Libangan - Ako Ay Filipino

19
Tue, Sep

Manila, Enero 17, 2013 - Pansamantalang tuloy ang kandidatura ni Aga Mulach bilang kinatawan ng ika-apat na distrito ng Camarines Sur dahil nakakuha ng temporary restraining order (TRO) mula sa Court Appeals (CA) ang aktor.  

Ito ay matapos magpalabas ng desisyon ang Camarines Sur regional Trial Court (RTC) na tanggalin sa listahan ng mga lehitimong botante si Aga Mulach at ang maybahay nito na si Charlene dahil hindi diumano  kwalipikado sa kinakailang six-month residency sa Barangay San Juan, San Jose, Camarines Sur na magiging dahilan naman ng tuluyang pagkakansela sa certificate of candidacy ng aktor.

 

Rome, Enero 10, 2013 - Kumita ng P767.8 milyon ang 38th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito ay yon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa pagsasara ng nasabing festival.

Nanguna ang "Sisterakas" na umabot ng P342 milyon ang kita. Maging ang biggest opening day earnings for a local movie (P39 milyon) at highest box-office sales for local film ay tinalo nito.

Pang-apat ang comedy film sa all-time Philippine total ticket sales matapos ang "The Avengers", "Spiderman 3", at "Transformers".

Sinundan naman ng "One More Try" sa kitang P170.5 million, ng "Si Agimat, Si Enteng, at Si Ako" (P133.5 milyon) at "Shake, Rattle, and Roll 14" (P45.3 million) na sinundan ng "El Presidente", "The Strangers" , "Sosy Problems", at "Thy Womb".

Mapupunta ang kita, na tumaas ng 21% kumpara noong 2011, sa mga beneficiaries tulad ng Mowelfund, Film Academy of the Philippines, Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board, at Film Development Council of the Philippines. Mapupunta rin ang ilang bahagi ng kinita sa mga biktima ng Bagyong Pablo sa Compostela Valley at Davao Oriental.

 

 

Hindi matutuloy ang pinakhihintay na konsyerto ng taon, ang Manila concert ng South Korean na si Psy sa dapat sana ay sa Dec 20, sa SM mall of Asia.

"Logistical issues" diumano ang dahilan ng pagpapaliban ng concert at sa halip ay gagawin ito sa susunod na taon, February 2013, matapos ang dalawang buwang pagpapaliban.

" Psy remains extremely excited about visiting the Philippines and looks forward to performing for his fans in early 2013," ayon sa local promoter at concert producer na si Joed Serrano ng Thats Ntertainment and Ovation Productions.

Ang music video ni Psy na "Gangnam Style" ang may pinakamaraming hits o views sa You Tube na umaabot na sa halos 972 milyon mula nang i-upload ito noong nakaraang Hulyo.

Ginanap noong nakaraang Linggo - November 18, ang 26th PMPC Star Awards for TV sa Henry Lee Irwin Theater ng Atendeo de Manila University.

Samantala, mapapanood naman ito sa November 25 sa Sunday's Best ng ABS-CBN sa Pilipinas.

Narito ang listahan ng mga nagwagi sa 43 kategorya ng 26th PMPC Star Awards for TV:

BEST TV STATION: ABS-CBN 2
BEST DRAMA SERIES: Amaya  (GMA 7)
BEST DRAMA ACTOR: Jericho Rosales (Dahil Sa Pag-Ibig, ABS-CBN 2)
BEST DRAMA ACTRESS: Helen Gamboa  (Walang Hanggan, ABS-CBN 2) & Nora Aunor  (Sa Ngalan Ng Ina, TV5)

BEST CHILD PERFORMER: Xyriel Manabat  (100 Days To Heaven, ABS-CBN 2)
BEST COMEDY/GAG SHOW Toda Max (ABS-CBN 2)
BEST COMEDY ACTOR: Robin Padilla (Toda Max, ABS-CBN 2)
BEST COMEDY ACTRESS: Rufa Mae Quinto  (Bubble Gang, GMA 7) & Pokwang (Toda Max, ABS-CBN 2)

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Francis Tolentino, naging matagumpay ang pagbubukas ng ika-38 taon ng Metro Manila Film Festival o MMFF dahil  walong pelikulang Pilipino ang itinanghal sa takilya ngayong taon. Ito ay ang mga pelikulang "El Presidente," "One More Try," "Shake, Rattle & Roll 14," "Si Agimat, Si Enteng at Si Ako," "Sisterakas," "Sosy Problems," "The Strangers," at "Thy Womb."

Nangunguna ang Comedy film “Sisterakas” na pinagbibidahan nina "Queen of All Media" Kris Aquino, "Comedy Concert Queen" Ai Ai Delas Alas at TV host-actor Vice Ganda sa unang araw nang pagpapalabas nito. Umabot sa P39.2 milyon ang kinita ng nasabing pelikula. Nalagpasan na rin ng "Sisterakas" ang rekord ng MMFF entry na may pinakamalaking kinita sa unang araw pa lamang nang pagpapalas.

Sumunod naman sa pinaka-pinilahang pelikula ay ang "Si Agimat, Si Enteng at Si Ako" na kumita ng P29.5 milyon; "One More Try" na kumita ng P13.6 milyon at "Shake, Rattle and Roll 14" na kumita ng P10.5 milyon.

 

 

Rome - Dec 7, 2012 - Matapos ang malaking kontrobersiya ukol sa paternity, ay isinilang kahapon ng hatinggabi sa Napoli ang anak ni Mario Balotelli at Raffaella Fico.

Tila ang pangalan, ayon sa mga report ay buhat sa pagiging deboto ng ina at ng pamilya nito kay Padre Pio, samantala ang apelyido naman ng ina ang gamit ng bagong silang na sanggol.  

Ang kilalang football player ay nasa London nang ipinanganak ang sanggol.

Matatandaang si Balotelli ay duda sa paternity ng ipinagdadalang-tao ng show girl, samantala si Raffaela naman ay sinabing ang sanggol ay bunga ng kanilang pagmamahalan.  

 

Sina Coco Martin, Korina Sanchez, Boy Abunda, Michael V., Gabby Eigenmann, Art Acuna, at Sharlene San Pedro ang mga Pilipinong nominado sa 2012 Asian TV Awards na gaganapin sa Singapore na nalalapit na December 6.

Dalawang magkahiwalay na episode ng Maalaala Mo Kaya ang nagbigay kay Coco Martin ng best actor nomination (MMK, Kamao) at samantala kay Sharlene San Pedro ang best actress nomi­nation (MMK, T-shirt).

Si Korina Sanchez para sa Best Current Affairs Presenter sa kanyang programa, ang Rated K (ABS-CBN). Ang The Bottomline ni Boy Abunda ay Best Talk Show nominee samantala nominado naman si Michael V. sa Best Comedy Performance by An Actor (Bubble Gang, GMA 7).

More Articles...