Libangan - Ako Ay Filipino

20
Wed, Sep

altSa gitna ng pinakamalaking Disney event sa Amerika, tinanggap ng multi-award winning singer na si Lea Salonga ang parangal bilang unang Pinay na napabilang sa Disney legends.

Isa si Lea sa labindalawang nakatanggap ng parangal mula sa Disney Company para sa kanyang malaking kontribusyon sa ilang Disney films. Matatandaang hinangaan ng marami ang boses ni Lea Salonga sa mga film ng Walt Disney tulad ng “Aladdin" (1992), “Mulan" (1998) at “Mulan II" (2004).

Natanggap ni Lea Salonga ang nasabing parangal sa pagdiriwang ng D23 Expo, isang tatlong araw na pagdiriwang na iniaalay sa lahat ng mga tagahanga ng Disney sa buong mundo.

Tinaggap ni Salonga ang award at halos mapaiyak ito sa harap ng halos 4,000 fans sa standing ovation ng mga ito at walang humpay sa pagpalakpak sa katangi-tanging talento ng Pilipina.

“Ang makatulong sa mga mahihirap”, ito diumano ang parehong motibo ng dalawang programa kaya hindi naman maiwasan ang ikumpara ang dalawa; ang “Manny Many Prizes” ni Pacquiao at ang “Wil Time Big Time” ni Willie Revillame.

altKung namimigay si Willie Revillame ng pera sa studio audience ng Wil Time Bigtime, tinapatan ito ni Congressman Manny Pacquiao na na­migay rin ng libu-libong pera sa mga manonood sa loob ng AFP Theater noong Sabado.

Mas malakas lamang ang sense of humor ni Willie kumpara kay Manny na halata na may kaba sa kanyang unang hosting job at kailangan pang lalong maka-relate sa mga televiewers, tulad ng ginagawa ni Willie.

Successful ang pilot telecast noong Sabado ng Manny Many Prizes dahil mataas ang live ratings nito. Nakakadismaya lang ang kakulangan ng disiplina ng audience na nakita sa AFP Theater. Nagka-gulo ang mga ito sa mga ipinamigay na loot bags gayun din sa Pasa Glove segment na naging dahilan ng sa pansamantalang pagpapahinto dito.

Ngunit gaya ng ipinangako ni Manny, ipinamigay nito ang house and lot, kahit hindi nahulaan ng contestant ang bahay na naglalaman ng salitang bahay at lupa.

 

altGalit na galit pa rin ang TV host na si Willie Revillame matapos lumabas ang maiinit na bintang at isyu kaugnay sa umanong pang-aabuso sa isang anim na taong gulang na si Jan-Jan sa kanyang programa noong March 12.

Ayon kay Willie, walang katotohanan ang mga paratang at sinisiraan lang siya ng mga naging kalaban niya sa pulitika.

Lumalayo na rin ang Malacañang sa isyu. Ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda, nasa Movie and Television Review and Classification Board na ang pagpapasya ukol sa programa.

altMay second movie project sa Hollywood si Charice. Malia ang pangalan ng karakter na gagampanan  nya sa Here Comes The Boom, ang kanyang second Hollywood movie na pinagbibidahan nina Salma Hayek, Kevin James at Henry Winkler.

Kinukunan sa Boston ang mga eksena ng pelikula na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa susunod na taon.

Si Adam Sandler at ang Columbia Pictures ang producers ng comedy movie at mula ito sa direksyon ni Frank Coracim, ang direktor ng mga pelikulang Click, Around The World In 80 Days, The Wedding Singer at The Waterboy.

Ngunit si Rodney Brazeu, ang American movie blogger ay kinukuwetsyon ang pagkakasali ni Charice sa Salma Hayek movie. Si Rodney ang senior editor ng The Movieblog.com, ang website na nagmamalaki na ito ang official home of correct movie opinions. “Casting a person who might be famous somewhere else does NOT guarantee success”, ayon pa dito. “ I think she might have a career in music -- she was a terrible in her brief appearance on Glee (but sang well). Casting popstars instead of actors RARELY helps a film. They would be better off casting an ACTOR instead”, pagtatapos pa nito.

Kahit ang mga kilalang artista, sa panahon ng kwaresma ay makikitang may mga sariling tanda ng pagiging banal at pagkakaroon ng sariling deboto.

altAng rakistang si Jamir ng Slapshock ay nagpa-tattoo sa katawan ng mga imahe ni Hesukristo at Birheng Maria.

Bumalik naman si Cesar Montano kung saan sya lumaki sa Sta. Ana, Manila. Ito’y para tuparin  ang panata niyang makapagbigay ng scholarship sa pamamagitan ng all-star benefit basketball games.

MANILA, Philippines – Celebrity mom Jodi Sta. Maria proved that not even show business can stop her from pursuing her dreams.

altOn Thursday, Sta. Maria finally graduated from high school at the Southville International School and Colleges.

Sta. Maria is also hoping to enroll in college this school year.

Moreover, the actress said she never felt awkward even if she was way older than her classmates.

Meanwhile, Sta. Maria’s teachers and friends only have good words for her.

“Kulang lang ‘yan sa oras pero kahit diretso galing shooting, pumapasok ‘yan may itim itim pa [‘yong ilalim ng mata] pero ang mga homeworks parating tapos at inaayos,” Sta. Maria’s teacher said.

 

Ang MTV Cribs ay isang TV show sa Amerika na nagpapakita ng mga tahanan ng mga sikat na celebrity tulad nina Mariah Carey, Robbie Williams, Shaquille O’Neal, Hulk Hogan at Alanis Morissette.

Ang crew ng MTV Cribs ay nagtungo noong nakaraang February 2010 sa bahay ni Representative Manny Pacquiao sa Los Angeles, California at lumipas din ang isang taon bago nila ipinakita sa TV ang mansion ng Filipino boxing champion.

Si Manny ang kauna-unahang Filipino na na-feature ang bahay sa MTV Cribs. Si Manny mismo ang naging tour guide ng MTV Cribs crew at pabirong nagsabi sa televiewers na “This is our house so you know we have to put our pictures.”

More Articles...