Libangan - Ako Ay Filipino

Tunay ba na ang tadhana ay hindi maiiwasan at madalas ay masama ang kinahihinatnan?

Sa ngayon ay sumapit na, ang buwan ng pagtitika

Ang panahong kung tawagin, ay panahon ng Kuwaresma

Ang lahat ng katoliko, nagsisissi't sumasamba

Bilang isang paghahanda, sa darating nating Pasqua

 

Atin ngayong gunitain, ang pasakit at pahirap

Na tinamo nitong Poon, sa kamay ng mga sukab

Ang latigong inihampas, ay lumikha nitong sugat

Na siyang sanhi ng pagdaloy, nitong dugong di maampat

May dalawang pusong, pinag-isa ng pag-ibig

Pinagtali ng pag-asa, ng tiwala't pananalig

Ang matamis na sumpaa'y, nanatiling bukang-bibig

Ako't ikaw tayong dalwa, magunaw man ang daigdig

 

Ang hagupit ni Kupido, ang syang naging pamantayan

Na sila ay magsasama, sa dulo ng walang hanggan

Walang unos na pupwedeng, sa kanila ay hahadlang

Maging kulog maging kidlat, ay kanilang lalabanan

 

Oh kay sarap ng magmahal, oh sarap ng umibig

Sa dalawang magsing-irog, kulay rosas ang paligid

Ang kislap ng mga mata, puro ligaya ang hatid

Walang hindi madadarang, sa tindi ng mga titig

 

Ang hininga'y mapupugto, sa yakap na anong higpit

Ang puso ay nagwawala, sa madalas na pagpintig

Ang matamis na panaghoy, ay tila ba isang awit

Na hindi ka magsasawa, na palaging naririnig

 
Oh kay bilis ng panahon parang di ko namalayan
Storya ng kahapon ko sariwa pa sa isipan
Oh kay bilis ng pagpaltik nitong kamay ng orasan
Na para bang hinahabol ang gulong ng kapalaran
 
Oh kay ganda ng liwanag na ngayo'y natatanaw ko
Ang simoy na dumarating may bulong ng pagbabago
Kung tayo ma'y iginupo ng hangin at mga bagyo
Ang bukas ay naghihintay itatayo muli tayo

PAALALA: Ang kwento pong ito ay isang kathang-isip lamang at walang katotohanan. Layuning magbigay-aliw sa mga mambabasa!
 

Je suis Charlie. Ito ang katagang bukang bibig ng halos buong Europa matapos ang madugong pagsalakay ng mga teroristang muslim sa Paris. Dalawang magkapatid na franco- albanese ang sumugod at pumatay sa mga journalists ng pahayagang Charlie Hebdon at bilang pakikiisa sa mga nasawi ay lumabas sa social media ang katagang ito. 
 
Je suis Charlie. Ito ang nakasulat sa t-shirt na suot ni Charlie. Pinatungan na lamang ng isang mamahaling amerikana na lino na bumagay naman sa faded gray na Armani jeans. Sa kasuotan ni Charlie ay kitang-kita ang kanyang pagiging self-made man. May asawa at isang anak na lalaki, sa edad na 35 anyos ay nakabili na ng hinuhulugang bahay sa marangyang lugar sa EUR, may magarang sasakyan at may negosyong travel agency at remittance center. Solong anak siya ng mag asawang sina Grace at Mike na mula pa noong 1976 ay umalis ng Pilipinas upang hanapin ang swerte sa Italya.

 
Kamay ng orasa’y mabilis ang takbo
Parang hinahabol ang bawat segundo
Pati ang pag-ikot ng magulong mundo
Sing bilis ng ikot nitong ipo-ipo
 
Pagsikat ng araw sa dakong silangan
Hindi magtatagal at nasa kanluran
Lawak ng daigdig ginawang pasyalan
Labindalawang oras parang sandali lang

More Articles...