Pacquiao-Mosley fight – PINAL NA! - Ako Ay Filipino

Libangan

Dahil mukhang hindi na talaga interesado si Floyd Mayweather Jr., ibinaling na ni pound-for-pound king Manny Pacquiao ang tingin kay Shane Mosley. Pinal na umano, ang desisyon ni Pacquiao.
Ayon kay Arum, matapos ang final meeting nito kay Mosley at  adviser na si James Prince sa Las Vegas, magtatagpo ang dalawa sa welterweight limit na 147 pounds.

Ayon sa Top Rank matchmaker  na si Bruce Trample  - “it’s a very difficult fight”. “I believe it will be an exciting fight. Shane knows how to fight and how to deal with the speed. Manny is in for a hellacious fight. I really believe styles make fights,” dagdag nito.

Hellacious – extraordinary, mahirap o kakaiba ang magiging laban ang masasaksihan ng buong mundo!

“I know that they think I’m an old man and that Manny is going to beat me. Let them think that,” ani Mosley, dating lightweight, welterweight at junior middleweight champion. “I still have power and speed.”

Ilang linggo ring inasikaso at inapura ni Arum ang negosasyon. Maraming hard-core fight fans ang nagsasabing lagpas na sa kanyang dating tikas ang 39-anyos na si Mosley (46-6-1, 39 KOs) na 0-1-1 sa huling dalawang laban.