Libangan - Ako Ay Filipino

20
Wed, Sep

Ang GMA Network ang napiling Philippine media network partner para sa one-night-only concert ni Jennifer Lopez.

Ang “J-Lo Dance Again World Tour", titolo ng nasabing concert ay gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa Nobyembre 26.

Ang konsyerto ay bahagi ng Asian leg ng "J-Lo Dance Again World Tour" na nauna nang naitanghal sa Europe, Central America, at South America.

Ang mga balita at detalye ng nasabing konsyerto ay matatagpuan sa mga Kapuso media platform na GMA-7, GMA News TV 11, at radio station Barangay LS FM, at RT-CEBU.

 

Para matuloy ang pagtakbo bilang kongresista ng ikaapat na distrito ng Camarines Sur sa susunod na eleksyon ay patuloy na nag-aapela si Aga Muhlach. Ito ay matapos tanggalin ang kanyang pangalan sa listahan ng mga botante sa bayan ng San Jose.

Base sa petisyon ng Election Registration Board, idineklara ng San Jose Municipal Circuit Trial Court sa Camarines Sur noong Oktubre 25 na hindi kwalipikadong botante si Aga Muhlach at ang kanyang asawang si Charlene Gonzales, ayon sa ulat.

Oktubre 5, 2012 - Hindi na matutuloy ang pagbili ng MediaQuest Hol­dings Inc. (Mediaquest), ang kumpanya ni TV5 owner Manny Pangilinan sa Kapuso Network matapos maglabas kahapon ng official statement ang GMA Network Inc bilang kumpirmasyon dito.

 “MediaQuest Holdings Inc. (Mediaquest) and the major shareholders of GMA Network, Inc. (GMA) have announced the termination of recent discussions with respect to a possible acquisition of a controlling interest in GMA by Mediaquest and its affiliate within the PLDT Group. The parties have been unable to arrive at mutually acceptable terms despite the continual discussions and efforts exerted in good faith. MediaQuest is owned by PLDT’s retirement fund.”

Maaari diumanong magbago ang desisyon kung sakaling may seryosong alok na bilhin ang nabanggit na television network. Gayunpaman, ayon kay GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon ay wala diumanong kinalaman ang presyo sa hindi pagkakatuloy ng negosasyon sa pagitan ng GMA at MediaQuest.

Mga sumakabilang buhay na, ngunit ay patuloy pa ring kumikita dahil sa kanilang mga ari-arian.

Oktubre 25, 2012 - Kung dead celebrity ang pag-uusapan, ay tila mahirap talunin ang nag-iisang Michael Jackson. Ang dating pop singer na sumakabilang buhay noong 2009 sa edad na 50, na kumita ng higit sa sinumang nabubuhay na celebrity sa huling 12 buwan: $145 million dollars.

Ngunit sa taong ito ay naging mahirap para sa dating pop singer ang manatiling top. Sa pagkakataong ito ay ikalawa sa Top Earning Dead Celebrities si Jackson at kinuha ni Elizabeth Taylor ang top 1. 79 taong gulang ng pumanaw noong nakaraang taon at kumita ng $210 million.

Oktubre 5, 2012 - Inamin na ni Senador Francis Escudero ang tunay na relasyon nila ng Kapuso actress na si Heart Evangelista matapos maging mainit ang mga balita ukol sa pade-date diumano ng dalawa.

Ayon sa mga report, ang pag-anim ay ginawa ni Escudero nang magpaalam na ito sa programa ni Kris Aquino sa ABS-CBN na Kris TV kung saan naging co-host ng show ang senador at kinailangan nitong nagpaalam sa programa matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec).

Sa programa ay naging mausisa diumani si Kris ukol sa tunay na estado ng relasyon ng dalawa. Ngunit sa bandang huli ay inamin ng senador na girlfriend na nya ang aktres.

 

Pumanaw kagab,July 10, 2012 sa edad na 83, si Rodolfo Vera Quizon Sr., o mas kilala bilang Dolphy, na tinaguriang “Comedy King” ng Pilipinas.

Ayon sa Makati Medical Center, namatay si Dolphy dahil sa multiple organ failure dala ng kumplikasyon sa severe pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease, at  acute renal failure.

Ipinanganak sa Tondo, Maynila noong Hulyo 25, 1928, pangalawa siya sa sampung magkakapatid.

May 18 anak si Dolphy sa anim na babae. Ang aktres na si Zsa-Zsa Padilla ang kanyang kasama sa buhay sa nakalipas na 23 taon.

Sinimulan niyang aliwin ang mga manonood bilang isang chorus dancer sa Avenue Theater. Mula sa teatro, pinasok din niya ang radyo noong huling bahagi ng 1940s. Pinatawa ni Dolphy ang mga Pilipino sa.1977 nang matanggap ni Dolphy ang pinakauna niyang FAMAS trophy para sa “Omeng Satanista.”

Noong Nov. 8, 2010 sa Rizal Hall of Malacanang, iginawad ni Pangulong Aquino kay Dolphy ang Maringal na Kuwintas, ang pinakamataas na ranggo ng Order of the Golden Heart dahil sa kanyang komedya at mga gawang mapagkawanggawa.

 “Si Dolphy ay hindi lamang isang idolo; siya ay isa ring artist na sa mga nilikhang karakter ay mababanaag ang bugso ng iba't ibang emosyon, ang malawak na pananaw, ang kaluluwa ng Filipino. Kadalasang papel niya'y pangkaraniwang mamamayan - - maralita at api-apihan pero parating masaya, may pangarap, at di nagpapatalo sa bawat paghamon ng buhay; sa bandang huli'y nalalampasan ang sunud-sunod na krisis. Mala-henyo niyang tinatalakay ang bawat pagsubok ng tadhana, at sa nakatatawang paraan at paggamit ng perfect timing, pinapakita ang bawat damdamin ng isang nilalang: saya, lungkot, sigla, panlulumo, kapilyuhan, takot, tapang, kabiguan, tagumpay. Damang-dama ng mga manonood ang pakikipagsapalaran ng bawat karakter ni Dolphy; kitang-kita nila ang mga sarili sa pagkatao nito”, tulad ng mababasa sa MPP Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

“Humility is the name of the game. Pirmi akong nakantuntong sa lupa”, ito ang mga katagang binanggit ni Dolphy at aniya’y naging sikreto kung bakit nagtagal sa pinili niyang industriya. Aral na iniwan ng isang artistang tumagal ng higit sa apat na dekada sa show business.

Mula sa mga tagahanga mo sa Italya, Ciao Pidol, addio!

 

 

More Articles...