Aga tuloy ang kandidatura - Ako Ay Filipino

Showbiz

Manila, Enero 17, 2013 - Pansamantalang tuloy ang kandidatura ni Aga Mulach bilang kinatawan ng ika-apat na distrito ng Camarines Sur dahil nakakuha ng temporary restraining order (TRO) mula sa Court Appeals (CA) ang aktor.  

Ito ay matapos magpalabas ng desisyon ang Camarines Sur regional Trial Court (RTC) na tanggalin sa listahan ng mga lehitimong botante si Aga Mulach at ang maybahay nito na si Charlene dahil hindi diumano  kwalipikado sa kinakailang six-month residency sa Barangay San Juan, San Jose, Camarines Sur na magiging dahilan naman ng tuluyang pagkakansela sa certificate of candidacy ng aktor.