Libangan - Ako Ay Filipino

19
Tue, Sep

"Katibayan ng pananatili sa bansa at isang employer? Ibibigay namin sa inyo, kapalit ng isang halaga. Patuloy na duma dami maging online ang mga huwad at imposibleng pangako, tulad ng sanatoria2012.com. Huwag paniwalaan ang mga ito.

Roma - Setyembre 10, 2012 - Para sa mga manloloko na simula na ring kumilos para sa regularization, ang web ay isang matabang lupa upang pagkakakitaan: maraming mga potensyal na customer ang maaabot nang walang hirap at nagbibigay ng mahigpit na privacy. Sa mga home page ng mga anunsyo, forum at mga social networks ay naglipana ang iba’t ibang uri ng paglulunsad ng maraming uri ng patibong mula sa klasikong pamamaraan: Kailangan mo ng tulong para sa sanatoria? Tawagan lamang kami”.

Taong 2001, isang napakalaking hamon para sa akin ang pagpunta dito sa bansang Italya.  Isang matatag na trabaho ang aking tatalikuran bukod pa sa pamilyang noon ko lang mararanasan ang mapalayo.

Sa totoo lang hindi naman ako magsisimulang mag-isa. May mga kamag-anak akong pinuntahan sa bandang timog ng Italya.  Ngunit sa kabila nito, alam ko na kailangan kong humugot ng katatagan mula sa aking sarili, matutong tumayo sa sariling paa sa pagharap sa panibagong yugto ng aking buhay. Buhay na hindi nakasanayan at salitang di ko alam kung aking matutuhan.

Ang unang taon ay lumipas na para lamang isang pahina ng aklat.  Bawat hamon ay hinarap huwag lamang makaramdam ng kalungkutan.

Sa minsang pangarap na magkaroon ng magandang bukas ang  pamilya, ikaw ay nag-abroad, nag-pumilit na ilagay ang sarili sa mundong di mo batid, tiis-tiis lang, sasaan ba at makakamtam mo rin ang lahat ng inaasam.….

Lumilipas aaltng panahon, bakit lalo pang dumadami ang naghihirap sa atin? Marami pa rin namang umaalis mula sa bansa para sa mga pangarap….

Dito sa Italya ay May Magandang  Kinabukasang  Naghihintay sa  Inyong  mga Anak, Sikapin Ninyong  Mapag-aral  at  Mapagtapos  Sila”.

altIto  ang salitang  binigkas ni former  Italian Prime Minister Hon.  Giulio Andreotti may halos 10  taon na ang nakakaraan……

Sa  tulong  ng  isang kababayan natin na halos 30 taon ng nagtatrabaho sa pamilya ni dating Pres. Andreotti ay nabigyan ako ng appointment na madalaw at makadaupang palad ang isa sa mga kinikilala at beterano sa gobyerno ng bansang Italya. Ang aking sadya ay  upang mabigyan siya ng special issue ng magazine ng Iglesia Ni Cristo “God’s Message” sa ginanap na anibersaryo ng  INC.

Napakainit  ng naging pagtanggap niya  sa amin, bukod sa nakangiti siya palagi sa akin maging sa ilang kasama ko na may katungkulan sa Iglesia.  Bago kami pinaupo ay nagbiro pa siya at sabi  niya “Mi piace la tua camicia”  nagustuhan niya ang  suot kong barong  na simple lang naman  na sinadya  kong isinuot  kahit medyo mainit, dahil alam kong kasama  ito sa ating kultura, ng ating pagiging Pilipino.

Sa  aming  maikling  pag-uusap ay pinuri niya ang lahing Pilipino bilang relihiyoso, reliable at hardworker. Sinabi din niya na isa tayo sa mga nationalities na mahal ng mga Italyano, higit sa lahat dahil sa ating katapatan. Parang nakakita ako ng isang pangarap, mga Pilipinong guro na nagtuturo sa mga paaralan, mga Pilipinong Pulis o Carabinieri na nagpa-patrol sa mga lansangan mga Pinoy na Doktor at  Nurses na naglilingkod sa mga ospital, abugado sa korte atbp…

Sa kasalukuyan ay mas nakararami sa popolasyon ng Italya  ang mga senior citizen o pensionado na  at  maging ang demographical growth nila  ay masasabing napakababa ng antas. Karaniwan na  isa lang kung sila ay mag-anak marami nga sa kanila mag-asawa pero walang anak kaya niya siguro nasabi  na ; “darating ang panahon na kung  may sampung immigrant  professionals  na nag-aapply  ng trabaho  at  titingnan ng manager ng  kumpanya o sangay ng gobyerno ang curriculum vitae at may  kasamang  Pilipino  ay natitiyak ko na ang unang  ipatatawag  for interview ay ang Italo-Filipino.

Heartwarming ang mga salitang ito at sana nga ay maintindihan ito ng ating mga anak na dito lumaki o ipinanganak sa Italya. Mayroon silang  tiyak na destinasyon kung magsisikap  lamang  na makatapos ng pag-aaral  at hindi matatalo ng peer pressure o pagsunod sa uso o impluwensya ng paligid o mga kapwa nila kabataan. Kadalasan  sa halip na nasa paaralan ay hindi makatanggi sa kaibigan kaya isang buwan na palang hindi pumapasok ay  hindi pa alam ng magulang. Nakakalungkot na may mabalitaan tayo na  mga kabataang  nasangkot sa mga krimen at gulo. Kung baga sa basketball  dapat  man to man ang guwardiya at higit sa lahat sa panalangin natin dapat kasama lagi sila.

Sana ay huwag   masayang ang hirap nating mga  magulang na nagtiis na magserbisyo  bilang mga katulong  kahit degree holder ang marami ay napilitan dahil ang ambisyon  o pangarap ay huwag maranasan  ng kanilang mga anak ang sakripisyo na dinanas at huwag nang manahin ang uri  ng ating trabaho  dahil  sila ay  may napakalaking posibilidad lalo na nga at ipinanganak sila dito.

10 taon na halos ang lumipas napakarami ko na ring nabalitaan na dahil sa katapatan ay pinamanahan ng bahay at kayamanan ng kanilang mga employer, napabalita pa nga sa TV ang mga kababayan natin na itinuring na kapamilya ng sikat na aktor sa Milano.

Kung bibigyan lamang ulit ako ng pagkakataon, gusto ko sanang sabihin kay President Andreotti na hindi   siya nagkamali sa kaniyang predictions; maraming nurses na akong kilala, mayroong ipinanganak dito fresh graduate siya at registered nurse na; sa airport  nagyon ay may Pinay  sa check-in area ng Alitalia.

Minsan nagulat  ako tumawag ako sa isang lawyer ang sumagot ay Pilipina nahalata yata ang Pinoy accent ko ng Italiano nagpakilala siya, law student daw siya at  empleyada siya  ng studio legale  na  ‘yon , may mga consiglieri  na nga tayo na nauupo sa vertice ng mga matataas na tao o kinikilala sa gobyerno, may Pilipina na editor na rin tayo, may mga kilala din akong kababayan natin na sa  FAO –WHO ang trabaho na mataas din ang posisyon.  Sana  nga kapag  nasita  ako ng carabinieri o pulis ay isa siyang Pilipino kasi  minsan  nalilimutan kong  i-fasten ang seat belt ko kahit na mabigyan ako ng  contravvenzione  o multa at least proud naman ako, kasi alam ko may pulis na tayo.

altMabasa din sana ito ng  ating mga anak  ipaki-translate at sana  turuan sila ng wika natin  kung naging parla solo  Italiano na sila, payo din kasi ito ng mga maestra mula pa sa scuola  elementare  nila, na huwag hayaang malimutan ang  ating sarilinglingua  dahil asset ito para sa kanila. Kaunting sikap at  kaunting tiis pa na ipaunawa  ang  halaga ng edukasyon  at makikita pa natin  ang malaking   pagbabago  sa image nating mga Pilipino.

Optimistic ako!  Dahil una ay may Diyos tayo  at  gifted  sa talent ang lahi natin, alam ko marami pang mga Pinoy na estudyante ngayon sa university  at  ilang  taon na lang tapos na rin sila, marami nga Political Science  ang course nila. Di na rin  imposible  makikita pa  natin may isang Pilipino na kakandidato bilang …..SINDACO  di   ba  Konsehal Romulo?

YES WE CAN!  Sabi nga “AKO AY PILIPINO” huwag nating kakalimutan  sa  Pilipinas,  o  malayong silangan nagmula ang  lahi ng mga tunay na KRISTIYANO!

Grazie Presidente Andreotti sa kabutihan  at  tiwala mo  sa aming mga Pilipino.

By: Joey San Vicente

          

altThe promising role of women starts within the family as mother. How she is molding the children. For education starts in the home. A promising mother whose only aim in life is to help her children even without even asked, who understands without expecting in return. And above all, a mother who loves without end. The development of the child’s personality lies on the training and example she had shown to them. 

altAng  hanay ng mga manggagawang migrante sa Roma, Italya ay nagpapahayag ng mariing pagkundina sa ginawang pagpaslang kay Rev. Fr. Fausto Tentorio, PIME, Kura Paroko sa Arakan Valley, North Cotabato. na kilalang tagapagsulong ng karapatan ng lumad at mga magsasaka sa naturang bayan.

Sa ano mang petsa natin ginugunita ang Araw ng Kalayaan ng ating bansang Pilipinas, nararapat din naman nating gunitain ang mga bayaning Pilipino na nakipaglaban at ang ilan ay nagbuwis pa ng buhay sa pakikipaglaban upang tuluyan na makamit ng Pilipinas ang isang ganap na kalayaan.  Sa makabagong panahon ngayon, tayong mga Pilipinong nagta-trabaho sa ibang bansa ang itinuturing na mga bagong bayani ng ating bansa. 

altHindi maiwasan na maantig ang puso ng mga Pilipino sa katotohanang ito.  Karamihan sa mga migranteng Pilipino na nilisan ang Pilipinas at nagdesisyon na nangibang bayan ay sa kadahilanang ang desisyong ito ay kinakailangang gawin, at hindi dahil ang desisyong ito ay kagustuhan nilang gawin.  Mga Pilipinong nagtitiis at nagsa-sakripisyo na mangamuan sa ibang bansa at mapalayo sa mga mahal sa buhay alang-alang sa layunin na makapagbigay ng magandang kinabukasan ang pamilya. Mga Overseas Filipino Workers (OFWs) - mga tinaguriang “MGA BAGONG BAYANI” - mga Pilipinong mas pinili ang makipagsapalaran sa ibang bansa upang ihango sa kahirapan ang kani-kanilang mga pamilya pati na ang ekonomiya ng sariling bansa.  Mga Pilipinong patuloy na umaasa na makaahon ang Pilipinas sa kahirapan na siyang nagiging isang malaking dahilan kung bakit hindi pa rin natin natatamo ang pinapangarap at inaasam-asam na kaunlaran.  Mga Pilpinong kinikilala at ikinararangal ng ating pamahalaan bilang (hindi man opisyal na inihahayag) pinakamainam na produktong pang-export ng bansa.  Mga Pilipinong nagiging sandigan kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling nakatayo ang Pilipinas at patuloy na nakikibaka upang makamtan ang inaasam-asam na kaunlaran. Mga Pilipinong nakakapag-remit ng bilyun-bilyong dolyar na nakakatulong para mapanatiling maayos ang ekonomiya ng Pilipinas kapalit ng pagkakawatak-watak ng ilang mga pamilya, pagkakawasak ng ibang tahanan, diskriminasyon, kalupitan at karahasan sa ilan, o kaya naman ay pagkakakaroon ng miserableng pamumuhay sa pakikibaka at  paninilbihan sa lupang banyaga.  Inaasam-asam din ng lahat ng mga Pilipino na sana naman ay makamtan na ng Pilipinas ang isa pang kalayaan – kalayaan mula sa kahirapan.  g Pilipino

Higit sa lahat, huwag nating kalilimutan ang maituturing natin na mga tunay na bayani ng ating bansa – tayong mga Pilipino, saan mang panig ng Pilipinas o saan mang panig ng mundo tayo naroroon, basta alam mong ikaw ay isang Pilipino at nakikipaglaban ka hindi para sa mga dayuhan kundi para sa mga kababayan nating mga Pilipino, IKAW, SILA, TAYO na nangingibang bansa, TAYO na bumubuo ng sangkapilipinuhan ay maaari ding tawaging mga tunay na bayani.  Maligayang Araw ng Kalayaan sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo!

Taas noo kahit kanino,  ang PILIPINO AY AKO! (ni Rogel Esguerra Cabigting)

 

More Articles...

Page 2 of 3