Libangan - Ako Ay Filipino

altRome, June 7, 2012 - Nagpahayag ng matinding kasiyahan si Jessica nang sabihin sa kanya na siya ang napili para umawit sa pinakahihintay na boxing match nina Congressman Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr. sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada sa June 9.

Ngunit hindi ang Pambansang Awit ng Pilipinas ang aawitin niya tulad ng inaasahan ng lahat kundi ang US National Anthem.

Gayunpaman, sa tweet ng dalaga, ay sinabi nitong ecstatic siya sa pagkanta ng National Anthem ng Amerika sa darating na Sabado.

 

Dinemanda si Sharon Stone ng kanyang dating Pinay domestic at nanny sa pang-iinsulto diumano sa Pinay, bukod sa di tamang pagbabayad ng overtime nito.

altRome, Mayo 25, 2012 - Tinanggal si Erlinda Elemen ng bituin noong Pebrero 2011, matapos nitong hindi bayaran ng tama ang mga overtime nito. Kabilang ang pagtatrabaho tuwing holiday at ang pag-aaruga sa tatlong anak nito sa kanilang mga pagbibiyahe.

Ayon sa lawsuit, ay tinawag ding stupid people ni Sharon ang mga Filipino. Bukod dito ay pinagsabihan ang Pinay  sa pagpunta sa simbahan at minsang pinagbawalan sa pagbabasa ng bibliya at inutusang huwag kausapin ang mga anak nito upang hindi maging katulad ng ina ang kanilang pagasasalita.

Inaasahan naman ng abugado ni Elemen, Solomon Gresen, na bigyang atensyon ng korte ang tema ng overtime pay ng mga domestic workers at umaasa na ang kaso ay magsisilbing aral sa libu-libong underpaid.

Samantala, ayon sa publicist ni Stone na si Paul Bloch ay sinabing walang utang na loob ang Pinay at sinabing naghahanap ng panibagong pagkakataon upang makakuha ng karagdagang salapi lang ito. Ayon pa dito ito ay gawa-gawa lamang at walang katotohanan ang mga paratang sa aktres.

"Ipagpapatuloy kong sundin ang tamang daan" - Pacquiao

altRome, Mayo 15 -2012 - Kinumpirma ni Freddie Roach ang tuluyang pagbabago ng lifestyle ni Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Magulo noon ang isipan ni Pacquiao, dahil sa pagsusugal, pagkapagod sa paglalaro ng basketball, pambababae, at paghahain ni Jinkee ng divorce papers isang araw bago ang kanyang laban kay Marquez. Dahil dito hindi naging maganda ang kanyang laban, na nagresulta sa kontrobersyal na majority decision na nagpanalo sa kanya.

Ngayon, sya at ang kanyang kabiyak ay nagkakaunawaan na muli at hindi na sya naglalaro ng basketball at ang malaking pagbabago ay ang pagiging mahilig sa pagbabasa ng bibliya, dagdag pa ni Roach.

Sa isang prayer meeting noong nakaraang Marso 27, inihayag ni Pacquiao ang kanyang pagbabago at hindi na umano siya ang dating Manny Pacquiao.

"Ipagpapatuloy kong sundin ang tamang daan", ayon pa kay Manny.

 

 

 

 

altRome, May 5, 2012 - Jessica Sanchez, the 16-year-old Filipino-Mexican-American sensation continues her journey on the reality singing contest, after declared safe during the show's latest elimination Thursday, May 3.

She now moves on to the top 4 round of the hit show, along with fellow finalists Joshua Ledet, Phillip Phillips, and Hollie Cavanagh.

Sanchez's performance of "You Are So Beautiful" was "just that - beautiful… It was magnificent," said mentor Jimmy Iovine.

On the other hand, like judge Randy Jackson, Iovine was not satisfied with Jessica's performance of the Tina Turner staple "Proud Mary."

Jennifer Lopez said that her more sophisticated look might turn off some fans.

altRome, Mayo 21, 2012 - Patuloy ang panawagan at paghingi ng suporta, maging sa panalangin, ng mga fans ni Jessica Sanchez, ang Filippina-Mexican-American  contender sa gaganaping gran finale sa May 22 ng “American Idol”.

Lalabanan ni Sanchez, 16 yrs old  si Phillip Phillips, 21 mula Giorgia sa two-night season finale ng "American Idol."

Ang mananalo ay malalaman sa susunod na araw (May 23 sa Pilipinas).

Kung saka-sakaling si Sanchez ang magwawagi, na syang inaabangan ng maraming Filipino sa buong mundo, sya ang magiging kauna-unang Asian-American na magwawagi sa contest, pinakabatang tatanghaling winnerat ang pinaka unang winner na sinalbang contestant ng mga judges nito

Matatandaang si Sanchez ay nakatanggap ng pinakamababang bilang ng boto matapos ang kanyang performance noong April 12. Samantala noong sumunod na araw, ang talong judges ng “American Idol” ay piniling sagipin ito upang manatili sa kumpetisyon.

altKinumpirma ni Derek Ramsey sa kanyang twitter account na ang limang taong relasyon nila ni Angelica Panganiban ay tapos na. Ayon pa kay Derek, bawat sandal diumano ng kanilang relasyon ay hindi nasayang at iingatan.

Bago inihayag ang hiwalayan sa media, unang inihayag na mayroong mga bagay na dapat ayusin sa kanilang relasyon. Napabalita na si John Lloyd diumano ang dahilan na mabilis namang pinabulaanan ni Derek at sinabing walang third party involved. Samantala, ayon sa mga followers ni Derek sa Twitter ay nag-komentong di si John Lloyd kundi ang aktres na si Sam Pinto na nakasama nito sa October fest. Mabilis ang naging sagot no Derek at sinabing “no one is at fault here. Please respect our decision”.

Mr. Pure Energy bilang hurado at mentor ng The X Factor Philippines.

altMayo 2, 20102 - Si Mr. Pure Energy Gary Valenciano bilang isa sa mga hurado at mentor ng singing-reality competition na The X Factor Philippines.

Ang 29 years experience ni Gary V. sa industriya ay gagamatin naman sa pagkakataong ito para hanapin ang susunod na singing superstar sa Pilipinas. Bibigyan ni Gary V. ng mga pagsasanay ang ilang contestants bilang isang mentor. Kakailangin diumano ito upang mailabas ang ‘X factor’ ng mga contstants.

Isa sa mga napabalitang hurado at mentor ay ang Concert King na si Martin Nievera.

Ang The X Factor ay isang worldwide hit franchise na nagsimula sa UK. ABS-CBN ang nakakuha ng eksklusibong rights na maging local ang programa at si KC Concepcion ang napili nito bilang host.

 

More Articles...