Libangan - Ako Ay Filipino

24
Sat, Jun

Manila – Hunyo 20, 2013 - Matagumpay na ginanap ang 36th Gawad Urian Awards sa NBC Tent, Bonifacio Global City, noong Martes ng gabi.

Ang superstar na si Nora Aunor ang nag-uwi ng Best Actress award para sa International acclaimed film na "Thy Womb" habang Best Production Design naman para sa direktor nitong si Brillante Mendoza.

Nakuha ni Jericho Rosales ang Best Actor award para sa "Alagwa" na umiikot ang istorya tungkol sa human-trafficking.

Tinanghal na Best Supporting Actress si Alessandra de Rossi sa pagganap sa "Sta. Nina" habang ang Best Supporting Actor ay ibinigay naman kay Art Acuna para sa Cinemalaya film na "Posas".

Kinansela ang mga guesting sa kabila ng naging pahayag.  

Roma, Mayo 28, 2013 - Ang lungsod ng Roma, sa kalagitnaan ng pananabik sa Derby football sa pagitan ng Roma at Lazio noong nakaraang linggo, ay nagpakita ng masamang pag-uugali sa naging pagpapalabas ng bisitang Korean pop star na si Psy, ang gumawa ng kinabaliwang kanta, maging ng sayaw nito, ang Gangnam style. 

Ang kompositor at manganganta, na inanyayahan upang mag-aliw sa publiko ay nilait, pinuno ng boo at mga paninigaw ng publiko bago, habang at maging pagkatapos ng kanyang mini-concert sa Olympic Stadium. 

Marso 4, 2013 - Pinarangalan ng Entertainment Press Society (ENPRESS, Inc.) ang mga nagwagi sa katatapos lamang na 2013 Golden Screen Awards for Television sa Teatrino, Promenade, Greenhills Shopping Center, San Juan City.

Kinilala bilang Outstanding TV Station ang Kapamilya Network at bilang Best Drama Series ang “Walang Hanggan” ng ABS-CBN.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 2013 Golden Screen Awards for Television noong March 1.

Rome, Pebrero 4, 2013 - Nakakuha ang Pilipinas ng mga nominasyon sa labing-apat na kategorya: labing-dalawa para sa telebisyon at ang dalawa naman ay para sa pelikula matapos ilathala ang opisyal na mga nominado para sa 2013 New York Film Festivals TV and Film Awards sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Ang nasabing festival ay nagbibigay-pugay sa mga programa sa higit na 50 bansa.

Manila – Abril 12, 2013 - Isang Gold World Medal, dalawang Silver World Medal, isang Bronze World Medal, at sampung Finalists Certificates ang naiuwi ng Pilipinas sa ginanap na  New York Festivals – International Television & Film Awards 2013 sa Las Vegas Convention Center noong nakaraang Martes April 9, sa loob ng 14 na nominasyon na tinanggap noong nakaraang Pebrero

May kabuuang bilang ng 119 Gold World Medals, 145 Silver, 104 Bronze, at 327 Finalist Certificates ang iginawad sa mga entries na isinumite buhat sa limampung bansa.

Walang “gangnam style” ng kilalang K-pop star na si Psy sa campaign period sa Pilipinas.

Pebrero 18, 2013 - Matapos opisyal na sinimulan ang election campaign period sa Pilipinas ay inaasahan ang paggamit ng iba’t ibang bersyon ng “Gangnam Style “ sa campaign jingles.

Ngunit sa isang text message ng MCA Music Inc ay isang paglilinaw ang ipina-abot sa publiko: na walang anumang inisyung lisensya ang MCA at ang copyright owner upang gamitin ang nasabing kanta sa anumang campaign jingles.

Ito ay upang maiwasan ang kinaugalian ng mga politiko sa paggamit ng mga kilalang kanta sa iba’t ibang campaign jingles.

Enero 21, 2013 - Kumpirmadong nasa Pilipinas na ang dating ‘80s teen star at Regal baby na si Tina Paner pagkatapos ng ilang taong pagtira sa Barcelona, Spain.

Ito ay matapos mapabalita ang diumano’y pagbebenta ng fake plane tickets nito sa mga Ofws sa Barcelona.

Lumabas ang balita last January 11 dahil may ilang Pinoy-based sa Spain na nagbuo ng isang grupo via Facebook para ireklamo si Tina dahil sa pagbebenta sa kanila ng mga pekeng plane tickets.

Ilan diumano sa mga nagreklamo ang hindi nakauwi noong nakaraang Pasko at Bagong Taon dahil hindi magagamit ang plane tickets na ibinenta ni Tina sa murang halaga—dahil peke raw ang mga ito.

Inireklamo din diumani si Tina sa isang police station sa Barcelona ngunit nang puntahan ng mga pulis ang opisina ni Tina sa isang pawnshop ay wala na ito sa dating tanggapan noong December 14, 2012 pa.

More Articles...