Libangan - Ako Ay Filipino

17
Tue, Jan

Sapat ba ang mga pag-aaral o research upang malampasan ang tinatawag na social costs of migration? Ito ang hamon sa ating lahat ngayon bilang anak o magulang o indibidwal, bilang miyembro ng asosasyon o community, bilang isang Pilipino at higit sa lahat bilang bahagi ng iisang komunidad dito sa Roma.  

Roma, Mayo 28, 2015 - Mapait ang sinapit ng ating kababayang si Corazon Abordo. Masakit ang kanyang naging paglisan. Nagluluksa ang mga naulila. Nagluluksa ang buong komunidad.

Mabilis na kumalat ang balita ukol sa aksidente kahapon ng gabi, ngunit kaninang umaga lamang tunay na nalaman ang bawat detalye ng bawat segundong lumipas kahapon bandang alas 8 ng gabi: na si Corie ang nahagip at kinaladkad ng humaharurot na kotse at pagkatapos ay walang awang sinagasaan ang marahil wala nang buhay nyang katawan, dahilan upang literal na 'masira' ang kanyang buong katawan mula ulo hanggang talampakan.. Bukod sa kanya, isa pang biktima ang kinaladkad ng kotseng ito at nakahawak sa bubungan ng kotse ang malala ang kalagayan. Dalawa pang Pilipina (Lourdes Cudiamat at Thelma Eguia) ang malubhang sugatan at anim na iba pa.

Lungkot, awa, galit, poot, takot at marahil ay paghihiganti ang nararamdaman ng marami, Pilipino man o hindi. Sa katunayan, ang magkakahalong damdaming ito ang naging dahilan ng dalawang mahahalagang pagtitipong naganap sa Roma ngayong hapon: una ay isang prayer vigil bandang alas 7:30 ng gabi sa parocchia di Gesù Divino Maestro na pinangunahan ng local government at ikalawa ay ang ginanap sa Via Battistini, kung saan mismo naganap ang insidente kahapon. Ito ay pinangunahan naman ng mga politiko ng Centre-right coalition, na dinaluhan ng mga religious, mga kamag-anak ng biktima, naulila ng biktima at mga nagmamalasakit at nakikiramay.

Ngunit higit pa dito, KATARUNGAN ang sigaw ng lahat! Ang hulihin at pagbayarin sa harap ng batas ang mga salarin, anuman ang kulay ng kanilang balat, anuman ang kanilang nasyunalidad. Dahil ang kanilang tinanggal ay buhay ng  isang 44 anyos at kinabukasan ng isang pamilya at ng dalawang menor de edad nitong anak.

Kumakatok tayong lahat sa mga kinauukulan para gawin ang nararapat na aksyon ukol sa mga naganap. Bawat isa sa atin ay may responsabilidad bilang isang tao sa harap ng ganitong pangyayari. Ang magpikit mata sa panawagang ito ay isang hindi makataong damdamin. Kahit isang taimtim na panalangin para sa kalulwa ng ating pumanaw na kababayan ay malaki ang maitutulong para sa kanyang katahimikan, para sa hustisya. Ang ating pagkakaisa, ang ating pagtulong at magkakasamang boses sa pagsaliksik sa katarungan bilang isang komunidad ay tanda ng nabibigkis na pag-asa para sa iisang hangarin, HUSTISYA!

Inaanyayahan ang lahat bukas alas 6 ng gabi sa Piazza del Campidoglio upang minsan pa ay patunayan ang pagkakaisa ng mga Pilipino. Sama-sama tayong kakatok para sa isang tamang batas na magbibigay katarungan sa mga biktima ng tinatawag na ‘pirati della strada’ na sa kasamaang palad, hanggang sa kasalukuyan, ay wala sa Italya.

Kabayan, inaasahan ko ang iyong pagdalo!

PGA

Bitbit ang isang backpack, baon sa puso ang hangaring makapaghanap-buhay sa ibang bansa upang mahango sa kahirapan ang pamilya. Naniwala sa pangako ng isang kababayan na siya’y mabibigyan ng trabaho bilang isang domestic helper sa Malaysia nguni’t pagdating doon ay nabigo. At dagliang pinatungo sa Indonesia upang doon magbaka-sakali at magaan ding nagtiwala na ang dalang maleta ay naglalaman lamang ng kanyang mga personal na gamit. Nguni’t lingid sa kanyang kaalaman, ang maletang ito na may laman palang 2.6 kilo ng heroin, ang siyang magpapahamak sa kanya at maghahatid sa kulungan at mahatulan ng kamatayan.  At doon na nga nagsimula ang kalbaryo ni Mary Jane Veloso.
     
Sino nga ba si Mary Jane Veloso? Isang anak, isang asawa, isang ina? Siya ba’y katulad mo at katulad din ng ibang naghahangad na makapangibang-bansa dahil natanim na sa isipan na ‘yun lamang ang paraan upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya. 

Ito ang panahon ng ating paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Panahon din ito ng pagdarasal, pagsasakripisyo at pagbabago. Panahon ng pagsisisi sa mga nagawang kasalanan, at panahon ng pagwawasto sa ating mga pagkakamali.

Walang memorandum of agreement sa pagitan ng Ministry of Interior at ng mga 'patronati', na sana’y magbibigay ng libreng serbisyo. Ang mga operators nito ay walang access sa bagong sistema online. Kanya-kanya o sa mga pribadong may bayad lamang ang pagsusumite ng mga aplikasyon. 

 

 


Rome, Mayo 18, 2015 – Aplikasyon ng italian citizenship online? Tunay nga bang mas simple at mas madali, dahil ang mga aplikasyon ay hindi maaaring isumite sa mga patronati.

Patuloy na magbibigay serbisyo ang mga ‘patronati’ sa pamamagitan ng mga impormasyon at payo sa mga dayuhang nais na maging ganap na italyano. Ngunit hindi magagabayan sa bawat hakbang nito: sa pagpi-fill up at pagsusumite ng e-form at ang subaybayan ang pag-proseso dito, dahil ang kawalan ng access sa bagong proseso ay nagtatanggal din ng pahintulot sa mga patronati upang mapasok ang mga aplikasyon.

Hindi tulad sa renewal ng mga permit to stay at family reunification, ay walang memorandum of agreement sa pagitan ng Ministry of Interior at mga patronati upang tanggapin ang mga aplikasyon ng citizenship.  Ito lamang ang magpapahintulot sa mga operators ng patronati upang magkaroon ng access sa bagong sistema, ang mag-fill up ng e-form para sa mga aplikante, ang ipadala ito at ang sundan ang buong proseso ng mga ito.

Isang araw na lang at ipagdiriwang na natin ang Bagong Taon. At tulad ng kinagawian ng marami, famous na naman ang ‘New Year’s Resolution’. Ano ba ang ibig sabihin nito? Ang New Year’s Resolution ayon sa Wikipedia is a secular tradition, most common in the Western Hemisphere but also found in the Eastern Hemisphere, in which a person makes a promise to do an act of self-improvement or something  beginning from New Year's Day.

Kailangan pa ba talagang hintayin ang pagsapit ng bagong taon para sa isang pangako ng magandang pagbabago?

SA kabila ng krisis sa kabuhayan at ng sinapit na trahedya ng ating mga kababayan, ang lindol sa Bohol at ang bagyo sa Samar at Leyte, ang Pasko’y sasapit at ipagdiriwang pa rin nating mga Pilipino at lahat ng mga Kristiyanong Katolikong Pilipino sa buong daigdig.

Iba’t ibang paraan ang pagdiriwang at paggunita sa pagsilang ng Dakilang Mananakop. Ang tuwa at kasiyahan ay ayon sa kalagayan sa buhay. Sa mga marangya, simple at mahirap na pagdiriwang.

Magsisimba ang bawat pamilya. Masagana ang mga hapag, puno ng mamahaling prutas at mga matamis ang mga hapag-kainan. Masayang pagsasaluhan ng pamilya sa Noche Buena.

Marami ring mga regalo at aguinaldo para sa mga mahal sa buhay at mga inaanak.

Sa kabila nito, marami tayong mga kababayang nangungulila sa mga mahal sa buhay, puno ng mga pagsubok at mga problema sa buhay. Maaaring hikahos, naghihirap at puno at alalahaning pinansyal ngunit sa anumang pagdaralita, ang mga Pilipino na makiki-isa pa rin sa pagdiriwang ng Pasko.

May nagsasabing ang Pasko’y isang panahon at pagkakataon na ang mga Pilipino ay nagpapahayag at nagpapakita ng kanilang Christian values tulad ng pagkakawanggawa, pagbibigayan o pagbabahagi ng mga biyaya sa kapwa laluna sa mga mahihirap, kapus-palad at mga biktima ng kalamidad.

Sa mga nawalan ng mahal sa buhay, ang Pasko’y maghahatid ng kahungkagan at pangungulila. Maaaring may ngiti sa labi ngunit sa puso at damdamin, naroon ang nakatagong pait at kalungkutan. Isang panahon ng pagsasaya ang Pasko subalit hindi mapipigil na pagluha sa mga nawalan ng mga mahal sa buhay.

Anuman ang mukha at kahulugan ng Pasko sa bawat isa, ang diwa nito na naghahatid ng Pag-ibig, Pag-asa at Kapayapaan ay hindi nagbabago. Laging nasa puso ng bawat taong marunong magmahal sa kapwa at may pananalig sa Dakilang Mananakop.

Maligayang Pasko po sa inyong lahat!

Pia Gonzalez

More Articles...

Page 1 of 4