Libangan - Ako Ay Filipino

altAbril 17, 2012 - Tahimik ang mga tagapagsalita ng Malacañang ukol sa balitang paghihiwalay diumano nina Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at sa naugnay dito na si Grace Lee.

Hindi diumano tinatanong ng presidential spokesperson Edwin Lacierda ang Pangulo ukol sa kumalat na balita lalo na’t nauugnay ito sa personal na buhay nito.

Buwan ng Enero ng kasalukuyang taon nang naging maninit ang mga balita ukol sa madalas na paglabas ng Pangulo at ng Korean radio at TV personality na si Lee. Kinumpirma na rin ng Pangulo ang kanilang madalas na pagkikita.

Ngunit lumabas kahapon sa rappler.com ang tila break-up ng dalawa. Ayon pa sa ulat, ay tatlo diumano ang sources na malapit sa Pangulo na kinumpirma ang break-up na nagapan ngayong buwan ng Abril.

altAbril 5, 2012 - Pinabilib muli ni Jessica Sanchez, ang Filipino-Mexican ang American Idol judges sa kanyang pag-awit sa isa pang classic song ni Whitney Houston, at sa duet performance nila ni Joshua Ledet,  isa ring contestant  sa AI.

Sa episode ng sikat na US singing contest na ipinalabas ngayong Huwebes sa Pilipinas (Miyerkules sa US), mga sikat na kanta noong dekada 80 ang inawit ng natitirang walong contestants.

"How Will I Know" ni Whitney Houston ang inawit ni Jessica sa kanyang solo performance.  Ito na ang ikalawang pagkanta ni Jessica sa mga awitin ni Whitney. Ang una ay ang "I Will Always Love You," kung saan napatayo niya ang mga AI judges na sina Randy Jackson, Steve Tyler at Jennifer Lopez.

Positibo naman ang mga naging puna ng mga hurado. Subalit higit na nagustuhan at napatayo ang tatlong hurado sa duet nina Jessica at Joshua, sa awiting "I Knew You Were Waiting For Me," na unang kinanta nina Aretha Franklin at George Michael.

Bukod kina Jessica at Joshua, pipili ang mga viewer ng susunod na papatalsikin sa natitirang walong kalahok na sina Deandre Brackensick, Elise Testone, Skylar Laine, Colton Dixon, Hollie Cavanagh, at Philip Phillips.

Sa nakaraang elimination round, pinatalsik si Heejun Han.

alt“Ruffa Guttierrez is officially single”, ito ang naging statement ng lawyer ni Ruffa ngayong Biyernes, February 24, matapos mapawalang bisa ng Taguig Regional Trial Court ang kasal nila ng kanyang husband na si Yilmaz Baktas.

”Psychological incapacità” ang naging basehan ng korte sa pagpapawalang-bisa ng kasal nila sa NBC Tent noong March 25, 2003.

altRoma, Abril 4, 2012 - Kinumpirma ng ABS-CBN ma­nagement ang pag-alis  ni Derek Ramsay sa Kapamilya Network noong nakaraang Lunes.

Pinatotohanan naman ito ng ma­nager ni Derek na si Jojie Dingcong ang balita sa isang official statement. Gayunpaman, ayon kay Jojie hindi pa pumipirma si Derek ng kontrata sa TV5

altMarso 9, 2012 - Bumalik ng Pilipinas noong nakaraang Huwebes ang Pinay international singer na si Charice dakong 6:00 p.m. kasama ang rapper na si Iyaz, na magiging guest nito sa “Infinity Tour” concert na gagawin sa Araneta Coliseum sa Biyernes.

Kapansin pansin ang bagong image si Charice,  maigsi at may kulay ang buhok. Bukod dito, napansin din ang pagpapalagay ng dalaga ng tattoo sa braso.

Ayon pa sa mga report, si Charice ang magiging female judge ng worldwide talent search, X factor.

altSa ginawang autopsy kay Whitney Houston, ang natagpuang tubig sa lungs ng singer ay maaaring hindi dahilan ng pagkamatay nito. Ang hinala ng L.A. County Coroner officials ay maaaring ang combination ng Xanax at ilang prescription drugs mixed with alcohol.

More Articles...