Libangan - Ako Ay Filipino

20
Wed, Sep

Hindi ko na namalayan                                                                                    

Maraming taon na pala ang nagdaan

Buhat ng tayo'y magpaalaman

At nagkanya kanya ng mga daan

Nangakong mananatiling magkakaibigan

Hangang sa magpakaylan man

Hindi ko na  namalayan

Aking mga mata pala'y luhaan

Habang aking pinakikingan

Awit ng ating pagkakaibigan

Na nagpapaalala sa'ting sumpaan

Na tayo'y laging magdadamayan

alt

 

 

 

 

 

 

Hindi ko na namamalayan

Sa mga araw pala ng kalungkutan

Sa mga panahong naguguluhan

Nandiyan lang kayo sa'king likuran

Nagsasabing "Ika'y may mga kaibigan"

Nagsasabing " Hindi ka naming iiwan"

Hindi ko namamalayan

Magkakapatid na pala kung magturingan

Kung may problema't nabibigatan

Mga payo ninyo'y agad nandiyan

Ang isa't isa  na'y sandigan

Salamat sa pagmamahal mga kaibigan

(by Demetrio-Bong Ragudo Rafanan)

Awit Ng Manlalakbay

(Isinalin sa Pilipino Di Kilala, titik ni Jose Rizal, orihinal na bersyon sa Espanol)

 

altKagaya ng dahong nalanta, nalagas,

Sinisiklut-siklot ng hanging marahas;

Abang manlalakbay ay wala nang liyag,

Layuin, kalulwa't bayang matatawag.

 

Hinahabul-habol yaong kapalarang

Mailap at hindi masunggab-sunggaban;

Magandang pag-asa'y kung nanlalabo man,

Siya'y patuloy ring patungo kung saan!

 

Sa udyok ng hindi nakikitang lakas,

Silanga't Kanlura'y kanyang nililipad,

Mga minamahal ay napapangarap,

Gayon din ang araw ng pamamanatag.

 

Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw,

Siya'y maaaring doon na mamatay,

Limot ng daigdig at sariling bayan,

Kamtan nawa niya ang kapayapaan!

 

Dami ng sa kanya ay nangaiinggit,

Ibong naglalakaby sa buong daigdig,

Hindi nila tanto ang laki ng hapis

Na sa kanyang puso ay lumiligalig.

 

Kung sa mga tanging minahal sa buhay

Siya'y magbalik pa pagdating ng araw,

Makikita niya'y mga guho lamang

At puntod ng kanyang mga kaibigan.

 

Abang manlalakbay! Huwag nang magbalik,

Sa sariling baya'y wala kang katalik;

Bayaang ang puso ng iba'y umawit,

Lumaboy kang muli sa buong daigdig.

 

Abang manlalakbay!

Bakit babalik pa?

Ang luhang inyukol sa iyo'y tuyo na;

Abang manlalakbay!

Limutin ang dusa,

Sa hapis ng tao, mundo'y nagtatawa.

 

Canto del Viaggiatore

(A Translation by Vasco Caini)

 

Foglia secca che pende indecisa,

e che strappa violento tifon,

così va per la terra,

viaggiando senz’alma,

né patria, né meta, né amor.

 

Cerca ansioso dovunque la sorte,

la fortuna che sfugge lontan:

vana ombra che burla il suo anelito!...

E questo miraggio lo spinge sul mar!

 

Da invisibile mano sospinto di confine in confin vagherà;

di persone e di giorni felici lontani ricordi con sé porterà.

 

Dalla patria e dal mondo obliato,

troverà nel deserto, chissà,

dolce asilo di pace una tomba,

riposo tranquillo di tanto penar!

 

Quando corre la terra veloce,

non si può chi viaggia invidiar;

ah! non sanno che c’è nel suo cuore

un vuoto profondo, bisogno d’amar!

 

Tornerà peregrino a suoi lidi,

ai suoi lari ritorno farà,

per trovare sol gelo e rovine:

amori perduti, sepolcri, chissà.

 

Già straniero nel proprio paese,

va’, ramingo, prosegui il cammin;

lascia agli altri che cantino amori,

agli altri felici: tu torna a partir.

 

Non c’è pianto che segua l’addio,

e lo sguardo è vano voltar:

va’, ramingo, sperduto nel mondo

che dell’altrui pene sol beffe si fa!

 

Song of the Wanderer

(A Translation from the Spanish by Nick Joaquin)

 

Dry leaf that flies at random 

till it's seized by a wind from above: 

so lives on earth the wanderer, 

without north, without soul, 

without country or love!   

 

Anxious, he seeks joy everywhere 

and joy eludes him and flees, 

a vain shadow that mocks his yearning 

and for which he sails the seas.   

 

Impelled by a hand invisible, 

he shall wander from place to place; 

memories shall keep him company 

of loved ones, of happy days.   

 

A tomb perhaps in the desert, 

a sweet refuge, he shall discover, 

by his country and the world forgotten 

Rest quiet: the torment is over.   

 

And they envy the hapless wanderer 

as across the earth he persists! 

Ah, they know not of the emptiness 

in his soul, where no love exists.   

 

The pilgrim shall return to his country, 

shall return perhaps to his shore; 

and shall find only ice and ruin, 

perished loves, and gravesnothing more.   

 

Begone, wanderer! In your own country, 

a stranger now and alone! 

Let the others sing of loving, 

who are happybut you, begone!   

 

Begone, wanderer! 

Look not behind you 

nor grieve as you leave again. 

 

Begone, wanderer: 

stifle your sorrows! 

the world laughs at another's pain.  

 

Canto del Viajero

by José Rizal

 

Hoja seca que cuela indecisa

Y arrebata violente turbión,

Asi vive en la tierra el viajero,

Sin norte, sin alma, sin patria ni amor.

 

Busca ansioso doquiera la dicha

Y la dicha se aleja fugaz:

Vana sombra que burla su anhelo! ...

Por ella el viajero se lanza a la mar!

 

Impelido por mano invisible

Vagara confín en confín;

Los recuedos le harán compañia

De seres queridos, de un día felíz.

 

Una tumba quizá en el desiero

Hallará, dulce asilo de paz,

De su patria y del mundo olvidado ...

Descanse tranquilo, tras tanto penar !

 

Y le envidian al triste viajero

Cuando cruza la tierra veloz ...

Ay! no saben que dentro del alma

Existe un vacio de falta el amor!

 

Volverá el peregrino a su patria

Y a sus lares tal vez volverá,

Y hallará por doquier nieve y ruina

Amores perdidos, sepulcros, no más.

 

Ve, Viajero, prosigue tu senda,

Extranjero en tu propio país;

Deja a otros que canten amores,

Los otros que gocen;

tu vuelve a partir.

 

Vé, viajero, no vuelvas el rostro,

Que no hay llanto que siga al adiós;

Ví, viajero, y ahoga tu penas;

Que el mundo se burla de ajeno dolor.