PNoy, ginagamit raw ni Ai ai sa publicity! - Ako Ay Filipino

Libangan

Patuloy ang intriga at mga katanungan kay Ai Ai ukol sa mga usaping ginagamit niya si PNoy sa promo at publicity ng ‘Akin Ang Tronong ‘to, ang kanyang November 19 birthday concert sa Araneta Coliseum.

Hindi nga namalayan ni Ai Ai ang hiwalayang  PNoy at ng girlfriend nitong si Shalani Soledad dahil sa dami ng kanyang mga ginagawa at hindi na rin siya updated sa mga nangyayari sa paligid, dagdag pa ng aktres.

Pero ang sagot ni Ai Ai sa tanong tungkol sa special qualities niya na wala ang ibang babae na puwedeng magustuhan sa kanya ng Pangulo ng Pilipinas.

 “Hindi ako broadcaster. Hindi ako konsehala. At hindi ako sexy star. Isang simpleng Comedy Concert Queen lamang ako,” ang piniling “safe answer” ni Ai Ai para hindi raw siya ipakulong ng Presidente.