Tina Paner, balik Pilipinas matapos ireklamo ng mga ofws sa Spain - Ako Ay Filipino

19
Tue, Sep

Showbiz

Enero 21, 2013 - Kumpirmadong nasa Pilipinas na ang dating ‘80s teen star at Regal baby na si Tina Paner pagkatapos ng ilang taong pagtira sa Barcelona, Spain.

Ito ay matapos mapabalita ang diumano’y pagbebenta ng fake plane tickets nito sa mga Ofws sa Barcelona.

Lumabas ang balita last January 11 dahil may ilang Pinoy-based sa Spain na nagbuo ng isang grupo via Facebook para ireklamo si Tina dahil sa pagbebenta sa kanila ng mga pekeng plane tickets.

Ilan diumano sa mga nagreklamo ang hindi nakauwi noong nakaraang Pasko at Bagong Taon dahil hindi magagamit ang plane tickets na ibinenta ni Tina sa murang halaga—dahil peke raw ang mga ito.

Inireklamo din diumani si Tina sa isang police station sa Barcelona ngunit nang puntahan ng mga pulis ang opisina ni Tina sa isang pawnshop ay wala na ito sa dating tanggapan noong December 14, 2012 pa.

Samantala sa isang panayam kay Tina Paner sa The Buzz ni Boy Abunda kahapon, araw ng linggo, ay nagpaliwanag hinggil sa isyu ang dating teen star.

“Isa rin naman akong biktima,” bungad ng dating singer-actress. “E, ‘yung nangyaring ‘yan na scam, that was last year July. May inilabas na offer na Barcelona-Manila (at) Manila-Barcelona (flights) sa murang halaga.” Nagkakahalaga umano ang mga tiket ng 685-700 euros.

Ayon sa panayam, isang commission agent si Tina ng isang travel agency. Matapos ibenta ang mga tickets at tsaka pa lamang nabalitan ni Tina na peke pala ang mga ipinabentang tiket sa kanya.

“So maraming Filipinos ang nagrereklamo. So ako sa sobrang takot ko at that time, syempre kahit paano kilala pa rin ako sa Filipino community, ang ginawa ko para hindi magreklamo sa akin ‘yung mga clients na bumili (ng tiket sa akin), bumili ako ng panibagong ticket na double ang price nung binili nila sa akin.” Ayon pa kay Tina ay hindi niya ipinaalam ang mga nangyari at ang alam ng mga kliyenteng ay makakalipad sila.

Umabot sa halos 100 ang nakalipad hanggang December 2012. Naubos daiumano ang savings niya upang makalipad ang mga kababayan.

“The problem is wala na siya.” , ang isinagot ni Tina sa tanong
ni Boy kung hinabol niya ang may-sala.

May mga natitira pang 20 passengers na nagbayad sa kanya at ang schedule ng flights ay ngayong Enero hanggang March 2013. At ang ibinayad sa kanya ng mga natitirang kliyenteng ito ay ang perang ginamit naman diumano ni Tina sa mga unang lumipad.

Nangangako ang singer-actress na gagawan niya ng paraan upang makalipad ang mga natitirang dapat lumipad ngayong taon sa pagtatapos sa panayam.