Libangan - Ako Ay Filipino

Empoli - Marso 18, 2013 - Bawat tao ay nagmamahal at nangangarap,  kaakibat nito ang pagsusumikap na makamit ang hinahangad kahit kadalasan ay mayroong pusong nasasaktan o/at taong natatapakan. Dito nagsisimula ang mga katanungang, PERA, PAG-IBIG  O PANGARAP?

Kasabihang  kailangang magsakripisyo para sa mga pangarap. Pero sa pagkakataong ito kailangan ba talagang i-sakripisyo ang puso at pagkatao para lang sa mga pinapangarap? Ang paghangad ng karangyaan sa buhay ay hindi masama, pero pag may taong nasasaktan, yun ang hindi tama.

Natanong mo na ba ang iyong ina kung bakit siya umiiyak?.

Natanong mo na ba ang iyong girlfriend kung bakit siya umiiyak?

Natanong mo na ba ang iyong kaibigan kung bakit siya umiiyak?

Natanong mo na ba ang kahit sinong babae kung ano ang dahilan kung bakit kapag sila ay nasasaktan ay umiiyak na sila?

Isang kwento ang marahil magmulat sa atin hindi lamang sa dahilan ng pagluha ng mga kababaihan, bagkus pati sa kahalagahan kung bakit nilikha ng Panginoon ang mga babae.

 

Iniwan kitang natutulog pa
Gisingin ka'y 'di ko na ginawa
Para hindi kita magambala
Sa iyong pamamahinga't paghiga
Hindi mo na rin siguro nadama
nang yakapi't hagkan kita

Hindi pa nakakalayo'y ikaw na'y naalala
Hinayaan na naman kitang nag-iisa
Lalo pa't panaho'y malamig na
Mahigpit dapat sana'y akap akap ka
Malulungko't mababagot kang talaga
Kaya't humihingi ako ng pang-unawa

Aking biyahe'y nagpatuloy pa
Magagandang tanawi'y aking nakikita
Ang kapaligira’y kaaya-aya't kakaiba
sa aking mata’y nagbibigay ng tuwa
ngunit alam kong ito'y pansamantala
dahil sa piling mo lang tunay na ligaya

Sa pinanggalinga'y umalis na
Maraming bagay pinag-usapa't ginawa
Nagkatuwaan at nagkantahan pa
ngunit ako'y nanlulumo talaga
At ika'y hindi ko nakasama
Sana mas lalo pa akong masaya

Mahal ako'y pabalik na
Paglalakbay sana'y 'di maantala
upang sa piling mo'y agad makadating na
labis ko nang pinanabikan aking sinta
Ang muling ika’y mayakap, mahagkan at makita 
Upang sabihing mahal na mahal parin kita

ni: Demetrio-Bong Ragudo Rafanan - larawan ni: Boyet Abucay

Rome - Enero 23, 2013 - Ito ay tinatawag na “Hikikomori syndrome” at apektado ang halos 240,000 kabataan sa Italya. Narito kung paano makikilala ang web addiction ayon sa Fnomceo – Federazione Nazionale degli Ordini dei Medici Chirurgici e dei Odontoiatri.

Mula sa website ng FNOMCEO ay inilathala ang ukol sa web addiction at ayon pa dito, ay parami ng parami ang mga kabataang nalululong dito sa pagitan ng edad na 11 at 16.

Mga kabataang karaniwang nabubuhay dahil sa internet, limitado ang real life maging ang social life, maliban na lamang sa mga oras na ginugugol sa loob ng paaralan. Ito ay isang web addiction at mayroong pangalan buhat sa mga eksperto ang “Hikikomori syndrome”.

Hangaring ibalik ang magandang tradisyon ng oracion, o ang panalangin sa tuwing sasapit ang ika-anim ng gabi sa pamamagitan ng iisa at nagkakaisang Ugnayang-Panalangin, isang pananampalataya sa harap ng pwersa ng Tsina.

Rome – Pebrero 25, 2013- Labis na nakakabahala ang pananakot at pag-ukopa ng Tsina sa Scarborough (Panatag) Shoals at sa ilan pang maliit na isla sa West Philippine Sea. Bukod sa Tsina, ilang karatig-bansa din ang nagpapahayag ng pag-aari sa mga teritoryong ito na tinatayang sa pusod nito ay may masaganang deposito ng mineral, tulad ng petrolyo at natural gas. Hindi lamang ang yaman ng kalikasang nasa pusod ng karagatang ito ang nakataya. Gayun din ang soberanya ng Pilipinas. Ang pag-ukopa sa mga isla ay isang maliwanag na imbasyon ng ating bansa.

Maliwanag ang pasaring ni Pangulong Noynoy Aquino sa gobyerno ng Tsina sa kanyang nakalipas na State of the Nation Address: “Kapag tumapak ka sa Recto Bank para ka na ring tumapak sa Recto Avenue”. Ang Recto Bank ay isla sa West Philippine Sea na malapit sa Palawan at tinatayang may mas-maraming natural gas kaysa Malampaya.

Venice - Pebrero 1, 2013 - Hindi lamang kilala ang Venice bilang isa sa mga pinakaromantikong lugar sa mundo at sa kanyang mga gondola dahil taun-taon ay isa ang Carnevale di Venezia o Carnival of Venice sa pinaka-aabangang festival dito Italya na humahakot ng libu-libong mga  turista sa lahat ng dako ng mundo.

Kahit sinasabing nagsimula ang pagdaraos ng carnevale noong taon ng 1162, dakong 1979 na lang uli binuhay ang pagdaraos nito, makalipas ang 200 taon.

Manila, Enero 17, 2013 - Lumabas kamakailan sa Rappler.com ang video ng isang apat na taong gulang na si Bogie, isang aso na sanay sa palagiang pag-angkas sa motorsiklo ng kanyang amo.

Ayon kay Gilbert Delos Reyes, ang nakabili kay Bogie na noo’y isang buwan pa lamang sa halagang P100.00, ay maaga nitong sinimulan ang pagtuturo dito.  Dalawang buwan ang tuta ng turuang  kumuha ng mga bagay, apat na buwan ay natutong makipag –shake hands, pitong buwan naman ay natutong umangkas sa motor at makalipas ang isang taon ay alam na ni Bogie ang sumunod sa mga ipinag-uutos.

More Articles...