‘D’ ni Pacquiao, sa Biyernes na!!! - Ako Ay Filipino

Libangan

Ibabagsak ni Manny Pacquiao ang kanyang malaking ‘D’ o desisyon sa Biyernes.

Nakipagkita ang Pambansang Kamao sa kanyang promoter na si Bob Arum ng Top Rank at business manager na si Michael Koncz kamakalawa sa isang “full, explanatory meeting” bago desisyunan kung sino ang susunod na makakabangasan sa isang taon.

Pero sa halip na sa April 16, sa May 7 na magaganap ang susunod na laban ng boxing superstar dahil sa mga trabaho nito sa Kongreso. Sa MGM Grand Arena sa Las Vegas pa rin ang sagupaan.

Hawak ang kanyang record na eighth weight-class title -- ang world junior-middleweight belt -- nasa listahan ni Pacquiao sina Shane Mosley, Juan Manuel Marquez at Andre Berto.

Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na gusto nina Arum at Koncz na si Mosley ang isusunod, lalo’t hindi pa puwede si Floyd Mayweather Jr.