Gangnam Style, hindi gagamitin sa mga campaign jingles - Ako Ay Filipino

19
Tue, Sep

Showbiz

Walang “gangnam style” ng kilalang K-pop star na si Psy sa campaign period sa Pilipinas.

Pebrero 18, 2013 - Matapos opisyal na sinimulan ang election campaign period sa Pilipinas ay inaasahan ang paggamit ng iba’t ibang bersyon ng “Gangnam Style “ sa campaign jingles.

Ngunit sa isang text message ng MCA Music Inc ay isang paglilinaw ang ipina-abot sa publiko: na walang anumang inisyung lisensya ang MCA at ang copyright owner upang gamitin ang nasabing kanta sa anumang campaign jingles.

Ito ay upang maiwasan ang kinaugalian ng mga politiko sa paggamit ng mga kilalang kanta sa iba’t ibang campaign jingles.