Libangan - Ako Ay Filipino

20
Wed, Sep

Saan mang sulok ng mundo, ang pagkaing Pinoy at tinatangi pa rin ng mga OFWs.

Ingredients:
 
• 1 can (390g) evaporated milk
• 1 can (390g) condensed milk
• 10 egg yolks
• 1 teaspoon of vanilla extract or lemon essence

To prepare the caramel:
• 1 cup sugar
• 3/4 cup water

Cooking Instructions:

In a saucepan, mix the sugar & water. Bring to a boil for a few minutes until the sugar caramelize. Pour the caramelized sugar into aluminum moulds - you can use any shape: oval, round or square. Spread the caramel on the bottom of the moulds. Mix well the evaporated milk, condensed milk, egg yolks and vanilla by hand or blender. Gently pour the mixture on top of the caramel on the aluminum moulds. Fill the moulds to about 1 to  1 1/4 inch thick. Cover moulds individually with aluminum foil. Steam for about 20 minutes (the traditional way to make Leche Flan is by open-air steaming on either an open cooking fire or stove top). Bake for about 45 minutes. Before baking the Leche Flan, place the moulds on a larger baking pan half filled with very hot water. Pre-heat oven to about 370 degrees before baking. Let cool then refrigerate. To serve: run a thin knife around the edges of the mould to loosen the Leche Flan. Place a platter on top of the mould and quickly turn upside down to position the golden brown caramel on top.

Cooking Tips: You can tell when the Leche Flan is cooked by inserting a knife -if it comes out clean, it is cooked. Preparation time: 30 minutes. Estimated cooking time: 1 hour

 

One of the favorite ulam of OFWs.

Ingredients:
• 25 pieces gabi (taro) leaves, dried and shredded
• 1/2 kilo pork, diced
• 1/4 cup shrimp bagoong
• 5 cloves garlic, minced
• 2 red onions, chopped
• 2 tablespoons ginger, minced
• 5 jalapeno pepper, sliced
• 1 cup coconut cream (katang gata)
• 2 cups coconut milk (gata)
• 1/2 teaspoon monosodium glutamate (MSG)
• 2 tablespoons of oil
• 1 teaspoon salt

Laing Cooking Instructions:

In a casserole, sauté garlic, ginger and onions then add the pork, mix in the gabi leaves.  Pour in the coconut milk (gata) and bring to a boil then simmer for 15 minutes. Add jalapeno, bagoong, salt and MSG and simmer for another 5 minutes. Add the coconut cream and continue to simmer until oil comes out of the cream. Serve hot with plain white rice.

Estimated cooking time: 30 minutes.

 


Para sa 6 na tao

Para sa paggawa ng sarsa:

3 kutsarang mantika,

6 na butil ng bawang, dinikdik,

1 pirasong tinapang galunggong, hinimay

3 tasang tubig o sabaw ng pinakuluan na baboy

Para sa pagluluto ng noodles

16 tasang tubig, para sa bihon,

2 kutsarang mantika, para sa pagluluto ng bihon,

1 paketeng bihon

Para sa paghahanda ng palabok

2 pirasong nilagang itlog, hiniwa,

9 na butil na bawang, dinikdik at tinusta,

1 guhit na hipon, nilaga, tinalupan at inalis ang itim na guhit sa likod at hiniwa sa dalawa,

15 tangkay ng dahon ng sibuyas, tinadtad,

1 balot ng chicharon, dinurog,

4 pirasong kalamansi, hiniwa sa gitna, patis, ayon sa panlasa

Pagluluto

1. Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang bawang at kalahati ng tinapa. Haluin at hayaang kumulo.
2. Hinaan ang apoy at hayaang maluto hanggang sa lumapot ang sarsa.
3. Sa isang malaking kaldero, pakuluin ang 16 na tasang tubig na may 2 kutsarang mantika, at ihulog ang bihon. Pakuluan ng 1 minuto o hanggang sa maluto ang bihon. Salain sa colander* at itapat sa gripo upang hindi lumabsak ang bihon. Patulin.
4. Ayusin ang bihon sa bilao at buhusan ng sarsang niluto. Lagyan ng mga palabok, nilagang itlog, tustadong bawang, pinakuluang hipon, tinadtad na dahon ng sibuyas, dinurog na chicharon at ang natirang hinimay na tinapa.
5. Ihain na may kasamang patis at kalamansi.

 

*Ang colander ay isang malukong na lalagyan na may mga butas.

Ito ay hango sa recipe book ni Mama Sita’s Lutong Bahay

 

Matapos ang Induction Ceremony ng Philippine-Italo Frienship Association of Tuscany o PIFAT ang bagong tatag na samahan sa Viareggio noong Nobembre 2009 agad silang kumilos at gumawa ng plano para makalipon ng pondo upang matustusan ang kanilang mga projects ng pagtulong sa mga nangangailangan kababayan. 

“Batlle of the Champion Singing Contest “ang kanilang unang naging aktibidad.  Ito ay paligsahan ng mga magagaling at champion sa kanya kayang siyudad sa larangan ng pag-awit.  Dinumog ng mga supporters at fans ang naturang palabas dahil sa punong-puno at standing room ang Jenco Teatro Darsena na may 500 sitting capacity na ginanap noong Enero 06, 2010 sa Viareggio. 

Ang 17 contestant na nagmula sa ibat-ibang lugar sa Italya ay sina Ce Sara Anne Saraza at Rachel Perucho – Roma, Jarwin Dasalla, Rodella Dasalla, Camille Anne Cabalteja – Monticatini, Mary Joyce Candelaria – Livorno, Angelito Lapinid – Pisa, Lailani Bajao, James Hernandez, Sheryl Gasic, Sentiche Remotin at Jonathan Guerero – Firenze, Joanne Webb – Venezia, Margarette Dominic Abiog – Milano, Bobby Ortega – Messina, Charisse Molina – Napoli at Cristine Joyce Tolentino – Bologna.  Maaaliw ka at talagang hahanga sa galing umawit ng mga contestant kaya naman nawala ang pagod kahit malayo ang mga pinanggalingan ng mga manonood. 

Magagaling man lahat ngunit isa lamang ang tatanghalin champion at ito ay nakamit ni Joanne Webb ng Venizia, pumangalawa si Margarette Domonic Abiog ng Milano at pumangatlo si Lailani Bajao ng Firenze.  Sina James Hernandez at Camille Anne Cabalteja ay nabigyan ng consolation prizes.  Ang mga mahuhusay na hurado ay sina Mel Briones, Rudy Sudara, Anne Jenco Caldarazzo, Remo Arena, Noccola Gianotti at Cinzia Borreli.  Ang donors ng mga plake ay sina Mr. and Mrs. Cris Jimenez at PIFAT Pres. Petronilo Jimenez. 

Nagbigay ng special prize ang Smart sa highest txt vote sa mga contestants na napanalunan ni Angelito Lapinid ng Pisa.  Cash prizes ang handog sa mga winners at t-shirts sa lahat ng participants sa palarong Hep Hep Hurray ng Smart.Nagbigay din ng consolation prizes sina Antonella Gatpo at Mila Rose Requeno ng PIFAT.  Dahil sa naging tagumpay ng okasyon pinangunahan ni PIFAT Pres. Petronilo Jimenez, mga opisyales at mga Miyembro ang pasasaslamat sa mga sponsors tulad nila Manager Elmer Bisquera ng Cityfront Firenze, Imelda Agustin sec. ng Communita Filipina-Livorno, Melchor Gumabao manager ng San Barnaba Basketball team, Caridad Larangan treasurer ng PIFAT, Auditors Emelia Abalos at Noemi Barberan ng PIFAT at sa Smart staff na sina Jojo, Alwin, Kathleen at Jopay. 

Nagpapasalamat din sa mga bisitang pandangal sa pamilya Jenco ng Viareggio, GPII MF Nazareth Larido-Pres. Ng GPII Country Italy at Founder Abelardo Corpuz ng Roma, Elite Founder Marlon Artates, Opiyales ng CCFT, kay Elite Guardians ng Pisa at Viareggio Pres. Ronald Galgani. “In Friendship There is Unity, In Unity There's A Strength” pahabol ni PIFAT Pres. Nilo Jimenez. (Argie Gabay)
 

 

Isang mabisang armas ang libangang pagkanta upang kalabanin ang kalungkutan habang naghahanap buhay abroad.

MUSIC LOVERS.  Ito ay isang likas na katangiang taglay ng mga Pilipino na dinadala nila saan mang dako ng mundo sila dalhin ng kanilang mga kapalaran.  Mismong kasaysayan na ang magpapatunay mula sa mahabang listahan ng mga OFWs na lumahok at nagwagi sa iba’t-ibang patimpalak na may kinalaman sa musika saan mang bansa sila kasalukuyang naninirahan.  At hindi exempted dito ang mga OFWs sa Italya.  Sa katunayan, halos bawat pamilyang Pilipino na nasa Italya ay tiyak na mayroong iniingatang instrumento na pwedeng gamitin sa pagkanta tulad ng “magic sing”.  Ang iba naman ay natuto na ring mag-upload ng kanilang mga paboritong awitin mula sa iba’t-ibang websites gamit ang internet.  Hindi makukumpleto ang mga espesyal na selebrasyon tulad ng mga kaarawan, binyag at kasal kung walang magkakantahan. 

Ano ang saysay ng isang pagdiriwang sa Italya kung hindi  lalahukan ang palatuntunan ng mga awitin?  Ano pa ang halaga ng mga pinakahihintay hintay na day-off kung walang kantahan sa bahay na tinutuluyan?  Paano mo gugugulin ang isang mahabang araw na pahinga kung walang madadayuhang kantahan? 

Kantahan...Sing-along...isa sa mga libangang pinagkakaabalahan ng mga OFWs sa Italya sa kanilang mga libreng oras.  “Para sa akin, ang pagkanta ay isang mabisang armas para malabanan ko ang kalungkutan habang nandito sa Italya.”  Ito ang nasambit ng ating kababayang si Eleonor Zabala na pitong taon ng hindi nakakauwi sa Pilipinas dahil sa naging problema niya sa regularisasyon ng kanyang “permesso di soggiorno”.  “Para na rin akong nasa sariling bahay sa Pilipinas kapag nagkakaroon ng mga ganitong mga sing-along!”  Nabanggit niya ito pagkatapos niyang ibirit ang “Listen”, kantang pinasikat ng kantanteng si Beyonce. 

Ayon  naman sa 60 year old na si Thelma Napa, “Ang aking buhay ay ang musika.  Kung walang musika para na ring walang buhay sa mundo.”  Si Aling Thelma ay madalas makikitang dala dala ang kanyang sariling “magic sing” at handa sa sinomang maghahamon sa kanya ng kantahan.  Sa edad na 60 hindi pa siya nawawalan ng pag-asa na matupad ang kanyang pinapangarap-ngarap na makapasok sa mundo ng showbizness bilang singer.  Makapag-entertain at makapag-bigay saya naman ang motibo ni Alfonso Salem, Jr. kaya madalas niyang paunlakan ang mga kababayan natin na siya ay kumanta kung saan may selebrasyon sa Terni. 

Walang hindi mapapa-indak kapag binanatan na niya ang kanyang mga paboritong “She Bangs,” “Touch By Touch,” “Black Is Black,” “Sway” at marami pang ibang disco songs.  Kaya hindi naman katakatakang matagurian siyang  Ricky Martin ng Terni.   Aniya, “Paminsan-minsan, kinakailangan nating makapag-entertain at ma-entertain.  Sa kaunting effort ko sa pagkanta, marami naman ang na-eentertain at na-eentertain na rin ako lalo na kapag nakikita kong nag-eenjoy naman sila kapag kumakanta ako.”

Bilang libangan nga naman, ang pagkanta ay maituturing na menos gastos at madaling gawin saan ka man naroroon.  Ito ay pwedeng gawin anong oras mo man maisipan basta’t hindi makakapagbigay perwisyo sa ibang tao.  Konting preparasyon lamang ang kinakailangan lalo na sa mgan panahong ito na nagsulputan ang mga makabagong instrumento katulad ng mga bagong labas na mga “magic sing”.  Marami rin ang naniniwala na malaki ang naitutulong ng regular na pagkanta upang lalo pang mahasa ang boses.  Kaya sa lahat ng mahilig kumanta......Buon divertimento! (Rogel Esguerra Cabigting – Roma)

Ang basketball ay isa sa mga kinagigiliwan larong pampalakasan ng mga Pilipino, kahit bata o matanda, kundi man naglalaro masaya nila itong pinanonood lalo na kung isa sa mga malalaro ay kamaganak. 

Kulang man tayo sa tangkad bumabawi naman sa bilis at galing sa pag shoot ng bola.  Kaya kilala ang mga manlalarong Pilipino sa Asia dahil sa mga naiuwing tagumpay at kampeonato sa larangan ng larong basketball. Hangarin ng pamunuan ng EFFG na maging aktibo, responsible at malayo sa mga ipinagbabawal na gamot ang mga kabataan dito sa Toscana. 

Kaya sa opening ng EFFG Fourth Season Basketball Tournament ay dumagsa ang mga teams (12) na lumahok.  Ang paliga ay ginanap noong Septembre 20, 2009 sa Palazzeto Dello Sport Paolo Valenti, via T. Alderoti, Firenze.  Ito ay pinangunahan ni EFFG President Alwin Teofanes Bacus kasama ang kanyang mga opisyales.  

Ang sampung teams na lumahok ay mula sa Viareggio ang Team Beach Boys at Team Versiliesi Red Dragon, Team Prato, Team Pistoia Braves, Team 40% Above ng Empoliat anim sa Firenze ang Team Steady Lang ng mga taga Alaminos, Team Seven Lakes, Team San Jacopino, Team Scaf (Poker Face) ng Scandicci, Team Swak at ang depending champion Team Bar San Francisco. 

Naging makulay ang opening sa pagparada ng mga teams sa kanilang naggagandahang uniform na lalong pinaganda ng kanilang mga seksing muse.  Tinaguriang Best Muse si Antonella Gatpo ng Team Beach Boys. 

Napunta ang Best Uniform sa Team San Jacopino ng Firenze.  Bago magsimula ang paliga nagkaroon ng pa contest sa Three points shot at 100% Free throw shot, dalawa ang representative ng kada team. 

Tinanghal na Mr. Three Points si Wendell Dasalla ng Team Beach Boys at nakamit ni Rodney Raimundo ng Team Bar San Francisco ang taguring Mr. 100% Free Throw. Anim na team ang naglaro sa unang araw, sa first game nagsagupa ang Team Scap at Team Bar San Francisco. 

Nanaig ang galing ng Bar San Fracisco sa score na 77-55.  Nagpakita ng gilas ang Team Bad Boys sa second game upang pataubin ang Team Steady Lang sa score na 72-49.  Maganda ang naging sagupaan sa third game na kahit gabi na buhay pa rin ang dugo ng mga players, ngunit nanaig ang husay ng Team San Jacopino kontra Team Swak sa score na 54-51. 

Nakakabingi ang sigawan at tilian ng mga manonood lalo na ang mga kabataan babae kapag naglalaro ang kanilang mga idolo.  Ngiti naman ang iyong makikita sa mga tidera ng pagkaing Pilipino dahil ubos ang kanilang masasarap na paninda. Noong Oktobre 11, 2009  nagkaroon ng One Day Battle of the Champion Invitational Basketball Tournament ang EEFG na ginanap sa Palestra Paolo Valenti. 

Ang mga nagtungali ay ang champion team mula sa Roma, Milano, Pisa at Firenze.  Napakaganda ang inilaro ng apat na team, ipinakita nila na sila’y  talagang mga champion sa larangan ng basketball, kaya kahit inabot ng gabi masisigla pa rin ang mga players.  Nasungkit ng Team Milano ang championship trophy sa score na 74-64.  Tinanghal na best in uniform ang team mula sa Roma at nakopo naman ni Jeffrey Reyes ng Team Milano ang pagiging Most Valuable Player.  Si Mr. Rudy Datinggaling ang nag sponsor sa palarong ito. (Argie Gabay) 

 

 

Noong Semana Santa na naman tiyak sikat na naman ang notorious character na si Hudas. Dahil ang tingin nating mga Pinoy siya ang tunay na salarin, ang tunay na nagpako kay Kristo.

Kaya nga ang tawag natin sa mga taong walang-puso ay hindi Pilato, Barabas, Caiaphas, Hudyo o Romano, kundi “Hudas Ka!”

 

Eleksyon na naman. At lalabas na naman ang ilang mga kandidatong manunuyo ng ating boto, mangangako sa entablado, magpapakabait sa media at maghahatid ng bagong pag-asa at pagmamahal sa ating bansa. Ngunit kapag nahalal na ay hahalik sa ating mga pisngi at tayo'y ipagkakanulo. Magtatraydor kapalit ng paghakot ng pilak ng bayan. Parang si Hudas. Kaya para sa atin, sila ang tunay na nagpapako kay Juan de la Cruz sa kahirapan.

 

Ngunit tama nga bang tawagin silang Hudas?

 

Para sa marami, oo. Sa totoo nga ay natanggap na natin itong katotohanan. Na parte na ng politika at gobyerno ang pagkakaraoon ng mga Hudas. Kaya't ang eleksyon ay walang saysay na para sa ilan. Pare-pareho lang naman sila. Mas mainam pang i-boycott na lang ang eleksyon o ipagbili na lang ang boto.

 

Ang iba naman ay wais. Tatanggapin ang ibinibigay ng kandidato ngunit iba ang iboboto. Naisahan ang mga Hudas. Tutal babawiin din naman nila iyon pag nasa poder na. At least, may dagdag pangbigas at ulam pa kaysa naman wala.

 

Subali't para sa akin, hindi tamang tawagin ang mga politikong Hudas. Insulto yan sa kanyang pagkatao:

  • Si Hudas ba ang tinitingalang lider ng Israel noon? Hindi.
  • Si Hudas ba ang humaharap at nagpapakabait sa harap ng publiko? Hindi.
  • Si Hudas ba ang may hawak ng mga kawal na humuli kay Kristo? Hindi.
  • Si Hudas ba ang nanuhol ng mga taong sisigaw ng “Ipako sa Krus”? Hindi.
  • Si Hudas ba ang nagbayad ng 30 pirasong pilak? Hindi.

 

Eh sino si Hudas?

  • Siya ba ay isang pangkaraniwan lamang na mamayang Hudyo? Oo.
  • Siya ba ay isa sa mga tahimik na sumusunod sa mga batas ni Moises at Cesar? Oo.
  • Siya ba ay ordinaryong manggagawa at manggagapas ni Kristo sa kanyang ubasan? Oo.
  • Siya ba ang umiintindi sa araw-araw na gastusing-pamilya ng munting buklod ni Kristo? Oo.
  • Siya ba ang nagbenta ng kanyang prinsipyo kapalit ng 30 pirasong pilak na suhol? Oo.

 

Samakatuwid, kayong mga nagbebenta ng boto, kayong mga tumatanggap ng illegal na kumisyon pag may mga projects, kayong mga fixers, kayong mga nagdadagdag nang labis na tubo sa negosyo, kayong mga nagpapautang nang 5-6, kayong mga nangunguwarta sa mga kababayan, kayong mga mukhang-pera gaano kailit man na halaga... “Hudas Ka!”

(Fr. Rex Fortes, CM)

More Articles...

Page 3 of 5