Libangan - Ako Ay Filipino

17
Tue, Oct

Kahit na isang manggagawa lamang ang ma-regularize sa bawat dalawang irregular immigrants, ito ay maghahatid pa rin sa kaban ng banasang Italya ng 2.5 billion euros. Sa ganitong paraan, ang mga tinatawag na ‘nuovi cittadini’ ay magiging malaking bahagi upang ibalik ang sigla ng ekonomiya ng bansa.

Malinaw na ito ay isa ring usapin ng pera o salapi. Tiyak na nais rin namang proteksyonan ang mga kumpanya at pamilya sa mas mahigpit na kaparusahan sa sinumang magbibigay ng hanapubuhay sa mga irregulars, at itinuturing na ang pagkakaloob ng permit to stay sa kanilang mga manggagawa na hanggang sa kasalukuyan ay naging ‘invisible’, ngunit hindi maitatago na sa likod ng regularization na ito ay mayroong malinaw na intensyon at pangangailangan sa salaping maidudulot nito.

Simulan natin sa bawat isang libong euros bawat irregular immigrant mula sa mga employer, na sa karamihan ng mga kasong ito, tulad ng alam nating lahat, ay babayaran mismo ng manggagawa. Ito ay doble ng halagang hiningi sa nakaraang sanatoria ng mga colf at caregivers at bukod dito, ayon sa unang mga ‘pahayag’, ito ay hindi mapupunta sa mga buwis at kontribusyon dahil ang mga ito ay babayaran ng hiwalay ng mga employer.  

Theoretically, ang potensyal na makikinabang ay ang kalahating milyong mga iligal na dayuhan, ngunit hindi maaaring isipin na sa kasalukuyang krisis sa ekonomiya at ang mga paghihigpit na ipinapataw ng batas, hindi lahat ay maaaring makayanan ang pagre-regularize sa mga manggagawa. Kahit na lamang isa sa bawat dalawang irregular o 250,000 na mga aplikasyon, samakatwid ay isang umaatikabong € 250,000,000 euros pa rin ang ipapasok nito sa bansa.

Ito ay isang napakalaking halaga, ngunit ang halagang papasok sa bansa ay dipende sa dami ng mga manggagawang mare-regularized. Ayon sa isang pagtatantya ng CGIL, ang kalahating milyong bagong mga regulars na manggagawa ay katumbas ng limang bilyong euros sa isang taon ng mga buwis at mga kontribusyon ang pakikinabangan ng bansa. Kung i-aangkop natin ang isa na lamang sa bawat dalawang irregulars, isang hindi matatanggihang two biilion and a half euros ang maireregalo sa bansang Italya ng mga imigrante. Masama pa ba ang idudulot ng halagang ito?

Tulad nga ng kahilingan ni Gianluca Luciano ng Stranieri in Italia ng matagal na panahon na: “Gawin ang sanatoria at sa ganitong paraan ang mga new citizens ng bansa ay maaaring maging bahagi upang ibalik ang sigla sa nanghihinang ekonomiya ng bansa”.

 

Ang ‘Salot sa Lipunan’ ay isang kathang-isip na kwentong buhat sa masugid na tagasubaybay ng ating pahayagan online www.akoaypilipino.eu. Isang napapanahong ‘kwentong ofw’ dahil sa kabi-kabilang pag-aaresto sa ating mga kababayang nalululong sa ipinagbabawal na gamot, lalong higit kilala bilang ‘shaboo’. Gayun din para sa ating mga kababayang ‘nagtutulak’ nito sa mga menor de edad na mahina at madaling nadadala sa magagandag mga pananalita.

Ang bagong batas ay puwersahang pagbabayarin ang mga dayuhan, ngunit bakit hindi respetuhin ang mga patakaran na nagsasabing ang mga permit to stay ay dapat na handa na, sa loob lamang ng dalawampung araw? Samantala, ang prinsipyo ng "no taxation without representation" para sa 5 milyong taxpayers, maaari ba?

Rome - Ang bagong buwis sa mga ‘permit to stay’ ay isang handog na naantala ng dating ministro Maroni at ni Tremonti sa mga migrante. Ngunit hindi magiging kapani-paniwala na ito ay tatanggihan ni Tremonti na abalang-abala habang sinusubukang pagtagpi-tagpiin ang public fund ng bansa.

Pasko na naman! Ilang araw na lamang at sasapit na ang taong 2012. Miss na miss na natin ang pamilyang naiwan sa saan mang sulok ng bansa natin. Marami sa atin ay hindi natutuwa kung paano iseselebreyt ang Pasko sa Italya subalit napasasaya pa rin natin ang Araw ng Pasko sa pamamagitan ng komunidad na ating pinaglilingkuran na kung saan ay ginagawa natin ang Christmas Party, palitan ng regalo at hindi siyempre mawawala ang simbang gabi sa Sentro Pilipino, yun nga lang walang puto bumbong!

Kung ako ang tatanungin, ang mga nakaraang buwan para sa mga Pilipino sa Italya ay hindi paghahanda sa araw ng pagsilang ni Jesus, samantala, mararamdaman ito sa araw ng mga Linggo kung saan ay nagdiriwang ng misa at patuloy na ipinapahayag ng mga kaparian ang napakalahagang araw ng Pasko at paghahanda sa araw ng pagdating Niya.   

Marami ang naghahanda sa pagdating ng taunang “Decreto Flussi” o “Direct Hire”. Araw-araw, may tumatawag po sa akin o lumalapit sa ASLI upang magtanong kung may Direct Hire. Umaasa ang mga Pinoy na makapagparating ng kanilang kapamilya sa pamamagitan nito, subalit ayon kay Forlani: “Hindi kailangan ang magkaroon ng Direct hire ngayong taong ito”, balitang mababasa sa website na www.akoaypilipino.it, masyadong marami ang nawalan ng trabaho at hindi na kailangan pa na magpapasok mula sa ibang bansa ng mga manggagawa, ayon pa kay Natale Forlani, Director of Immigration ng Ministry of Labour.   

Maaaring ikalungkot ito ng mga Pinoy at malas naman ng mga mapagsamantalang ahensya na nagpapabayad sapagkat sa Paskong ito, walang euro na papasok sa kanilang bulsa! Kaya, mga kabayan, ingat pos a mga kapwa kababayan natin na nangongolekta na ng mga dokumento para sa direct hire. Maghintay na lamang po tayo ng tamang impormasyon, lumapit po kayo sa mga Labor Union o sa mga valid association na nagbibigay ng tamang impormasyon.  

Maging maingat sana tayo at makialam sa pagsusulong ng mga gawaing may kinalaman sa ating karapatan tulad ng proyektong isinagawa kamakailan lamang sa Comune di Roma. Isang mahalagang pulong ang isinagawa sa pangunguna ni Konsehal Romulo Salvador upang talakayin ang ILO Convention on Domestic Workers. Tumulong sana tayo sa mabilis na pagratify nito upang makinabang ang mga kasambahay sa buong mundo at tayong mga Pilipino ay kasama sa pagsusulong nito.

Maligayang Pasko po sa inyong lahat at nawa’y maging masagana ang taong 2012. (ni Liza Bueno Magsino)

Ipinatigil ang direct hire, ngunit nanatili ang suliranin sa regularization, at nais ring baguhin ang bagong entries para sa trabaho. Kung isasangtabi ang mga ideologies, maaaring baguhin ang batas sa pagkamamamayan, at pag-aralang mabuti ang pagpapatupad ng ‘integration agreement’.

alt

Rome – Ang mga partido ay naging pipi sa panahon ng gobyerno Berlusconi, ang pansamantalang pamahalaan ngayon ay tila hawak ang tema ng imigrasyon.

Ang desisyon upang pahabain hanggang isang taon ang validity ng mga permit to stay para sa paghahanap ng trabaho, pati na rin ang baguhin ang buwis para sa renewal ng mga permit to stay, upang gawin itong mas makatarungan ay ang direksyon nito. Ngunit ang walang dudang pagsubok ay ang direct hire para sa taong 2012. Ang direksyon ng "teknikal na pamahalaan" na hindi ituloy ang direct hire tulad ng paghahanda noong nakaraang taon, na itinanggi ng ‘pamahalaan’ sa pagkakataong ito ay nakakataas ng presyon.

Ang krisis sa ekonomiya ay isang dahilan upang panindigan na hindi kinakailangan ng mga bagong banyagang manggagawa, batay sa sistemang sinubaybayan ang mga kahilingan sa trabaho ng mga kumpanya at mga pamilya na nag-iiwan ng maraming pagdududa. Isang pagkukunwari dahil ang direct hire ay palaging itinuturing na isang hindi angkop ngunit epektibong paraan upang gawing regular ang daan-daang libong mga imigrante manggagawa sa Italya na walang permit to stay.

Ang ambisyon ng technical board ng Welfare at Interior Ministries, gayunpaman, ay bigyang katapusan ang kasaysayan ng direct hire. Tapusin ang ipagkatiwala sa kapalaran ang milyon-milyong buhay (mula 1998 hanggang sa kasalukuyan ay 2 milyon ang mga pumasok ng bansa) sa " isang araw kung saan ang mga imigrante madaling araw pa lamang sa harap ng computer upang makipagsapalarang ipasok ang aplikasyon”.

Isang karagdagan bilang pagtatapos… Ang hintaying malaman kung ano ang pamamaraan na isasaalang-alang sa muling pagpapapasok sa Italya ng mga manggagawa na hinihingi ng labor market: maraming mga halimbawa, maaaring naging matagumpay sa Europa at maging sa Amerika na dapat gawing halimbawa. Gayunpaman, anu man ang maging resulta, ang subukan ang isang bagong bagay ay mahalaga sa isang mundong palaging patas sa sarili at ito ay kapansin-pansin kapag ang "pulitika" ay sumasangguni sa kanyang mga kawani.

Ang nananatiling problema ng "pulitika" ay ang 500,000 iligal na imigrante na mayroon ang Italya, na sa sandaling ito ay malamang na hindi na makapaghintay ng panahon para sa paglulunsad ng bagong sistema. Ang sanatoria ay maaaring solusyon, ngunit kung paaano ang mga ganitong panukala ay nagbubunga rin ng mga iligal na imigrante na higit pa o katumbas ng mga dapat bagong pasok ng bansa ay tila hanggang ngayon ay namamayani. Ang kalalabasan, gayunpaman, ay hindi maaaring asahan, dahil ang sanatoria para sa ‘humanitarian reason’ ay hindi dapat isangtabi sa bansang tulad ng Italya.

Samantala, salubungin natin ng may tuwa ang pagtatangka na "teknikal na pamahalaan" para sa migrasyion, na hanggang sa ngayon ay hinawakan ang sariling kapakanan. Ito ay maaaring makatulong upang mapagaan ang isyu, sa pagbubukas ng mga daan sa makasaysayang reporma ng pagkamamamayan ng mga menor de edad at para sa kanilang mga magulang. Maaari ring magbukas ng mga daan para sa maraming iba pang "teknikal" na kwestyon, halimbawa ang pagpapatupad ng ‘integration agreement’.

 

 

 

 

 

altAng pagdating ng bagong taon ay taunang sinasalubong sa Pilipinas. Ang pananaw sa isang panibagong simula at sariwang umpisa ng isa pang taon. Kahit na ang karamihan sa bansa ay mga mahihirap, ang mga Pinoy ay ipinagdiriwang pa rin ang bagong taon kahit sa isang simpleng paraan. Bukod sa araw ng Pasko, ang Araw ng bagong taon ay itinuturing na isa sa pinaka tanyag na pista opisyal sa Pilipinas.

Gayun din ang bawat ofw saan mang sulok ng mundo. Ang pagtitipon tipon ay hindi mawawala bilang pagsalubong sa bagong panimula ng taon na puno ng pag-asa, malakas na pangangatawan, matatag na hanapbuhay at mas maayos na pamumuhay bilang krsitiyano.

altSampung taon na ang lumipas, muling tumanggap ang mga mamamayan sa Italya ng sobre na naglalaman ng questionnaire. Talatanungan na dapat sagutin ng wasto at walang kasinungalingan dahil kung hindi, malamang na magmulta hanggang 2000 euro. 

More Articles...

Page 3 of 4