Inaasahan ang mas matibay na kooperasyon sa pagitan ng Konsulado at Filipino communities sa Hilagang Italya matapos dumalo ang napakaraming Filcom leaders sa kauna-unahang pagtitipon na ipinatawag ng Konsulado para sa mahahalagang anunsyo.

Inihayag sa pagpupulong ang mahahalagang anunsyo kabilang ang paglulunsad ng website ng konsulado ng Milan, ang tungkol sa huling araw ng pag-iisyu ng berdeng pasaporto sa Marso a-trenta y uno,  mga requirements para sa pagkuha ng foreign service exam,  at ang mga holidays ng konsulado sa darating na semana santa.

Gayundin, inanunsyo din ang  araw na  muling pasisimulan ang review sessions para sa mga nurse na nais na kumuha ng Italian board examination. Kaugnay nito,  inihayag din ng konsulado na maganda ang resulta ng sa unang batch ng kumuha ng eksamen upang ganap na maging rehistradong nurse sa Italya.  Sa lima umanong kumuha, tatlo ang nakapas. 

Dahil dito,pinuri ng konsulado ang inisyatiba ng The Philippine Nurses  Association of Milan o TPNAM, ang  kauna-unahang  organisasyon ng mga nurses sa Milan.  Ito ay pinangungunahan ni  Dott.sa Marilu de la Fuente bilang adviser ng grupo at Tess Benavente bilang pangulo.

Inanunsyo din ang petsa ng pormal na pagsisimula ng overseas absentee voting sa April 10 at tatagal hanggang  May 10. Hinikayat ni  Consul General Antonio Morales ang mga qualified voters na bomoto at huwag palampasin ang mahahalagang araw na ito. Sinabi ni Morales na dapat gamitin ng OFWs ang pagkakataon  ito upang makapili ng magiging lider ng bansa.

Kabilang din sa highlight ng  pagpupulong ang pagpapakilala sa Filcom leaders ng bagong talagang labor attaché na  si Annabella  Marie Oliveros.

Nagpasalamat naman si Oliveros sa umanoý mainit na pagtanggap sa kanya ng mga kababayan sa Milan. Tiniyak din nito ang pagiging bukas at pagkakaroon ng transparency sa Philippine Overseas Labor Office o POLO. (Zita Baron)

Kilala ang El Shaddai DWXI Prayer Partners Fellowship International bilang isang Catholic Charismatic Movement na tinitingala at dinudumog ng maraming Katoliko.  Sa Pilipinas, milyon milyong mga Pilipinong Katoliko ang walang sawa tag sa pagdalo sa mga prayer rallies na ginagawa ng El Shaddai. Dito man sa Roma at sa ibang panig ng Europa pinatunayan ng lakas nito sa dami ng mga Pilipinong nakiiisa sa samahan. 

Ngayong taong 2010, ipinagdiwang ang ika 18 taong Anibersaryo ng pagkakatatag ng El Shaddai DWXI PPFI  Rome Chapter.  Isang engrandeng pagdiriwang   na ginanap noong ika 13 ng Hunyo sa Teatro Golden, Via Taranto sa Rome, Italy. Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng mga delegado buhat sa ibat ibang Chapters sa buong Europa at sa ibat ibang panig ng Italya.   Ang Rome Chapter ang kinikilalang Mother Chapter ng El Shaddai sa Europa.

Ayon sa aming pakikipagpanayam kay Sis Ading Diaz, na siyang kinikilalang nanguna sa pagbuo ng samahan, ang pagkakatag ng Rome Chapter  ay maituturing na himala, katulad din  kung papaano naitatag ni  Bro. Mike Velarde ng El Shaddai sa Pilipinas na puspos ng pagpapala. Nagsimula sa kakaunti, hanggang sa parang agos ng tubig na dumadaloy ang taong dumadalo.  Ang pagpapatuloy nito sa loob ng maraming taon sa kabila ng maraming pagsubok ay isang patunay na patuloy na paggabay  ni Yahweh upang itoy manatiling buo at matatag.    

Sa aming pakikipagpanayam sa mga nakikiisa, bawat isa sa kanila ay may ibat-ibang istorya ng pagpapatunay kung papaano sila nabiyayaan sa pamamagitan ng pakikiisa sa gawain. Kung papaano sila nagtatamasa ng mga pagpapala buhat kay El Shaddai. 
Bawat isa sa kanila ay may mga istorya ng himala.  Hindi ka na magtataka kung bakit sa Pilipinas milyong milyong tao ang dumadalo at buong tatag sa init,  ulan, araw man o gabi at hindi umiinda ng  pagod at hirap sa pakikiisa sa mga gawain.   Ayon pa rin kay Sis. Ading noong sila’y nagsisimula pa lamang,  parang bukal na dumadating ang mga  tulong pinansiyal at mga volunteers upang maidaos ang bawat gawain.

Sa kasalukuyan, Ang Rome Chapter ay pinamumunuan ni Sis. Ana Villena bilang Chapter Coordinator katulong ang bumubuo ng council at ibat ibang ministries. Ang samahan ay bukas sa lahat ng nagnanais na makiisa at wala itong pinipili.  
Katulad sa isang tao, ang ika 18 taon ng pagsilang ay siyang tinatawag na “maturity age”, ang edad kung kailan  hinog na at kaya ng tumayo sa sariling mga paa.  Sa pagdiriwang ng ika 18 taon ng pagkakatatag ng El Shaddai Rome Chapter, marami ang nagalak at kitang kita ito sa damdamin ng bawat isa na dumalo sa selebrasyon.    
Bawat isa ay punong puno ng pagpapala at pag-asa sa patuloy nitong paglago sa mga susunod na taon.  Ipinapaabot ng bumubuo ng council ang kanilang pasasalamat, una kay Yahweh, pangalawa sa lahat ng taong sumuporta at nakiisa sa pagdiriwang. 

 

Sa pamumuno ng spiritual adviser na si Fr. Emil Santos, nagsisimula’ng  bumuo ng isang samahan ang  mga Capampangan.

Naging tagumpay ang  kauna-unahang pagtitipon ng mga Capampangan noong nakaraang  Mayo a-29 .  Layunin ng pagtitipon ang magka-kilanlan  ang mga taga Pampanga  at  upang makapag buo ng isang grupo na pormal na kakatawan sa mga taga lalawigan dito sa Milan.

Bukod pa sa planong pagbuo ng grupo,  ang   pagtitipon  ay bilang pagdiriwang din ng kapistahan ng  Birhen ng Santissima Trinidad na siyang patron ng San Fernando, Pampanga.

Isang Banal na Misa ang ginanap sa dialeto’ng  Capampangan  bago ang masayang hapunan.

Matapos ang hapunan,  nagkaroon ng  maikling talakayan ukol sa mga magiging layunin ng bubuuhing samahan ng mga taga- Pampanga.      

Kabilang sa mga aktibong nagsusulong ng pagkakaroon ng isang samahan sina Darwin Timbol, Baby Carbonel, Dennis Viray, Armando Isais, Lito Trinidad, Lina Sibug, at  iba pa. (zbaron)     

 

 

 

More Articles...