Libangan - Ako Ay Filipino

Ang kwento pong ito ay isang kathang-isip lamang at walang katotohanan. Layuning magbigay-aliw sa mga mambabasa at makapag-hatid ng mabuting aral.
 
Mula sa ITALYA, kausap ni Mon ang kanyang dating asawa na si Rachael.
 “Bakit, ikaw ang mag-aalaga sa aking mga anak. Nasa malayo ka, nandiyan ka sa Italy. Mahirap siguro na mawalay ang bata sa akin. Sino ang mag-aalaga pag kinuha mo ang bata. Masyado pang maliit si Diana para mawalay sa akin”, tanong ni Rachel sa dating asawa na isang ofw sa Italya. 
“Mas mahirap na sa  iyo, ang  pag -alaga kay Diana at Sam. Hindi mo sinabi sa akin  na may asawa ka na at anim pa ang anak mo sa pangatlo mong asawa. Mabuti na lang sumulat sa akin ang aking lola na pinababayaan ko raw kayo. Nanlilimahid ang mga bata ng dalhin mo sa bahay ng matanda. Napahiya ako sa aking lola, alam mo naman na konserbatibo ang matanda”, ayon kay Mon. 
Hindi nakakibo si Rachael sa tinuran ni Mon. Hindi mahalaga kay Mon kung gaano kalaki ang bills na babayaran niya para sa long distance call. Ang mahalaga kay Mon makuha niya ang bata nasa poder ni Rachael pero pansamantalang natigilan si Mon ng hindi niya naririnig ang tinig ng kanyang kausap sa kabilang linya.
 “Pinutol niya ang linya?”,  sabi ni Mon sa saril.
Makailang ulit na dinayal ang numero ng kanyang dating asawa. Pero nanatili siyang bigo na makausap si Rachael.
“Pinagkakait niya sa akin ang aking anak, tatawagin ko ang aking hipag na si Amy para                                                       puntahan at sunduin ang dalawang bata sa Pangasinan”. Ito na lamang ang naisip ni Mon, utusan ang hipag at papuntahan sa probinsya. Kumilos agad ang kanyang hipag para bumiyahe patungo sa Pangasinan at tuluyan ng sunduin ang dalawang bata. Sa tagal ng biyahe niya mula sa Maynila hanggang Pangasinan hindi na matantiya ni Amy ang layo ng biyahe.
 “Kaya pala nangawit ang aking balakang sa haba ng biyahe”, banggit ni Amy sa sarili. 
Tinantiya ni Amy  na ang kanyang  binabaan ay  ang saktong  lugar, ayon sa ibinigay ni Mon  na address. Nilakad niya papasok hanggang sa kinaroroonan ng bahay ni Rachael. Malayo layo rin ang nilakad ni Amy para marating niya ang pupuntahan. 
Nasa harapan na si Amy  ng bahay ni Rachael, bigo niyang makita  ang magkapatid  na si Diana at Sam. Hindi niya inaasahan ang pangatlong asawa ni Rachael ang bubungad sa kanya sa pinto. Tantiya ni Amy parang nabigla ang lalaking tinitiyak niyang asawa iyon ni Rachael.
 “ Wala dito ang aking asawa nasa trabaho”, agad na bungad ni Tonyo sa kaharap.      
 “Alam mo ba kung anong oras darating ang asawa mong si Rachael”,  untag ni Amy
 “Hindi ko alam, pero kung makapag hihintay ka hanggang hapon tiyak na darating iyon”, tugon ni Tonyo.
 “Sige, hihintayin ko na lang”, pagtatangkang tugon ni Amy.
 “Ikaw ang bahala”, ang naging tugon ni Tonyo. 
Pero kumagat na ang dilim hindi pa rin dumarating ang kanyang pakay. Wala rin ang dalawang bata na pakay nito.
 “Aalis na ako, baka wala akong masakyan na bus. Masyado akong gagabihin sa daan”, pag-aalala ni Amy.
 “Ikaw ang bahala”, ang muling tugon ni Tonyo. 
Nasa bukana na siya ng pinto ng inulit niya ang mag paalam sa lalaki na asawa ni Rachael.
Malayo malayo na ang nilalakad ni Amy nang may isang tinig ang narinig niya na malayo sa kanya.
 “Sandali lang ?!” ang mahiwagang tinig
 “huh?!” Sino kaya iyon”, takang tanong ni Amy sa sarili. 
Sinadyang lumapit kay Amy ang mahiwagang babae na bigla na lang lumitaw sa kadiliman ng gabi. Pero walang kakaba-kaba si Amy.
 “Ako si Joy, ang panganay ni Rachael sa unang asawa niya!”, bungad ng dalagita.
 “Ikaw pala si Joy, naririnig ko  na  ang pangalan mo kay Mon. Kaya noon pa lang ay kilala na kita! “Kamusta kana ?”, tanong ni Amy sa kausap.
 “Ok lang ako! Siyangapala bakit kayo napasadya dito sa Pangasinan?!” takang tanong ni Joy sa kaharap.
 “Pinakukuha ni Tito Mon mo ang dalawang bata sa nanay mo, at siya ang mag-aalaga  sa  dalawa. Alam mo ba kung nasaan ang dalawa at ang nanay mo, bakit hindi pa sila dumarating? Malalim na ang gabi,ah!”, ani ni Amy.
 “Ganoon ba?” bahagyang lumingon si Joy sa harap ng kanilang bahay. May kaba man sa kanyang dibdib pero  parang may  isang bulkan na gustong pasabugin si Joy kay Amy.  
 “Hindi nyo makukuha ang dalawang bata!”, bigkas ni Joy. 
 “h-ha?!”…”bakit daw ?”, taking tanong ni Amy. 
“Sinadya ni Mama, na hindi ipaalam sa dalawa ang plano ni Tito  Mon na kukunin sila ng kanilang papa at hindi rin ipinaalam ng mama sa mga bata na  tumawag  si Tito Mon  sa aking mama!”, kwento ng dalagita.                                
 “Anong ibig mong sabihin?!” takang tanong ni Amy.
 “Tinago ni Mama ang dalawa at ayaw niyang ipasama ang dalawa sa iyo!”.Natigalgal si Amy sa narinig niya kay Joy na panganay na anak ni Rachael sa una niyang asawa.
Randam ni Amy ang malaking dagok para kay Mon ang ginagawa nito para makuha ang dalawang bata.
 
ITUTULOY
 
ni: Arnold G. Ramos
 

I'll see you on September, when summer is gone

Kay gandang awitin kay sarap pakinggan

Dalwang magsing-irog ay pinagsaluhan

Sa saliw ng init ng katanghalian

 

Init ng panahon hindi alintana

Doon sa baybayin sila'y magkasama

Oras sa maghapon inuubos nila

Sa masayang kwento noong bata pa sila

 

Binalikan nila ang nagdaang araw

Noong sila’y musmos pa't kapwa walang malay

Sila ay palaging doon nag-aaway

Pero magkakasundo bago maghiwalay

 

Ito ay hindi isang opinyon, ito ay isang krimen na maaaring parusahan ng batas. Narito kung paano ito makikilala at kung paaano ito haharapin.

 

Rome - Ang paniniwala na ang lahi, kulay, lipi, relihiyon at bansang pinagmulan bilang dahilan ng pagtanggi o pagsasaisang-tabi sa mga indibidwal o mga grupo, ay isang diskriminasyon na naghahatid ng galit o poot, ay isang krimen na maaaring parusahan ng batas.
 
Ang saligang batas ng Italya ay kino-kondana ang lahat ng uri ng diskriminasyon, at ayon sa Artikulo 3 ay matutunghayan: "Ang lahat ng mamamayan ay may pantay pantay na karapatan sa lipunan at sa harap ng batas, nang hindi tinitingnan ang pagkakaiba ng kasarian, lahi, wika, relihiyon, pampulitikang opinyon, personal at panlipunan kundisyon. "At para sa salitang mamamayan ay tinutukoy din ang mga dayuhan na nasa bansa.
 Ang pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan ay ang pundasyon ng bawat demokratikong lipunan, na dapat magturo sa pamamagitan ng kanyang mga institusyon, upang maiwasan at maprotektahan ang buong komunidad mula sa anumang kilos o pag-uugali ng pagtanggi, pagbubukod o paghihiwalay sa hindi katulad o kalahi.


Ito ang pamagat ng isang kwentong isinulat ni cluelezz417 na kumakalat sa ngayon sa web na nais ng Ako Ay Pilipino na ibahagi sa mga sumusubaybay sa ating pahayagan. Isang reyalidad na hinaharap ng halos 4 na milyong Pilipino sa labas ng bayang sinilangan.


"What? Mahigit dalawang taon sa ibang bansa pero isang maleta lamang ang dala?", sadyang ipinaparinig na bulong ng isang mahaderang kapitbahay.

"Mare, grabe! Ang suot ay walang kabago-bago. Animo'y noong umalis at bumalik iyon pa rin! Gosh! Ganun ba ang fashion statement sa bansang pinuntahan!", umariba rin ang isa pang tsismosang kapitbahay.

"Hay naku, balita ko pa eh, iilang piraso lamang ng tsokolate ang nabiling pasalubong sa pamilya! Nag-abroad pa, wala naman palang napala!", singit ng isang intrimiderang kahuntahan din nila.

Ako si Simpleng OFW naman ay kahit pilit na nais na lamang ipagkibit balikat ang mga narinig ay hindi maiwasan magkaroon ng kirot sa damdamin.

Napaisip ng malalim, sadya nga bang walang kuwenta ang aking pangingibang bansa?

Karamihan kasi sa pag-iisip ng mga hindi OFWs, ay kapag nag-abroad ka ay limpak-limpak na salapi ang kikitain mo. Iyong tipong nakasanayan na makikita sa isang OFW na todo porma sa pag-uwi at naninilaw sa kapal ng alahas eh iyon naman pala ay kapag inilublob lamang sandali sa suka ay peke naman pala. Kasi napipilitan matamo ang ekspektasyon ng karamihan na dapat pag OFW ka dahil dolyar, riyal, dirhams, pounds, euro ang kinikita ay mayaman ka na.

 

 
Civil Action 
 
Ang sinumang biktima ng diskriminasyon, ng pribado o ng publikong tanggapan ay maaaring lumapit sa ordinary court upang hilingin ang kaukulang aksyon laban sa naging pag-uugali ng rasismo at wakasan ang anumang epekto nito.  
 
Ang biktima ng diskriminasyon ay maaaring mag-reklamo ng personal o sa pamamagitan ng isang abogado o ng isang asosasyon, sa registry ng Civil Court ng lungsod kung saan naninirahan. Sa tulong ng mga ebidensya na batayan ng reklamo ay maaari ring ilahad ang mga statistical datas na maaaring gawing basihan sa ganap na pagkakaroon ng kilos, pag-uugali o kasunduan ng diskriminasyon (hal: hiring, contribution scheme, pagbabahagi ng mga tungkulin at mga kwalipikasyon, paglilipat, layoffs, atbp. buhat sa kumpanya). Ang Akusado, (ang taong kumilos ng may diskriminasyon) pagkatapos, ay kinakailangang patunayan na walang anumang kilos, aksyon o kasunduan ng diskriminasyon. 

 

 

 

 

 

 

 

 

'Sang magandang panaginip, ang gumising sa diwa ko
Sa mahimbing na pagtulog, ay ginulo ang isip ko
Ako raw ay naglalakad, sa ibabaw nitong mundo
Na ang tanging kaagapay, mga Angel ng buhay ko

Unang Angel ay nagbulong, at ito ang kanyang sabi
Ako raw ay mag daraanan, sa luntiang kulay berde
Ang akin daw tatapakan, mga damong sakdal dami
Upang itong aking paa, sa tinik ay libreng-libreng

More Articles...