Winter sale 2017 sa Italya, simula bukas - Ako Ay Filipino

22
Fri, Sep

Life Style

Sisimulan bukas, Jan 5 ang pinakahihintay ng marami, ang 'saldi'! Online sale? Narito ang mga dapat malaman. 

 

 

Enero 4, 2017 - Narito ang mga petsa ng simula ng winter sale kada rehiyon. 

 

Abruzzo: Jan 5 / Mar 5

Basilicata: Jan 5  / Mar 2

Calabria: Jan 5  / Feb 28 

Campania: Jan 5 / Apr 2 

Emilia Romagna: Jan 5 / Mar 5 

Friuli Venezia Giulia: Jan 5 / Mar 31 

Lazio: Jan 5 / Feb 15 

Liguria: Jan 5 / Feb 18

Lombardia: Jan 5 / Mar 5 

Marche: Jan 5 / Mar 1

Molise: Jan 5 / Mar 5 

Piemonte: Jan 5 / Feb 28 

Puglia: Jan 5 / Feb 28 

Sardegna: Jan 5 / Mar 5 

Sicilia: Jan 5 / Mar 15 

Toscana: Jan 5 / Mar 5 

Trento: Jan 5 / Mar 5 

Bolzano: Jan 5 / Feb 18 

Umbria: Jan 5 / Mar 5 

Valle D’Aosta: Jan 5 / Mar 31

Veneto: Jan 5 / Feb 28

 

Online sale, mga dapat malaman

Samantala, para sa online sale, ang mga patakaran ay karaniwang mas mahigpit, dahil ang mga websites ay hindi lahat italian websites at nangangahulugang ang mga ito ay hindi napapailalim sa pamamahala ng Regione. 

Gayunpaman ang mga online shops ay karaniwang maagang sinisimulan ang sale kahit bago pa man mag-pasko upang makahikayat sa mas maagang shopping. 

Samantala, ang mga shops na mayroon din online shopping, ay ginagawang sabay ang simula ng sale tulad ng malalaking tatak tulad ng Zara o H&M. 

Isang paalala na sundan ang mga official websites na nais kahit pa bago magkaroon ng sale dahil marami at iba-iba ang mga items na inilalagay sa offer at ang mga ito ay maituturing na magandang pagkakataon. 

Gayunpaman, sa inyong pagso-shopping online ay ipinapayong magtiwala lamang sa mga website na tanyag at subok na sa online shopping dahil higit na sigurado sa kalidad ng produkto at mapagkakatiwalaang serbsiyo. 

 

Basahin rin: 

Ilang tips upang maiwasan ang impluse buying ngayong sale!

Sale Sale Sale, narito ang ilang tips!