Libangan - Ako Ay Filipino

20
Wed, Sep

Sa mabilis na pagtakbo nitong kamay ng orasan

Ang bakasyon ay natapos nang hindi ko namalayan

Ang sandaling ginugol ko sa piling ng kaibigan

Ay sandaling hinding hindi magagawang kalimutan

 

Pagkatapos ng bakasyon pagkatapos ng dalawang buwan

Atin muling sisilipin ang naiwang eskwelahan

Ang kwaderno at ang lapis ay kukunin sa taguan

Ang maestro at maestra ay pamuling babalikan

Ang kwento pong ito ay kathang-isip lamang. Layuning magbigay-aliw at makapag-hatid ng mabuting aral sa mga mambabasa.

Ang kwento pong ito ay isang kathang-isip lamang at walang katotohanan. Layuning magbigay-aliw sa mga mambabasa at makapag-hatid ng mabuting aral.

ANG NAKARAAN : Walang nagawa si Sam kundi ang sumunod sa gusto ng kanyang Tiyo Narding na kapatid ng kanyang ina. Samantala, sa Italya ay hindi mapatid ang tuwa ya ni Mon.  Abot-abot ang kanyang pananabik sa pinaka-hihintay na  magandang balita  mula  sa Pilipinas. Kahit abala sa maraming trabaho ay nagawa pa rin niyang sagutin ang  hindi inaasahang tawag mula sa Pilipinas.

 “Talaga na sa akin na ang pangangalaga kay Sam? Si Diana, kamusta na siya?”, tarantang tanong ni Mon.

 “W-wala siya! Sinadyang itinago ang anak mong si Diana!”, malungkot na sagot naman ni Amy.

 “Hayaan mo na muna, ang mahalaga nasa atin na si Sam. Sa susunod na mga  araw na lang natin kukunin si Diana sa poder ng kanyang ina”, ang naging pansamantalang desisyon ni Mon.

Matapos maputol ang linya, bakas sa mukha ni Mon ang labis na kasiyahan dahil sa tagal ng panahon na nawalay sa piling niya ang dalawang bata. Nakaramdam siya  ng  labis na kalungkutan at pananabik  na mayakap ng mahigpit ang kanyang mga anak, sina Sam at  Diana. Pagkatapos nito ay ang pagtulo ng kanyang luha dahil sa pagkakahiwalay nila ni Rachael. Tandang-tanda pa ni Mon ang kanilang naging pagtatalo:

 “Bakit hindi mo dinala sa ospital si Sam. Nagsusuka at dumudumi ang bata. Kawawa naman ang bata!”, tanong ni Mon kay Rachel.

 “Bakit hindi ikaw ang magdala ng bata sa ospital?!”, matapang na sagot ni Rachel.

Tikman ang libreng Indomie MI GORENG. Paano? Sundin lamang ang sumusunod:

-          Mag-log on sa www.landocean.it

-          Ibigay lamang ang code na matatagpuan sa Ako Ay Pilipino newspaper sa pamamagitan ng e-mail at ang eksaktong address ng napiling ethnic store kung saan gustong matanggap ang 1 free Indomie MI GORENG

-          Hintayin ang kasagutan o confirmation sa pamamagitan ng email

-          Ibigay ng coupon, kung saan nakasulat ang code sa ethnic store na napili at kunin ang free Indomie MI GORENG

Magmadali! Ang promosyon ay hanggang March 31 lamang!!

 

INDOMIE

The Best Choice for Filipinos and International products

 

Sa tabi ng dagat, hindi ng aming palayan,
Habang nakatingin sa laot nitong bayang dayuhan.
Bumabalik ,ala-ala ng iniwang mahal nating bayan.
Napatulala’t napailing sa nagbalik na mga nakaraan.
Oo, ang tinakasang malalang kahirapan at karahasan,
Nakita ko at nasaksihan sa mga magsasaka sa kabukiran.
 
Habang patuloy na nagbabalik sa ala-ala,
Mga pawisang mukha ng mga mangagawang dukha,
Pagdaka’y napatoon sa isang ibon aking mga mata,
Lumilipad, naglalaro sa hangin, tunay na napakalaya,
Napag-isip katayuan ng kalayaan sa ating bansa,
Sa loob-loob ay naitanong, “May kalayaan nga ba talaga?”
 
Malayo ang tanaw nang isang alon ang bumigla,
Muli, ako’y napalinga, napagtantong nag-iisa
Maliban sa mga ibong padaan-daan sa tuwina
Naramdamang  mga paa’y naabot ng tubig at nabasa,
Sa pagkagulat ay nasambit, naisigaw bigla.
“ Bayan ko! Perlas ng silangan, kumusta ka na?”
 
A, Bayan kong tinubuan, napakaunlad mo noong una,
Likas mong yama’y nakaka-inganyo sa iba’t ibang bansa,
Dahilan upang ika’y pag-agawan at pagnasaan nila,
Ngunit Bayan ko, ika’y ‘di  natakot, ‘di nangamba
Pagkat sadyang  lupa ka  ng mga bayaning mandirigma,
Mga tagapagtangol, may isang sigaw, “ Bayang ito’y ipaglalaban!”.
 
Ano itong lumilipad, napakalaki, umuusok na lata? 
A, nagising ako sa malalim na paggunita.
Iyun pala’y tulad ng sinakyan ko at ng marami pang iba.
Sa pangingibang bayan, kami ay napakarami na pala.
Mga anak ng bayang maharlika sa iba’t ibang bansa.
Mga kagalinga’t katalinuha’y iba ang nakikinabang at nagtatamasa.

Pilat sa Puso - Unang bahagi

NAKARAAN: Paalis na sana si Amy sa matagal niyang paghihintay sa bahay ni Rachael sa Pangasinan. Pero malaki ang naibigay na pag-asa ni Joy nang sabihin niya nasa Maynila ang dalawa niyang kapatid sa pangalawang asawa ng kanyang mama Rachael. Si Joy sa edad na 18 ay alam na tama lang ang kanyang gagawin para sa kanyang mga kapatid na sina Diana at Sam.

“Salamat, Joy ?!”,  iyon na lang ang nasambit ni Amy sa kanyang sarili.

Nasa loob na siya ng bus patungong Maynila. Baon niya ang pag-asang makita ang dalawang bata. Puno ng pananabik. Alam ni Amy na halos labing-tatlong taon ding nawala sa poder ni Mon ang dalawang anak. Sa laki ng pagmamahal  ni Amy  sa kanyang pamangkin ay siya mismo ang personal ang maghahanap sa bagong address na ibigay sa kanya ni Joy. Madali namang natunton ang kinaroroon ni  Sam ngunit sa kasamaang-palad ay wala si Diana.

 “T-Tita Amy?!” nagulat si Sam sa hindi inaasahan na pagdating ng kanyang tiyahin sa kanyang trabaho sa Sampalok.

 “Pinasusundo ka sa akin ng iyong papa?!”

 “Para ano pa? Sa edad  kong katorse kaya ko ng buhayin ang sarili ko at pinag-aaral ko pa si Diana!”

 “Pero ang gusto ng iyong ama ay ipagpatuloy mo ang naantala mong pag aaral. Siya ang bahala sa lahat ng gastos!”

 “Huli na ang lahat, ang lahat naman ng mga bata kaya nag aaral  ay para makapag trabaho. Pero sa katulad ko, hindi ko na kailangan ang mag aral. At higit sa lahat kaya ko ng mabuhay mag-isa at hindi ko na  kailangan ang tulong nyo!”

Narinig iyon lahat ng kanyang Tiyo Narding ang kapatid ng kanyang ina na si Rachael.

 “Samson, hindi maganda na mamutawi sa bibig mo ang ganyang salita”, ayon sa kanyang Tiyo Narding.  “Wala ako sa powesto para makialam sa mga bagay na iyan. Ang mahalaga sa ngayon, may magandang kapalaran na naghihintay sa iyo ngayon. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo para mabago ang buhay mo!” tuloy na paliwanag ng kanyang Tiyo Narding.

 “Gusto mo ba na lagi ka na lang magkakatay ng manok araw –araw sa madaling araw?”.

Bumuntong hininga si Sam sa narinig niya sa kanyang tiyuhin. Alam niyang totoo lahat ang sinabi sa kanya . Napatingin si Sam sa kanyang Tiya Amy. Humingi siya ng paumanhin sa inasal.

Inayos ni Sam ang lahat niyang gamit at tuluyang sumama sa  Bulacan at doon titira kasama ang partido ng kanyang ama. Dalawang oras din ang inubos na oras ni Sam para maiayos ang kanyang mga gamit at tuluyang magpaalam sa mga kaibigan niya. Halos kumakagat na ang dilim ng sila’y nakasakay ng bus patungo sa Bulacan.

Si Sam ay punong-puno ng mga katanungan. Natataranta ang isip at puso niya kung ano ang gagawin sa oras na makita ang mga kamag anak at mga kaibigan sa bagong mundo na gagalawan niya. (ni: Arnold G. Ramos)

ITUTULOY

 

 

 

                           

More Articles...