Libangan - Ako Ay Filipino

20
Wed, Sep

Manila - Ayon sa Nielsen TV Audience Measurement, sa full November data (November 27 hanggang 30 ay base sa overnight readings), ay nana­natili ang GMA bilang number one free-to-air television channel matapos nitong magtala ng 37.5 total day average household audience share points, mas mataas ng 8.2 points kum­para sa 29.3 points ng ABS-CBN; at mas mataas ng 22.5 kumpara sa 15 points ng TV5.

altBest TV station ulit ang ABS-CBN sa pangatlong magkakasunod na taon sa ginanap na PMPC Star Awards for TV. Umabot ng 29 awards ang natanggap na awards  ng ABS-CBN samantalang  15 awards naman ang nakuha ng GMA at ang lima naman ang nakatanggap ng TV5.  

altInamin ng aktor na kasalukuyang maayos ang takbo ng relasyon nila ni Kc Concepcion sa kabila ng maraming isyu ukol diumano sa hiwalayan ng dalawa.

“Excited lang ako sa concert but we are good”, ayon sa aktor sa isang interview dito.

Kasalukuyang nasa San Francisco ang magkasintahan para sa isang concert. Nag perform din ang dalawa sa New York, Chicago at Los Angeles.

"Heading back home a day after the show because I'm taping for new soap - Padre de Pamilya", kwento pa nito. Makakasama ni Piolo sina Jericho Rosales at Christopher de Leon, Rafael Rosell, Denise Laurel, Jeffrey Santos, Rey PJ Abellana at Maricar Reyes

altKinumpirma ng actress/TV host si Kris Aquino na malabo na munang tumakbo sa anumang posisyon sa 2013 elections. Ito ay matapos niyang tanggapin ang alok ng United Nations High Commissioner on Refugees’ (UNHCR) bilang “honorary patron."

Sinabi ni Kris na bahagi ng kasunduan sa pagtanggap niya sa bagong tungkulin ay ang hindi niya pagkuha ng anumang posisyon sa gobyerno.

Samantala, ang pagtanggap ni Kris sa tangkulin bilang “honorary patron" ng UNHRC ay unang bahagi lamang sa proseso para maging Ambassador of Goodwill katulad ng Hollywood star na si Angelina Jolie. Ayon pa dito: “I'm in excellent company. Angelina Jolie is the UNHCR Goodwill Ambassador. I'm honorary patron together w/ Luol Deng of the Chicago Bulls, Khaled Hosseini author of A Thousand Splendid Suns & Kite Runner & Yao Chen from China, super pretty actress & their twitter queen w/ 13 million followers."

May pagkakatulad diumano sila ni Luol Deng at Khaled Hosseini, dahil ang kanilang mga pamilya ay minsan ding nakinabang at nabigyan kalayaan sa pamamagitan ng political asylum.

Gayunman, ramdam ang excitement ni Kris na gampanan ang tungkuling tinanggap mula sa UNHCR.

altOpisyal na TV5 Kapatid na si Sharon Cuneta at limang taon ang kontratang pinirmahan nito noong Nobyembre 22 na magiging epektibo sa Enero 1, 2012.

Ayon sa mga ulat, aabutin ng P1 bilyon ang kiki­tain ni Sharon sa Kapatid Network sa loob ng limang taon at ito ay itinanggi naman ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan. Ang tanging kinumpirma ng senador ay ang limang taon na kontrata ni Sharon pero hindi na ito nagbigay ng halagang kikitain ng kanyang asawa.

Todo suporta si Pangilinan sa panibagong hamon na kakaharapin ng kanyang asawa ngayong nasa bakuran na ito ng TV5 matapos ang ilang dekadang pamamalagi sa ABS-CBN.

“Kung saan siya masaya she has my 110 percent support,” pagtatapos pa ni Pangilinan.

altMANILA – Hindi naiwasan ng Pinay international singer na si Charice Pempengco ang lumuha ng ihatid sa huling hantungan ang kanyang ama noong Sabado ng hapon.

Ayon sa mga report ay inabot ng dalawang oras ang paglalakbay ng mga labi ni G. Pempengco patungong memorial park sa Cabuyao, Laguna dahil bukod sa maraming sumama ay napakaraming taong nakaabang sa dinaanang kalsada.

Kabilang sa mga nagtungo sa libingan sina Laguna Governor Emilio Ramon (E.R.) Ejercito III at San Pedro police chief Superintendent Kirby Kraft.

Si G. Pempengco ay nasawi noong Lunes matapos saksakin ni Angel Capili sa Laguna bilang pagtatanggol diumano sa sarili. Sumuko naman si Capili matapos magtago ng ilang araw at humingi ng tawad sa pamilya ni Charice ngunit ayon sa pamilya dapat lamang na pagdusahan nito ang kanyang ginawang pagpaslang.

 

altMatapos ang ilang buwang hindi pagpapakita ni Sharon Cuneta ay muling nagpa-interview ang Megastar at masayang ibinalita ang kanyang pagpayat.

"I cut out  as much as carbo as I could. Wala akong set na diet,  it's really a mixture. I have a cousin who's kind of a health buff so she tells me na ganito ganyan tapos, hinahalo ko sa ibang diet na na-try ko na, aba nag-work naman," ayon kay Cuneta sa isang interview.

Ayon pa sa aktres ay halos 10 kilo na ang nabawas sa kanya at inaasahan pa niya ang patuloy na pagbawas sa timbang nito.

Idinagdag pa nito na ang itinuturing na kapatid na si Judy Ann Santos-Agoncillo ay malaki rin ang naitutulong sa kanyang pagpapapayat.

Samantala, kinumpirma ng aktres ang pagkakaroon ng pelikula ngayong taong ito at tila uumpisahan na sa Oktubre.

“Basta ang role ko ay nagta-trabaho sa call center, the story is about family” ayon pa dito.

Bilang pagtatapos, inaasahan din ng aktres ang pelikula nila ni Gabby Concepcion na dating asawa nito.

 

More Articles...